Chapter 18- Boyfriend mo?

425 9 3
                                    

When you're in love you never really know whether your elation comes from the qualities of the one you love, or if it attributes them to her; whether the light which surrounds her like a halo comes from you, from her, or from the meeting of your sparks.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-==-=-=-=-==-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

My Absolute Boyfriend 2.0 - ***18***

< JOYCE POV>

"Xiaofei" napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali, yung boses na yun. Kilalang-kilala ko yun. Si Zongshi ^____^ waahhh nandito na bestfriend ko teka bakit napaaga ata, alam ko bukas pa siya pupunta. Namiss ko tong tao na ito sasalubungin ko na sana siya para yakapin kaso.....

"Tol" si Charles tinawag yung tao sa likod ni Zongshi. Omo O_O may tao pala sa likod ni Zongshi. Yung mga mata na yun para akong na hypnotize bakit ganito napapatitig na rin ako ung feeling na kayo lang dalawa ang nasa paligid ganun ang nararamdaman ko ngayon. This feeling muling nagbabalik kaya lang sa ibang lalaki pa na kamukha rin ng taong mahal ko.

 Hindi ko namalayan nakalapit na pala si Zongshi sa akin, nararamdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. Si Sir naupo din dun sa tabi ni Charles, umupo na rin kami nila Zongshi bale katabi ko ang bestfriend ko at ang pinsan ko. Sa harap naman sila Charles and Sir Saavedra na until now nakatingin pa rin kung ice cream lang siguro ako kanina pa ako natunaw sa mga titig nya. Hindi ko malaman kung galit ba ang nakikita kong expression sa mga mata niya ngayon.

“Hoy! Joyce kanina pa kita kinakausap.” Para bang bigla akong nagising sa pagkalabit sa akin ni Belle. Ipakilala ko raw yung bagong dating. Oo nga pala na saan na ba ang manner ko.

“Guy’s Si ZOngshi …” hindi pa ako tapos sa sasabihin ko bigla na lang….

“BOYFRIEND MO?” si Sir J.A. seryoso ang pagkakasabi nya nun na parang galit ang tinig. Nakinabigla ko rin siguro ako lang ang nakapansin basta ewan hindi ko siya maintindihan.

Nakatingin si Charles sa isasagot ko.

 “Ahh, ei Oo ei”

“What??” muntik ng mabuga ni Belle yung tubig na ininom nya. Si Zongshi naman lumapad ang ngiti, si Sir J.A. naman kumunot ang noo, bakit ba kasi ako nataranta sa tinanong ni Sir J.A naging mali-mali tuloy ang nasabi ko. Boyfriend ko nga di ba si Zongshi, isang BOY na FRIEND slash BESTFRIEND KO.

“Hala!!” with matching erase-erase sign sa kamay. “Si Zongshi ang Boy na friend ko nag-iisa lang yan sa mundo kaya siya ang naging Bestfriend ko.” Tsk, kailangan ba talagang magpaliwanag.  

Lumiwanag ang mukha ni Charles, si Sir J.A. naman parang sama ng tingin sa Bestfriend ko, ano ba kasi ang meron.

“Zongshi sila nga pala, si Charles 1st guy friend na nakilala ko dito sa Pilipinas. Si Belle ang Beautiful Cousin ko.” Pinakilala ko sila isa-isa then magiliw naman nilang inabot ang kanilang mga kamay for the greetings. Si Belle ewan ko bakit ganun ang mga ngiti nung nakipagkamay kay Bestfriend, I smell something specyyyyy……

“Si Sir Saavedra, ang boss ko bilang Personal Secretary niya.” Nagkamay silang dalawa na mabilis naman binawi ni Sir J.A. mukhang hindi niya ata feel ang Bestfriend ko T_T…..

Hindi ko namalayan kung paano natapos ang lunch break namin, feeling ko sobrang tagal ng oras. Medyo nakakahiya kay Charles hindi kasi kami gaano nakapag-usap, sila Belle at Zongshi naman parang tagal na nilang magkakilala, ako pa talaga ang nasa gitna habang nagkwekwentuhan sila. Kami na lang tuloy ni foods ang magka-close, hindi ko naman makausap din si Charles kasi ba naman yung katabi niya ang gara makatingin hindi tuloy ako makatingin sa kanya sa mismong tapat ko pa kasi naupo si Killer look este si Sir J.A , kung pwede lang sana magtago sa plate ko ginawa ko na. Wala pa naman akong ginagawang mali sa trabaho ko ahhhh......

Tagal din ng oras sa loob ng office, si Charles after lunch nagpaalam na. So, it means kami na lang dalawa ni Sir Killer look ang nandito sa loob ng office. Buti na lang hindi ko siya nakikita, after kasi ng lunch ngderetso na siya sa office niya at hindi na rin lumabas para mag-coffee break, ano kaya problem nung isa na yun.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

 >>>J.A. POINT OF VIEW<<<

Kanina sa lunch bakit ganun yung reaction ko, ano ba ang karapatan ko magreact. Ako pa talaga ang nagtanong kung BOYFRIEND nya ang mokong na iyon samantalang hindi naman ako ang kadate ni Joyce. Bakit ba naman kasi sumunod pa ako dun sa Canteen pwede naman sa labas ako kumain and dapat hindi sa Canteen kumain sila Charles kung gusto nya talagang idate ang babae na yun dapat nagpapa-impress siya. Pakshet ano ba naman kasi itong iniisip ko, wala akong karapatan na umakto na magselos sa harap niya. Puta... anong selos ako nagseselos pakshet ano na itong iniisip ko.... Hindi ko mawari yung feeling na pagmamay-ari mo tapos parang may gustong umagaw ganun ung naramdaman ko kanina, ano ba tawag dun? 

Kung may apoy lang siguro yung mga mata ko kanina, nasunog ko na siguro si Joyce at yung Zongshe nga ba ang pangalan nun. Bestfriend daw??? Weh, maniwala ako sa kanila na Bestfriend lang, bakit may pa-hug pang nalalaman. Empleyado kaya namin yun, masesante nga. *Evil think* bakit ko ba gagawin yun, wala naman ginagawa yung tao..... Pakshet!!!! Para na akong baliw na kinakausap ko ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito???? 

Ang pagkakatanda ko, simula nung nakita ko si Joyce after the Party siya na lang ang naging laman ng isip ko. Hindi ko pa maamin sa sarili ko kung ano ba talaga ito, at hindi dapat na ganito ang maramdaman ko. Nauna na si Charles at wala na akong karapatan na pumasok pa sa kanilang dalawa. Pero everytime na nakikita ko siya this heartbeat so weird, katulad kaninang umaga sa pagpasok ko pa lang nakaramdam na talaga ako ng kakaiba. Parang hindi na ako ito, simula nung naaksidente ako may mga pakiramdam at mga kaisipan na bigla na lang pumapasok na alam ko na hindi naman ang dating ako....

*FLASHBACK*

" Ikaw ay ako at ako ay ikaw..." ngiting sabi nya.

" Ako si Ikaw? Watttafuckk with you men, are you insane? I know we both look a like, but how come na ikaw ay ako???? " nalilitong tanong ko. Ngumiti lang siya pinagtatawanan ba nya ako.

" Oo, ako si ikaw. Tayo'y iisa, may naiwan pa akong misyon sa Lupa na hindi ko pa natatapos. At alam ko na ikaw na ang dapat magpatuloy nun. Hindi ako katulad mo na isang tao, isa akong robot, ginawa ako na kawangis mo kapareho ng mga genes na dumadaloy sa ugat mo. Tayo'y iisa ang pinagkaiba lang isa akong makina. " mahabang paliwanag ng lalaking kamukha ko. Misyon anong misyon ang sinasabi nito, isa syang makina, pareho kami ng genes anong ibig nyang sabihin.

" Alam ko nalilito ka sa mga sinasabi ko. Lahat ng iyong mga katanungan malalaman mo sa lupa ang mga kasagutan. Babalik ka dun para baguhin ang lahat, hanapin ang babaeng mahal natin upang tuparin ang ating pangako sa kanya." malungkot na wika nya, kung isa syang robot bakit may luhang pumapatak sa mata nya, bakit nararamdaman ko rin kung ano ang nararamdaman nya. Bakit lahat ng sinasabi nya parang sinasabi ko rin? Bakit parang nasasaktan ako ng dahil sa pag-ibig?

" Ikaw ay ako at Ako ay Ikaw, sa simula pa lang tayo ay iisa na. Gumising ka na kailangan mo ng simulan ang panibagong buhay. Salamat dahil alam ko na hindi na sya malulungkot dahil andyan ka na para sa kanya" unti-unti na syang kinakain ng liwanag... Sinong sya ang tinutukoy nya. Sino ba talaga ako?

 *END OF FLASHBACK*

Pakshet!!!! Iyon nga yun, simula ng napanaginipan ko yun parang nag-iba na rin ako. AKo pa rin naman ito pero parang may something na kulang. Kamukha ko lang ba yun o baka naman kakambal ko lang matanong nga sa kanila Mommy baka nga may kakambal ako. Babalik ako sa lupa para baguhin ang lahat upang hanapin ang babaeng mahal nya?? mahal ko??? sino ang babaeng tinutukoy niya? Anong pangako ang kailangan naming matupad. Letse, sumasakit na naman ang ulo ko.

XIAOFEI.... iyon yung tinawag kanina nung mokong kay Joyce, yun ba ang totoo niyang pangalan . That name seems familar to me. Parang matagal ko ng binabanggit ang ganyang pangalan ng paulit-ulit.....

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Author's Note:

Annyeong!!! ^___^ Sobrang late na update ko. Musta naman ang Killer Look ni J.A. kasi ba naman ??? hehehe hirap maging spoiler.

Later

Ciao,

A

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon