Dizzy

14 1 0
                                    

Rosamie's POV:

Well, nandito na ako sa library...

Nagiisa...

At inaantay na ang aking cute kong boyfriend. Hehehe!

Don't worry, nakasuot na ako ng usual kong salamin. Sa totoo lang, nakakahilo yung binili ni Carlo one month ago sa fieldtrip namin, pero mas gugustuhin ko na tiisin kasi pinaghirapan niya iyon eh...I mean he become my guide noong nawala yung contact lens na suot ko.

And as remembrance, nakasabit palagi sa college blouse ko.

"Huy, Ami!"

"Eeep!"

Ang di ko alam, nasa likod ko na si Carlo tapos sabay kalabit sa akin. Kaya ayun, nagulat ako.

"Hmm! Carlo naman eh!" Sumimangot ako sa kanya. "Huwag mo naman akong gugulatin ng ganon, ha?"

"Hehehe! Sorry! Ang lalim naman kasi ang iniisip mo eh."

"Sus! Ang iniisip ko ngayon ay yung gagawin natin ngayon eh." Palusot ko sa kanya. "Di ba gagawa tayo ng project sa development theories atsaka economics?"

"Oo nga." Umupo na siya sa harapan ko. "Kailangan na natin simulan siya ngayon"

"Well, alam na natin ang gagawin natin, ha? Kailangan nating maghanap ng katambak na libro para makuha yung hinahanap ng prof natin, ha?"

Pagkatapos, we went seperate ways sa library para makakuha ng sources needed. Ako nga...medyo naparami ako ng hinihiram na libro...na parang humahakot lang ako ng grocery every Saturday sa mall na katabi ng campus! Hehehe!

When we finished collecting sources needed, nagarkila kami ng study room where we will gather our thoughts...

"Woah...ang dami pala nating nakolekta." Saka na lang naming narealize na medyo mali ang ginawa namin. "Pfft...medyo sasakit ang ulo natin nito. Sort na lang natin kung ano ang kailangan, ha?"

Sigh...it took a painstaking hour to sort out which books would be really needed for our project...yung mga rejected, pinabalik ko kay Carlo.

And when everything seems settled...

"Alright, anong plano natin?"

"Hmm...simula kaya natin sa librong ito." Sabay pakita sa akin ni Carlo ng isang libro na ang laman ay technical notes tungkol sa  development theories.

"Woah! Hehehe! Nagkakasundo tayo dito, ah!" Natuwa naman ako sa pinili niyang source. "O sige. Let's do what we must do. Kapag nalilito ka sa ilang terms, sabihin mo lang para makatulong ako, ha?"

"Okay, thanks!" Tapos nagtanong si Carlo habang nagsisimulang magsulat. "Tanong ko lang, paano ka ba naging bihasa sa mga subjects na tulad nito. Huwag ka sanang magalit pero...sa pagkakaalam ko ay walang ganitong libro sa probinsiya eh."

"Ha! Akala mo lang yun! Huehehe! Well...sa tingin ko, maswerte lang ako. Kasi mayroon akong nakitang vintage na libro sa bahay namin noong nasa high school ako. Medyo curious ako kaya nabasa ko...I don't know why pero naging adik na ako sa mga laman ng libro. Parang halos pareho lang yung laman niyan sa librong binasa ko dati."

"Hmm. No wonder na naging matalino ka." Nagblush at ngumiti ako sa kanya noong sinabi ni Carlo, na patuloy sa pagsusulat ng kanyamg notes.

Noong tumagal, nagsimula na rin akong magsulat ng notes gamit ang ibang libro na hiniram ko. Sa mga pagkakataong iyon, di kami nagtanong tungkol sa mga binabasa namin.

Well...hehehe...I guess pagdating talaga sa mga major subjects namin sa course, wala ni isa sa aming ang mangunguna eh. Sa development theories atsaka sa economics, kami lang yata ang umabot ng 3.00 (mataas na grade yun, ah?) at kaming dalawa lang ang takbuhan ng iba pa naming mga classmates namin.

My Forever RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon