Chapter 27.1: Ice

Start from the beginning
                                    



Ilang araw, linggo at buwan na rin ang lumipas pero hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung babae. Minsan nga napapatulala na lang ako tapos maiisip ko siya. 'Yung maganda niyang mukha lalo na kapag ngumingiti siya. Makailang beses pa nga akong pumupunta sa No Name noong bakasyon. Kunyari gusto kong makipagkwentuhan kay Kuya Ry pero ang totoo tinitingnan ko lang siya.

Nakakatawa nga at nagkakaganito ako eh ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Maski boses niya hindi ko pa naririnig. Corny man pero kung totoo ang love at first sight na sinasabi nila tingin ko ito na 'yun.



Last week na ng bakasyon namin nang tumambay na naman ako sa No Name. Lunes pa. Ako lang mag-isa at hindi kasama si ate.

Nakakapanibago nga lang kasi wala ang babae sa stage. Hindi sila ang kumakanta ngayon. Lumilingon lingon ako sa paligid maya't maya kasi umaasa akong baka makita ko siya kaya lang wala.

"Wala sila ngayon dito," sabi bigla ni Kuya Ry.

Nagulat ako kaya napaupo ako ng diretsyo. Humarap ako sa kanya ng nagtataka, "Ha?"

"Last week ng bakasyon ngayon. Ngayon na 'yung start ng totoong schedule nila. Tuwing Tuesday at Thursday lang sila magpeperform." Tiningnan ko lang siya ng may halong pagtataka. "Hinahanap mo 'yung banda na puro babae 'di ba?" dagdag pa niya.

"Hindi," tanggi ko.

Parang nag-iisip siya saglit tapos ay nagsalita ulit, "Ay oo nga. Mali ako. Hindi mo hinahanap 'yung girl band. Si Zoe 'yung hinahanap mo."

"Zoe?" Siya ba'yung nagdrudrums?

"Oo. Si Zoe. 'Yung drummer. 'Yung gusto mo." Nanglaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya Ry. Alam niya? Paano? Hindi ko naman pinapahalata ha? Itatanong ko palang sana pero sumagot na siya. "Paano ko nalaman? Wala lang. Halata ka kasi. Ang bagal mo. Maski pangalan hindi mo naitanong. Panay tingin ka pa sa malayo. Anong mapapala mo sa ganu'n? Pero gusto mo naman talaga siya 'di ba Ice? Gusto mo si Zoe?"

Wala na naman siguro akong rason para itanggi 'yun. Wala rin namang masama kung malaman niya kaya tumango ako. "Oo may gusto ako sa kanya. Gusto ko si Zoe."

Nagulat na naman ako nang may umakbay sa akin at umupo sa tabi ko. "Sinong Zoe? Ikaw, pare ha. Hindi ka nagsasabi." Gago. Bakit ba biglang sumusulpot 'tong si Josh. Paano ba 'to napunta dito? Narinig tuloy niya.

Hindi ko siya sinagot at pinakilala ko lang siya kay Kuya Ry. Kaya lang mali ata ang ginawa kong 'yun kasi kwinento na ni Kuya Ry sa kanya 'yung tungkol sa pagkakagusto ko kay Zoe.

Nang malaman ni Josh ay pinagtawanan niya ako at pinagtatawag na torpe. Para naman makaganti ay sinikmuraan ko siya.

"Bakit ba kasi hindi ka malapit?" tanong ni Kuya Ry.

Ayoko namang sagutin siya na 'hindi ako makalapit kasi nahihiya ako' kasi paniguradong lalo lang akong pagtatawanan ni Josh.

"Alam ko na. Tutulungan na lang kita," dagdag ni Kuya Ry. "Para mapalapit ka sa kanya, magtrabaho ka dito. Kapag ganu'n magkikita kayo. Magiging magkatrabaho pa kayo. Malay mo maging close na kayo."

Hmm. "Ano namang trabaho?"

"Banda. Kakanta kayo."

"May banda bang mag-isa lang?"

Binatukan naman ako ni Josh. Nakikiusisa na nga lang nagbabatok pa. Siraulo.

"Para saan pa kami nila Xander at Ken? Utak naman Ice." Sabagay...

Teen Clash (Boys vs. Girls)Where stories live. Discover now