"HOY! ANO BA?! ANG IINGAY NIYO! MANAHIMIK NGA KAYO!" Narinig kong sigaw nung lalaki.

"Niyo? Teka, ang alam ko, si Tyron lang ang kinuha nila, ah?"

"Sino 'yung isa? Babae eh!" Takhang tanong ni Hannah. Iyun rin ang narinig ko kaninang unang sumigaw. Bakit dalawa na silang narito? Sino ang isang 'yun?

"Tara, tignan natin dali!" Sabi ko.

"Teka, magdahan-dahan ka! Hintayin nating makaalis si Kuya!" Tumango naman ako, doon ko Lang napagtanto na Kuya niya pala 'yun.

Nang wala na kaming narinig, dahan-dahan kaming pumasok, sumilip pa muna kami kung wala nang tao. Wala naman na kaya naman nagtuloy-tuloy na kami sa pagpasok.

"Tara na!" Hila ko kay Hannah.

"Sandali!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi lang si Tyron ang nakagapos ngayon.

"Jennifer?!" Gulat na sambit ko, dahilan para makuha ko ang atensyon nila. Paanong nandito ang bestfriend ko?! Saglit pang naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Tyron at mukhang gulat rin silang nakita ako.

"Ciara! Umalis ka na dito! Lumayo ka kay Hannah!" Buong lakas na sigaw ni Tyron at halata sa mukha nitong may iniinda na sakit, malamang ay iyung saksak niya kanina, pero nagawa niya pa ring magpumiglas sa pagkakatali sa katawan niya nang makita ako.

Pero agad nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

Lumayo ako kay Hannah? What, bakit?!

"Lumayo ka sa babaeng 'yan, Ara! Umalis ka na! Siya ang may pakana nang lahat nang 'to! Kung bakit ako nandito!" Hiyaw rin naman ni Jennifer.

"A-ano?" Nalilitong tanong ko.

"Please, Ciara! Ako na ang nagsasabi, umalis ka na!" Kinakabahan akong lumingon kay Hannah nang sabihin iyun muli no Tyron.

'S-si Hannah?'

Nakita ko naman siyang nakayuko lang at hindi makatingin sa akin, kaya mas lalo akong naguluhan. Muli kong ibinaling kila Jennifer ang tingin ko.

"Iligtas mo ang sarili mo, Ara! Parang awa mo na, umalis ka na dito!" Sigaw muli ni Jen.

"H-hannah? Totoo ba?" Tanong ko sa kanya, pero nanatili lang siyang nakayuko.

"Naniniwala ka ba sa kanila, Ciara?" Alam kong malungkot ang tinig niyang 'yun nang tanungin niya ako. Para namang binambo ang dibdib ko dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

Hindi ko alam ang paniniwalaan ko, dahil una sa lahat ay si Hannah ang tumulong na makapunta kami rito para iligtas so Tyron, kaya bakit nila ako pinapalayo? Litong lito na ako! Imposibleng may kinalaman si Hannah rito, because all was she did is saving my life. Kaya imposibleng traydurin ako nito. She told me last night na hindi niya ako hahayaang masaktan, hindi ba?

Ito na ba 'yung sinasabi niyang gagawin silang pain? Dahil kung oo, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil hindi ko alam kung saan ako maniniwala.

"Ciara! Huwag kang maniwala sa kanya! Huwag kang magpapadala sa babaeng 'yan!" Sigaw ni Tyron, napaawang ang labi ko. Babaeng 'yan? Did he just called Hannah, babaeng 'yan?

Tyron, si Hannah 'yan. 'Yung babaeng mahal mo..

Pero hindi naman 'yun sasabihin ni Tyron kung nagsisinungaling lang siya, hindi ba? She loves Hannah, I know that.. pero ngayon, wala akong makitang emosyon sa mga mata ni Tyron kundi galit habang nakatingin ng matalim kay Hannah.

'Naguguluhan ako! Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko!'

"Traydor kang babae ka! Layuan mo ang kaibigan ko!" Sigaw ni Jennifer.

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon