Confession 30: Inside Yoshima Mansion

Start from the beginning
                                    

Nginisihan ko lang ito at nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok. “Mamamanhikan kaya i-excuse mo muna kami ng mapapangasawa ko sa subject mo,” casual kong sagot rito.

Napahinto ito sa paglalakad at nagtatakang tinitigan ako. Tinitigan ko rin siya at mayamaya lang ay humagalpak na ito ng tawa hawak pa ang tiyan. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa ginagawa niya. Pinilit naman nitong pigilin ang tawa niya dahil nakita niya ang reaksyon ko sa ginawa niya. Nagsimula na itong maglakad palapit sakin at tinapik ako sa kanang balikat.

“You’ve gone crazy dude.”

 

“I just love her.”

 

Napangiti ito ng malawak at napapailing na umalis sa harapan ko. Pinagmasdan ko lang ito at nakitang dumiretso sa kusina kaya naman sinundan ko na ito. Kumuha ito ng isang basok tubig at inubos sa isang tunggaan lang. Huminto ako sa tapat ng kitchen counter at pinagmasdan siya. Walang reaksyon ang mukha nito kaya hindi ko mabasa kung ano man ang tumatakbo ngayon sakanyang isip. Hindi na kasi ito sumagot sa huling sinabi ko. Knowing Gin, siya ‘yung tipo ng lalaking mapagkakamalang bading kung hindi lang dahil sa gandang lalaki nito dahil sa sobrang daming sinasabi. I want to hear his opinion. I want to hear what’s running on his mind now.

Ilang segundong katahimikan rin ang namayani sa pagitan naming dalawa noong tuluyan na nitong basagin ang katahimikan. “Love?” sarkastikong saad nito na hindi manlang ako nililingon. He fake laugh at muling napailing. “Sinabi mo na ‘yan noon, Oz.” Ako naman ngayon ang natigilan dahil sa sinabi nito. Humarap ito sakin ng nakangiti pero bakas sa mga mata nito ang lungkot. “Ganyan na ganyan ang sinabi mo sakin noon,” he paused at unti-unting naglaho ang ngiti nito. “Exact same lines.”

 

Napakuyom ako ng kamao. Ramdam na ramdam ko ang pagtatagis ng ngipin ko habang unti-unti namang nagbalik sa alaala ko ang mga nangyari. Masakit pa rin pala. Akala ko tuluyan na akong nakawala sa sakit na ‘yon pero tulad nga nga sabi ko… akala ko lang. Siguro ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay dahil na lang sa ego na nasagasaan sakin noong mga panahong ‘yon. Nasasaktan lang ako ngayon dahil sa pride. Alam kong si Alice na ang gusto ko. Oo, siya lang. Hindi ko na matandaan kung kailan pa ito nagsimula pero alam kong gusto ko na siya, baka nga mahal ko na talaga. Wala pa akong lakas ng loob na sabihin ito ngayon kaya uunti-untiin ko hanggang sa siya na mismo ang makaramdam.

Tama. Si Alice ang mahal ko at nasasaktan lang ako sa sinasabi ni Gin dahil sa pride.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at muling tinitigan si Gin. Nagtama ang mga mata namin at bakas pa rin doon ang lungkot at simpatya kahit na nakangiti ito. Ayoko pa naman sa lahat ay ‘yung kinakaawaan ako. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod. “But this time, it’s different, Gin. Patutunayan ko sayo, so stop looking down at me.”

 

“Right. Better prove me I am wrong…” mabilis na sagot nito. “Gusto ko ring malaman kung hanggang saan mo kayang panindigan ‘yang sinasabi mong pagmamahal.”

 

“I can-”

 

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now