7-First Encounter

Start from the beginning
                                    

 “Zale?” sigurado akong hindi ito ang unang beses na tinawag niya ang pangalan ko dahil nakakunot at magkasalubong na ang kilay nitong pinutol ang pag agam-agam ko.

“H-ha?” sabi ko nang makabalik sa tamang huwesyon.

“You’re spacing out.” Sabi nito sabay ngiti. “I said we’re here.” Nilinga ko ang paligid at tama nga ito, nakarating na kami sa classroom namin.

“Nakarating na pala tayo.” Napakamot sa ulo na sagot ko sa kanya saka napangiti.

Nakakahiya ka Zale.

“Oo, kaya umupo ka na at baka dumating na iyong guro natin.”

 “Hehe… Sige…” Sabi ko pa bago tinungo na ang daan papunta sa silyang katabi ni Jamaica. Ngunit nasa kalagitnaan palang ako nang paglalakad ay naramdaman ko’ng may pumatid sa paa ko na biglang nakapagpatumba sa akin sa harapan. Buti na lang at naiharang ko yung palad ko sa sementong sasalo sana sa mukha ko.

Pinagtawanan naman ako ng mga kaklase ko. Ilang minuto din akong ganun bago ako nilapitan ni Ryder at inalalayan ako sa pagtayo.

Nang makatayo ako ay galit niyang hinarap ang mga kaklase namin bago sumigaw.

“Stop it, okay? It’s not funny!” Bigla ay naramdaman ko ang pagtahimik ng buong kapaligiran sa inakto niya. Maging ako ay nagulat rin sa nakikita kong galit sa mga mata niya.

 “Are you okay?” bahid sa mukha nito ang pag-aalala nang tanungin ako.

“I-Im okay…I think I just need to sit.”  Pero bago pa man ako lumakad ay nilingon ko muna ang taong may gawa nun at ganun na lang ang pagkakunot ng noo ko nang mapagsino ito.

It was Cindy. Yeah, right. Kaya tama nga siguro’ng bigla ay magiging interesting na rin ang tahimik kong pamumuhay dahil sa pagpasok ng dalawang forces na wala nga ata talagang balak na tantanan ako. I don’t know if I can still handle it.

“You’ve done this, right?” narinig kong tanong ni Ryder kay Cindy. Mahina lang iyon pero sapat ng ramdam mo ang galit sa boses nito.

Tiningnan niya saglit si Ryder bago itinuon ang mata sa akin. Lumabas ang mapanuring ngiti nito bago nagsalita.

“Oh, I’m sorry. Hindi ko alam na may dadaan pala. Hindi kasi kita napansin.”

Tinitigan ko ito saglit bago sinagot.

“It’s okay. Hindi ko naman kasi alam na kung gaano ka laki ng mga mata mo ay ganun naman pala kaliit ng pananaw mo.” Ganti ko rin sa kanya at nagpipigil sa galit ko.

Hindi kasi ako katulad ng iba na nagpapaapi. Pare-pareho lang naman tayong tao, mayaman man o mahirap, kaya bakit kailangang may mang-api at maapi. Kaya never akong hindi kumikibo sa tuwing may gustong kumalaban sa akin. I really fight back well.

Nakita ko ang mas lalo pang paglaki ng mga mata nito at ang pagbagsak ng panga nito sa sinabi ko.

 “Best, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Jamaica sa akin nang makalapit ang babae

Ngumiti ako ng tipid nang lingunin ito at tumango.

“I’m okay. Don’t worry. I’m not really affected with somebody’s childish pranks.”

I put a smirk in my face bago hinarap si Ryder.

“Ryder, thank you… I think I have to sit” Sabi ko sa lalaki at akma na sanang tatalikod nang may humablot sa buhok ko.

“What did you say, earthworm?” Sabi niya sa akin habang pinagsasabunot ang mga buhok ko . Napapangiwi ako sa sakit. Ngunit di ko rin naman ito magantihan kasi nakatalikod ako sa kanya.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Where stories live. Discover now