Chapter 56: Memories are back

1.2K 36 0
                                    

Chapter 56

3RD PERSON's POV

Hindi mapigilan ni Nastalia na maiyak sa nakikita niya.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

Masaya siya dahil nakita niya na ang nawawalang alaala sa utak niya.

At sa kabila ng saya, nakakaramdam siya ng galit.

Galit dahil hindi niya aakalain na ang may pakana rin pala ng kaniyang pagkaaksidente ay ibang tao.

At dahil sa walang naaalala si Nastalia na maaaring dahilan ng paggawa sakaniya ng masama, nag-isip siya nang nag-isip para maaalala lahat ng taong pwedeng gumawa noon sakaniya.

Hindi pa nakukwento ng dad niya ang tungkol sa Evil Gang kaya wala pa siyang alam.

Hanggang sa sumakit ang ulo ni Nastaia dahil pinipilit niyang alalahanin ang lahat.

"A-aray.." Daing niya.

She can't remember who's the guy behind her accident kaya nagpupumilit siyang alalahanin ito.

Hanggang sa mahilo siya.

Sumakit na ang ulo niya at wala na siyang magawa kundi ang humingi ng tulong.

"H-hope?" Tanong niya.

"I can remember now...the r-royals...t-the accident..AAAAAAAAH!!!!!" Sigaw niya.

"Hey, talia, are you okay?" They asked.

"WAAAAAAAAA!!!! ANG SAKIT NG ULO KOOOOOO!!!" Sigaw niyang ulit.

Sa sobrang sakit ng ulo niya napaupo sya at napahawak siya sa kaniyang ulo.

"Taliaaaa!!" They shouted.

"I-I c-can't take t-this a-anymore..." Sabi niya.

"I need to rest, nice meeting you..

..hope.." Sabi niya at saka nawalan ng malay.

Hindi inaakala ng lahat na ganun ulit ang mangyayari sakaniya.

Ilang beses ng nawalan ng malay si Nastalia at hindi nila inaasahan na ngayon pa mangyayari ang pagkahimatay niya. Marami na silang problema na dinadala at nadagdagan pa dahil nahimatay ang batang si Nastalia.

"Sebastian! Ano pang tinititig niyo?! Buhatin nyo siya!" Sigaw ng tatay ni Sebastian, si Henry.

Hindi alam ni pekeng Sebastian kung siya ba ang tinatawag, kaya't inunahan siya ng totoong Sebastian at itinakbo na.

"Son, I think you should exchange your names now. Kailangan na malaman ni Nastalia lahat." Sabi ni Jaime.  Ang tatay ng dalawang Delavin.

"I will." Sagot ni pekeng Sebastian.

Tatakbo na sana palabas si David nang pigilan siya ni Yuri.

"Let him take her to the clinic. Maaasahan natin siya. Ang kailangan natin ngayon ay ang pagplanuhan ang lahat ng mangyayari sa Event." Sabi ni Yuri.

"T-tita.." Tawag ni Calissa.

Minsan lamang magsalita ang batang ito kaya't lumingon silang lahat kay Calissa.

"Bakit may mga litrato kayo rito? Sa mismong pwesto niyo ngayon?" Tanong niya.

Naguluhan naman ang mga nakatatanda sa sinabi niya.

Pumunta si Ramon sa kinaroroonan ni Calissa.

Nagulat siya sa nakita niyang huling litrato na hawak ni Calissa.

Nerd BUT AIN'T Weird (COMPLETED)Where stories live. Discover now