ANTONIO HIDALGO

10.6K 512 97
                                    

Malamig. Madilim.

Wala akong ibang maramdaman kundi ang mga patak ng ulan at ang malamig na hanging dumadampi sa aking balat. Para akong nasa isang madilim na silid, walang ilaw, walang lagusan. Wala ni isang ingay na marinig. Nakaupo lamang ako at nakasandal sa malaking puno. Tinitignan ang matingkad na kulay pulang dumadaloy mula sa aking hita't tagiliran habang hinihintay na tuluyan na akong sakupin ako ng dilim.

Nailayo ko na ang atensiyon ng mga tauhan ni Bonzon. Sana'y nailayo na nina Santiago ang iba. Sana'y nasa mabuting kalagayan si Kristin.

"—nio!"

Isang malamlam na ilaw ang dumaan sa aking harapan,

"—tonio!"

kasabay ng isang pamilyar na boses. Gustuhin ko mang hanapin ang pinanggalingan ng boses ay hindi ko magawa. Para akong bato saking kinauupuan. Hindi ko maramdaman ang aking katawan. Nanatili akong nakayuko habang hinihintay na marinig muli ang boses na iyon. Tila ba ito'y liwanag na pilit kong hinahanap.

"Antonio.." Isang mainit na mga palad ang dumampi sa aking mga pisngi.  Dahan-dahan kong iniangat ang aking tingin at dumapo ito sa isang babae.

"N-nandito na ko... Antonio, nandito na ko. Wake up..."

Kristin.

"U-umuwi na tayo. P-pag nakabalik tayo, m-magagamot k-ka ni Santiago. B-bibigyan ka ng gamot ni Corazon. Hihintay ka nila. H-halika na, umuwi na tayo."

"Kristin, n-naalala mo ba noong una tayong nagkita?" Pinilit kong magsalita kahit nahihirapan ako.

Umiling siya, "W-wag ka ng magsalita. Uuwi na tayo, okay?"

"Una kitang na-nakita nabighani na agad ako sayo. Hindi dahil sa... hah.. i-iyong g-ganda ngunit sa iyong k-katapangan."

Ilang beses mo ba akong pinaramdam ng iba't ibang emosyon? Saya, lungkot, takot.

Unang beses akong nakaramdam ng ganito noong unang beses ko siyang nakita.

Unang beses ko siyang nakita noong nakikipagsagutan siya sa isang prayle at mga guwardiya sibil. Isang bagay na hindi kayang gawin ng sinuman sa aming lugar. Noon, hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sa sobrang ikli ng kanyang kasuotan. Tinanong ko pa nga sa aking sarili kung hindi ba siya giniginaw o nahihiya sa suot niya. Kahit na hindi ko naiintindihan ang kanyang pananalita, halata pa rin ang kanyang katapangan. Iyon ang una kong hinangaan sa kanya. Nagawa niyang ipagtanggol ang sarili niya laban sa mapang-aping mga tao. Kaya noong dadakpin na siya ng mga guwardiya sibil, pumasok na ako sa eksena. Wala akong kapangyarihan upang kalabanin ang mga taong iyon kaya gumawa na lamang ako ng palusot.

Asawang may sakit sa pag-iisip. Ito ang naging palusot ko. Naalala ko si Santiago na nagkukwento ng tungkol sa mga taong may sakit sa pag-iisip at kung paano sila pinagpapasensyahan ng lipunan. Kaya naisip ko, baka maaari siyang pakawalan kung sinabi kong may sakit siya sa pag-iisip. Napansin ko namang hindi siya na natuwa sa aking naging palusot ngunit pinangatawanan ko pa rin upang makaalis kami sa gulo.

Hinayaan ko siyang magpahinga sa aming tahanan. Nalaman kong Kristin ang kanyang pangalan at hindi siya tagarito. Tinanong ko kung saang bayan siya nakatira upang matulungan ko siyang makauwi ngunit hindi niya sinabi. Hinayaan ko na lamang siyang makituloy muna sa amin. Napansin kong tulad siya na noon ni Santiago. Anak-mayaman. Wala rin siyang kaalam-alam sa pamumuhay naming mahihirap. Hindi sanay sa mga gawaing-bahay at higit sa lahat, hindi palangiti. Nasanay na rin siguro ako sa mga taong tulad niya kaya noong nasabihan niya ako ng masama ay hindi ko na ito dinibdib. Humingi rin naman siya ng tawad.

Pangalawang beses ay noong nakita ko ang mga ngiti niya. Mga ngiting hindi ko akalaing magiging mas matingkad pa sa sikat ng araw. Noong unang beses ko siyang nakitang nakangiti, doon ko lamang nasabi sa aking sarili na napakaganda niya.

My Handsome KatipuneroWhere stories live. Discover now