“Ano deal? Pumayag ka na at nang makakain na tayo. Nagugutom na ako.” He said impatiently na para bang nakikipagtawaran lang kami ng bedsheet sa divisoria. AT bakit ba bedsheet agad ang naisip ko?

 

 

“Okay.” Yun ang isinagot ko kasi nagugutom na din ako. Okay. Palusot ko lang yun. What else could I do? And maybe, he is worth the riskso I wanted to give it a try.

 

 

“Good. Sige na pakiss na ulit.” And he kissed me. Just like that. Naging kami. After that we ate dinner. Nagluto siya ng corned beef kasi nga gutom  na kaming dalawa.No mushy words, no candlelit dinner, no make out pero nakakapagtaka na parang gumaan ang pakiramdam ko. At pakiramdam ko ang saya ko. Mas masaya pa nung mga panahong hinahabol habol ko siya sa school namin.

“Kung ganun will you marry me?” Bumalik ako sa kasalukuyan dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

“Ano ka? Hindi naman ako buntis para magpakasal agad agad.

“So kailangan pa muna kitang buntisin para pumayag kang magpakasal at para pumayag ka na makilala ka ni Mommy. Tara na bubuntisin na kita!” Akmang hihilahin nya ako pero di ako tuminag sa kinauupuan ko. Tumingin lang ako sa kanya ng nakataas ang kilay.

“Sigurado ka?” Nakataas pa din ang kilay ko.

“Na papakasalan kita? Oo naman.” Walang kagatol gatol niyang sagot. Pero hindi yun ang ibig kong sabihin.

“Hindi. Na bubuntisin mo ako?” Nakita ko siyang namula. Napangiti ako. Paminsan minsan lang ang pagkakataon na makita ko siyang namumula and this is one of those rare times. Ngayon ko lang yan nadiscover nung naging kami na. 

“Oo naman.Kung papayag ka ba bakit hindi?” Aba talaga naman. May lahing Andres Bonifacio ata siya. Atapang a tao.Aputol a kamay, hindi atakbo.Aputol a paa, hindi atakbo.Lupaypay a ulo, hindi atakbo.

 

Pinigilan kong tumawa.

“Hindi naman. Iniisip ko lang kung kaya mo.” Considering that…pero hindi ko na sinabi yun dahil alam kong nakuha naman na niya ang ibig kong sabihin. Pero mukhang nagkamali ata ako.  

“Minamaliit mo ako?”Sabi niya na mukhang nainsulto sa sinabi ko. Hindi nga ata niya naintindihan ang ibig kong sabihin.  

“Hindi ah! Malaki nga eh.” Naibulalas ko na nagpainit naman sa buong mukha ko.

“Ano?” Thank God at hindi niya narinig ng maayos.  

“Hindi kita minamaliit. Ang ibig kong sabihin, you know, clinically speaking…you are still…”At tumngin ako sa crotch niya. Namula ulit siya.

“Eh di subukan natin.” Talaga namang hindi siya tumatalikod sa hamon ano?

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon