Chapter 8: M.I.T.

Magsimula sa umpisa
                                    

“Lance?”

Natigil ang pagtatawanan namin nang may tumawag kay Lance. Napatingin kami pareho.

“Sarah.”

Ngayon ko lang siya nakita. At sigurado akong Filipina siya. Nakatingin lang siya kay Lance at nakangiti, hanggang sa tiningnan niya ko. Ngumiti siya sakin, but I’m very sure that it didn’t reach her eyes. Ewan ko. Ganun ang feeling ko. “You’re..”

“Ah, Sarah, she’s Alex. My girlfriend.” At tulad kanina, hinigit din niya ko palapit sa kanya sa pamamagitan ng pagyakap sa baywang ko gamit ang isang kamay.

Ngumiti ako ng bahagya kay Sarah, pero kita ko sa mga mata niya na nagulat siya sa nalaman niya.

“Oh, I see.” Inabot niya ang kamay niya sakin. “Hi. Nice to meet you.”

“Nice to meet you, too.” Nakipagshake hands ako sa kanya. Ramdam kong malamig ang mga kamay niya. Bumitaw din siya agad.

Binalik niya ang tingin niya kay Lance na parang walang nangyari. “So, kanina ka pa dito Lance?”

Wala ba ako dito? Si Lance lang talaga ang tinanong niya?

“Ah, oo. Ikaw? Di kita nakita kanina ah.”

“Ahh..may dinaanan pa kasi ako bago pumunta dito.”

“Ganun ba..”

“Sige, I have to go. Hinahanap ko din yung ibang officers.. Have fun.” Ngiti niya kay Lance. Napatingin naman ako kay Lance, at ngumiti din siya ng bahagya. Binalik ko ang tingin ko kay Sarah, at nakatingin na siya sakin. “See you around.”

Ngumiti ako at saka niya kami iniwan.

Nang feeling kong malayo na si Sarah, siniko ko ng bahagya si Lance. “Ano mo yun ha?”

Parang nagulat si Lance sa tanong ko. “Vice president yun ng organization namin. Bakit? At saka bakit ganyan itsura mo?”

“Ha?”

“Bakit nakakunot yang noo mo?”

“Ano?!” Sh*t. Hindi ko alam na ganun ang epekto sakin ng babaeng ‘yun! “Ahh..w-wala lang.” Iniwas ko ang tingin ko sa kanya agad. The heck!

“Medyo prangka ba? Ganun talaga yun pero mabait naman yun. Wag ka mag-alala.”

“Ayoko sa kanya.”

“Agad-agad?!”

“Ano naman ngayon? Basta ayoko sa kanya. Kaibigan mo ‘yon?”

“O-oo. Bakit ayaw mo sa kanya?”

“Basta. Hindi ko siya feel. Yung ibang pinakilala mo sakin kanina feel ko. Siya hindi.”

“Wow Alex.” Natatawa siya sa nireact ko. “Prangka lang yun pero mabait. Wag ka mag-alala.”

“Okay. Sabi mo eh.” Di na lang ako nakipagtalo. Ade mabait kung mabait.

“Uwi na tayo?” Hinawakan na ni Lance ang kamay ko.

“S-sige.”

*

Pag-uwi namin ng bahay, hindi ko alam pero parang bumaligtad ang sikmura ko. Ang last na kain ko eh nung dinner bago kami umalis kanina ni Lance ng bahay para pumunta sa event. Nakapaghilamos na ko and all, pero para akong nahihilo na ewan dahil nga sa tyan ko. Pinuntahan ako ni Lance sa kwarto ko para magdala ng gamot.

“Ayan, pinapakain kasi kita kanina ayaw mong kumain. Nalipasan ka siguro ng gutom.” Pinainom niya ko ng gamot na dinala niya. Hawak-hawak niya ang tiyan ko. Somehow, relieving ang ginagawa niya pero talagang feeling ko masusuka ako anytime.

With Or Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon