" Ang ganda pala niya kapag tumatawa "

" Para akong nakakita ng anghel "

" Hindi narin masama na may kaklaseng babae "

Napatingin ako kay Zero dahil sa mga narinig ko. Hala nakayukom na yung kamay kiya at handa ng manuntok at ng tumayo na siya ay bigla akong naalerto.

" Zero! " Tawag ko sa pangalan niya na nakakuha ng atensyon niya.

" I need you here ikaw parin ang President ng Block Zero and Third! " Nang makita kong walang balak na lumapit si Zero ay ako na ang pumunta dun para hilahin siya papunta sa unahan.

" You laugh tsk " Bulong sakin ni Zero.

" I do laugh often gumaya ka nalang " Pabalik kong bulong sa kanya. Nagsalubong naman ang kilay niya na siyang ikinatawa ko.

" Mamaya ka sakin " Bulong niya.

" Yeah sure hubby bear " Sinubukan kong pigilan yung tawa ko ng makita kong nagblush si Zero. Ang cute! gusto ko pang makita kaso pinangharang niya si Third.

" Ehem " Napatingin ako kay Third at ngumiti. Binalik ko naman ang atensyon ko harapan ko.

" So guys kailangan na nating magpasa ng booths na gagawin natin kaya mag-isip na kayo "

" I know your aware that we never been included in the Foundation Day of this school " Sabi ni Aero.

" So nag eexist nga yun hindi lang tayo kasali? " Sabi ni Kurt.

" But your now, kaya kailangan na  nating mag-isip "

" What about the budget did the school give us? " Tanong ni Eren.

" We only have 3k "

" San aabot ang 3k magkano sa iba? " Tanong ni Eren.

" 15k " Nakarinig ako ng sari saring reaksyon.

" Were not going to participate " Sabi ni Zero na agad kong ikinatingin.

" Bakit? " Tanong ko na sinagot lang ng hangin.

" Third " pagtawag ko sa pangalan ni Third para humingi ng tulong.

" As I told you Brie Zero's word is powerful "

Tumingin ako sa ibang Block Zero. Yung iba disappointed yung  parang okay lang sa kanila. Pero ang pinaka disappointed sa kanila ng lahat si Neo na nakaubob at parang umiiyak.

Nakakainis kasi bakit ba ayaw niya. Ito na nga yung chance para maranasan at ma enjoy nila yung Foundation Day. Dahil ba sa 3k lang yung Budget. Pwede ko namang pakiusapan Si Sir Feralco baka may magawa naman ako.

" Sorry Brie " Sabi sakin ni Cald pagka-upo ko.

" Neo need it more than me " Sagot ko kay Cald. Kinuha ko yung chocolate na nasa bag ko. Ito kasi favorite ko kapag na i-stress ako.

Inabot ko to kay Neo napatingin naman siya sakin.

" Akin? " Tanong niya habang nakaturo pa sa sarili ang cute. Para tuloy akong nakahanap ng batang kapatid na pwede kong alagaan dahil sa Block Zero. Kasi naman si Bryster mas matured pa saking mag-isip.

Tumango ako kay Neo inabot ko din sa kanya yung panyo ko para punasan niya yung luha niya wish ko lang huwag niyang ipamunas din sa sipon niya.

" Waah!! Salamat Brie "


Wala akong ganang lumabas ng classroom ng mag bell na hudyat ng lunch time. Kailangan kong makaisip ng paraan.

Pero bago pa ko makakababa ng hagdan ay may kamay na humawak sa kwelyo ko.

" Where are you going? " Sinamaan ko ng tingin si Zero. Kainis kasi siya bakit ayaw niya.

" Kakain " Walang gana kong sagot. Napakunot naman yung noo ko ng hawakan niya yung kamay ko at hinigit ako papunta sa way ng paakyat sa rooftop.

" Oy! Bitaw " Inis ako sayo kaya bitaw!.

" Aish! Zero! " Reklamo ko pero parang wala siyang nakikinig. Hanggang sa makarating kami sa hideout nila.

Andun na yung ibang Block Zero. Napatingin naman ako kay Garry na naka apron tapos naghahanda na ng mga ingredients. Nagning ning yung mata ko ng may nakita kong shrimp deym favorite ko!.

Agad akong lumapit kay Gary at nanuod kung paano siyang magluto.

Halos pumalakpak ako ng lutuin niya yung shrimp tapos nilagyan niya ng white wine kaya umapoy ito.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Gary.

" Buti naman naisipan mong kumain dito "

" Kung alam ko lang na ganito pala laging niluluto niya dito na ko laging kakain " Deklara ko kay Gary.

" Brie laway mo tumutulo " Asar sakin ni Blue na nakatanggap ng death glare. Siya yung lalaking may band aid sa ilong, Na hindi kaputian, kulay blonde ang buhok na kasama sa welcome committee note the sarcasm, nung unang pasok ko sa Block na to.

" May girlfriend ka na? " Tanong ko kay Gary. Aba syempre kung meron I want to meet her and say na napaka swerte niya kay Gary at huwag ng pakawalan pa.

" Ihanda mo na sarili mo mamaya Gary I'm sure uuwi kang may Black eye " sabi ni Taner. Siya naman yung lalaking kulay itim ang buhok na may piercing sa kanang tenga naman tapos may band aid sa pisngi, maputi siya at siya yung kasama din sa welcome committee na nagsabing babanatan na ba ko.

" Ah meron na " Napapalakpak ulit ako.

" I want to meet her! Sasabihan ko lang na huwag kanang pakawalan kasi ang swerte niya na sayo "

" Brie huwag mo na ngang guluhin si Gary umupo kana dito " Utos sakin ni Third.

Napatingin naman ako kay Zero na masama ang tingin sakin. Imbis na tumabi ako kay Zero mas pinili kong tumabi kay Neo na naglalaro sa cellphone niya.

" Oy ano yan? " Tanong kay Neo.

" Hardest Game Ever tanging matatalino lang ang makakasagot nito bawal to sa bobo eh " Sabi ni Neo habang focus na nakatingin sa phone niya.

" Papasa! " Sabi ko kay Neo.

" Baka matapon mo lang yung phone mo sa inis " Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Neo. Parang may ibang meaning yung sinabi niya parang sinabi niya na I can't play that game kasi hindi ko kaya aba tong batang to.

" Ilang linggo mo na yang nilalaro "

" Hmmh...One month "

"  Anong level kana? "

" Pa level two na " Nangunot ang noo ko sa sinabi niya kung makasabi siya ng pa level two parang achievement niya na yun. Isang month na siyang naglalaro tapos pa level two palang?.

" Wow ha talino mo! Idol ka " Sabi ko kay Neo in a sarcasm way pero napahiya ako sa sinabi ni Cald.

" Each level consist of 100 sub level " sabi ni Cald. Napatingin naman sakin si Neo.

" Hehehe keep up the good work! Ang galing " awkward kong sabi kay Neo na nakakuha ng reaksyon kay Zero.

" Tsk "

Malay ko ba kasi na may sub level pala yun na each level consist of 100 questions.

" The food is ready " Anunsyo ni Gary na nagpangiti sakin.

Pagkain Pagkain Pagkain!!

To be continued...

Block ZeroWhere stories live. Discover now