*boom*
Ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung papaanong nabuhay pa ako. Nasa kalagitnaan kami ng byahe para sa field trip namin sa school nang bigla nalang nawalan ng preno ang bus na sinasak...
Time check? 5:30 am. Great, pretty much early for school. Pinatay ko na yung alarm clock ko. Another day nanaman sa school. Another hell day sa school. Hindi naman sa marami akong kaaway. In fact, may mga kaibigan ako. And me? I'm just an ordinary high school girl (senior high).
I really love reading books. At syempre library ang pinakapaborito kong lugar sa tanang buhay ko maliban sa sarili kong kwarto. I don't wear glasses, i wear contacts. I do have braces. Pero ang sabi naman nina Brianna, it suits me and hindi naman ako nagmumukhang nerd sa get up ko. I have hazel eyes, from my father. Pointed n— disappointed nose? Nope, a regular looking nose. I have chubby red cheeks. Not really that chubby but enough for my friends to pinch my cheeks. And oh yeah, hidden bush eyebrows. I don't really have time to fix myself. At kuntento na ako sa kung anong meron ako. Im not too slim and not too fat. Cup size? Secret!
5:40
Sapat na siguro yung 10 minutes na pag mumuni muni ko habang nakahiga sa kama ag nakatulala sa ceiling. Sana maging maganda ang araw na ito. Err— pare parehas lang din naman nangyayari eh. Hindi ko masyado pinapansin yung mga babaeng puro kaartehan lang alam sa katawan. Punong puno ng kolorete sa mukha. Wala akong oras para sa kanila. Pumapasok ako sa school para mag aral. Wala rin naman silang paki alam saakin. Maraming pag irap pero atleast hindi kami nag aaway.
Tumayo na ako at nagstretching. Gusto ko din kasing magpatangkad. Sana makatulong ang pagstretching ko. Kinuha ko na yung twalya na nakapatong sa upuan at dumiretso na ng banyo.
6:10
Tapos na akong maligo. 30 minutes? Hindi naman siguro matagal yun. Talagang kinukuskos ko lang yung buong katawan ko. Napaka hygienic ko kasi eh. Sinuot ko na ang uniform ng school.
Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou mettre en ligne une autre image.
White na blouse na may necktie na kulay gray at pinatungan ng black coat na may white linings sa bulsa at laylayan. Sinuot ko na din ang 2 inches above the knee na black skirt. Hindi ko din naman kinalimutan na magsuot ng cycling sa panloob ko. Baka masilipan ako. Mahirap na. Kasama na yung 2 inches heels ko. Required kasi sa school namin ang heels paired with block stockings. And for the final touch, I pony my hair at kaunting powder.
6:20
Pagkatapos kong mag ayos, bumaba na agad ako para kumain. Hindi kami ganoong kayaman, hindi rin naman mahirap. May kaya ang pamilya namin. Pagbaba ko sa dining sumalubong agad saakin sina tito at tita. Oo, godparents ko ang nandito. Ang mga magulang ko kasi sa kanila ako pinaalaga. Naiintindihan ko naman na kailangan nilang lumayo saakin para sa trabaho nila. Wala akong ideya sa trabaho nila pero alam kong para ito sa ikabubuhay namin.
"Eli, mabuti naman at gising ka na. Aakyat na sana ako para gisingin ka at akala ko tulog ka pa"
"Tita, malaki na po ako. Kaya ko naman po ang sarili ko"