Hindi nga sya nakikinig kay tiya, saken pa kaya?

Siguro kailangan ko nalang tanggapin lahat..

"O-okay lang po tiya, wala na nga din akong magagawa eh.."

"Pasensya na talaga ija.. hanggat maaari wag kang maging kagaya ng mga babaeng pinaiyak ng batang iyon.. noon, halos walang araw na walang pupunta na babae dito para sugurin sya.."

"Okay lang po talaga tiya, wag mo nang isipin yun. Labas po muna ako.. magpahinga ka po muna dyan dahil galing mo lang ng byahe.."

Ngumiti lang sya saken, lumabas ako at nagtungo sa kwarto ko..

⏩⏩ FAST FORWARD ⏩⏩

"That's it for today class. Goodbye!"

Pagkatapos sinabi ni sir yun, lumapit saken si Ivan..

"Uwi ka na?" Tanong nya saken.

"Oh, wala naman akong pupuntahan eh. Bakit?" Sabi ko habang inaayos yung gamit ko sa mesa.

"Umm.. Kasi.. "

Napakalmot naman sya ng ulo.

Parang may kailangan to saken.

"Ano nga, ngayon ka lang mahihiya ang tagal tagal na nating magkasama!"

"K-kasi... Nagyaya kasi sila bret na uminom sa bahay nya, kakarating lang nila dito sa pilipinas tapos isama daw kita, g-gusto ko sanang tanggihan eh kasi di ka naman umiinom.."

Si bret yung matalik na kaibigan ni ivan nung high school kaya naging kaibigan ko na din sya pero lumuwas sila sa Austraila pagkatapos naming grumaduate.. Ngayon lang ata sya nakabalik rito sa pilipinas.

Di talaga ako mahilig uminom kasi ang dali kong malasing.. Pero kung para kay Ivan, sasama nalang din siguro ako.
Kinurot ko naman yung pisngi nya.

"Yan lang pala yung kailangan mo eh.."

"Eh kasi hindi ka umiinom diba.."

"Tsss, O.A mo. Matalik na kaibigan mo si bret tsaka kaibigan ko na rin sya! Ngayon lang din sya nakabalik dito sa pilipinas."

"Salamat eiko ha.."

"Ewan ko sayo" I rolled my eyes and smiled.

Napatawa naman sya sa ginawa ko, pagkatapos kong ilagay sa bag ko yung mga gamit ko ay sabay kaming lumabas ng room at nagtungo sa parking lot kung saan naka park yung kotse nya..

Pagkarating ay sumakay na kami at nagsimula naman syang mag drive patungo sa bahay nila Bret.

"Sino ba yung mga tao dun?"

"Mga kaibigan lang din ni bret dito."

Tumango nalang ako..

"Kung painumin ka nun ng marami tanggihan mo ha, alam mo naman yung si bret, mahilig yun uminom tsaka di yun madaling malasing.."

Medyo strikto talaga tong si Ivan noon pa, naiintindihan ko naman sya dahil matagal ko na syang kaibigan..

"Okay lang ba? Alam mo naman yung si bret, hindi talaga yun titigil hanggat di ka nya napasunod eh. Ang hilig mamilit nun kapag inom na ang pag uusapan.."

"Basta, tanggihan mo nalang.."

Napaka concern talaga kahit kailan... Hindi naman masama kung iinom ako kahit konti.. Medyo matagal tagal na rin kasi akong hindi nakainom..

"Alam mo naman si bret, tsaka ihahatid mo din naman ako sa bahay namin diba?"

"Not like I could say no.."

[R18] My Step Brother Where stories live. Discover now