"Okay na. You don't need to explain anything. I know your motive is clear. I know you. Not everything about you, but I still know you."

Agad kong naramdaman ang namumuong tubig sa mga mata ko. How can he manage to be this kind of man? Truly one of a kind. Truly mine!

"I know you by heart." he said ending all of my worries.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumakad palabas.

Paglabas naming dalawa sa maze ay agad nagtilian ang mga tao sa labas. Anong meron? Dahil ba sa panalo?

"Nalimutan kong kunin 'yung flag!" nanlaki ang mga mata kong bumaling kay Kairon.

He laughed and pinched my cheek. Mas lalo lamang nagtilian ang mga tao. Hindi ko alam kung masaya sila o nanghihinayang.

Doon ko lang na-realize na maaaring nakita nila ang pag-uusap namin ni Kairon dahil sa pagbubukas ng mga camera sa huling minuto! Hala ka siya!

Saglit kong itinakip ang mga kamay ko sa aking mukha dahil sa kahihiyan. Pero agad ko ring naisip na, anong nakakahiya? I mean, Kairon Pierce Gonzalez kissed me on my nose! I should be so proud! Right??

Nakita ko si Lia na malaki ang ngiti, si Kuya Mac na walang ekspresyon at si Stephanie na biglang nag walk-out. Also, Lancer, is nowhere to be found.

Tumawa naman ang Professor namin at idineklara ang pagkapanalo ng aming grupo kahit hindi ko nakuha ang flag.

Sabay kaming naglalakad ngayon ni Kairon pabalik sa Flamma Building.

"Why are you smiling?" tanong niya.

"W-wala lang."

"Are you kilig?" Natawa ako sa kanyang sinabi kaya nahampas ko siya sa kanyang braso. "Ouch."

"Ang conyo mo." sabi ko, natatawa pa rin.

"You should really meet my sister. Para mahawaan ka rin niya." ani Kairon.

Napatalon naman ang kung ano sa loob ko dahil doon. Meeting the family agad?

"Speaking of siblings, I should really make amends with your Kuya Beau." aniya. "Magpapakabait na ako sa kanya. Mahirap na..."

I smiled and pinched his nose. "You really should. Para kayong mga bata."

"I don't know. But we really are having small fights whenever we see each other." ani Kairon.

Natatawa akong umiling. "Mabait naman 'yon si Kuya kahit ganoon siya kung minsan."

"Mabait din naman ako. Gwapo pa." banat niya na mas ikinatawa ako.

"Tsk! Hangin."

Sakto at nakarating na rin kami sa mga kwarto namin. Hindi na kami pareho ng kwarto, pero at least magkatapat lang.

"Sige na, magpahinga ka na." sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya. "Yeah... Ikaw din. See you tomorrow?"

"See you." sabi ko at pumasok na para itago muli ang kilig. Damn him!

-

Maaga akong gumising para makapag-ayos. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng uniporme ay humarap agad ako sa salaminan.

I should look fresh and blooming! Girly and carefree! Sweet and charming! Basta lahat!

I started to put a thin amount of liquid foundation followed by a pressed power to set it. Kaunti lang para natural looking pa rin! Sunod ay kinuha ko ang paborito kong lip tint. One swipe of airy ink velvet on the shade of heart grapefruit and I'm done.

Garnet Academy: School of ElitesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu