Chapter 8: Fiancee

Start from the beginning
                                    

Ayttss! Naiinis ako sa sarili ko.

" O..K Lang " nauutal kong sabi sabay layo ng kamay ko sakanya. Nagulat naman sya sa ginawa ko.

" S..orry " nauutal na sambit nya habang nakayuko. Ano bang nakain nito? Sa pagkaka-alam ko, kahit kailan hindi pa nila narinig na nag sorry si Azaekel, pano ko nalaman? Tsk! May Bestfriend ata akong chismosa. Pero Nasira ba pati yung ulo nya? At pano sya nakalabas ng mabilis sa ospital, eh grabe yung mga sugat nya ah!

" For what? " mataray kong sabi. Itinaas nya naman ang mga ulo nya at tumingin sakin habang nilalaro ang mga daliri nya.

Hindi naman sya sumagot kaya ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa ibang bagay. He's not Special to me! *kasi hindi sya SPECIAL CHILD* Pero sa totoo lang, gusto ko talagang malaman kung bakit sya nag sosorry sakin. Wala naman syang kasalanan.

Tumingin ulit ako sakanya na ngayon ay nakatingin din sakin. Nagtagpo ang aming mga mata na para bang ang mundo ay tumitigil at para bang kami lang dalawa ang tao dito.

Anong nangyayari sakin?

" Azi! " bumalik kami sa pag-iisip namin ng biglang lumitaw si Zake sa harapan namin. Pawis na pawis ito na para bang sumali sya ng Marathon.

Lumapit sya kay Azaekel at may ibinulong. Tumayo ito at kinuha ang bag nya at lumabas.

" Mauna muna ako Skhy " sambit nya bago makalabas. Tinignan naman ako ng masama ng mga babae. Problema nila.

" Cge " malimit kong sabi na para bang kinapos na ako ng salita.

Umalis naman silang dalawa ni Zake. At tama talaga ang instict ko, nilapitan ako ng mga kaklase kong babae habang tinitignan ako ng masama.

" Hoi Skhy! " sabi nung isang pang babae kong kaklase na si Monique at tinaasan ako ng kilay. Tinignan ko sila habang naka Slight Smile.

" Yes po? " nairita naman sila sa sinabi ko. Ikaw kaya ang tawagin ng 'PO' ng taong ka edad mo lang. Di ka kaya maiinis?

" Ang ladi mo pala Shky! buti naman at ipinakita mo na ang tunay na ikaw. Yung Malandi na nakikipagharuta--- "

/ Slap /

" F*ck! " inis nyang sigaw matapos ko syang sampalin. Bwesit sya! Sino sya para tawagin akong Malandi? Hindi nya ako gaanong ka kilala.

Hinawakan nya yung pisngi nya na namumula na. Tinignan nya ako ng masama habang umiiyak. " B*tch! " ani pa niya at hinila ang buhok ko. Napasubsub naman ako sa sahig habang hila hila nya parin ang buhok ko. Itinaas nya ito na mas nagpasakit pa ng nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero parang hindi ako makagalaw, hindi ko sya magawang sabunutan din at iparamdaman sakanya ang sakit na nadarama ko. Ang nagawa ko nalang ay umiyak.

" Kaye " sabi nya sa isa pa naming kaklaseng babae. " Kunin mo yung bag nya " mahinahon nyang sabi habang hinila pa ulit yung buhok ko.

An sakit na talaga

" Tama na Please! " pagmamakaawa ko. Pero parang wala lang sakanya. Sakanila! Walang kahit isa sa mga kaklase ko ang tumulong sakin.

" Manahimik ka dyan! Ikaw ang nagsimula nito! " pagkatapos nya yung sabihin ay iniabot sakanya ni Kaye ang Bag ko. Wag yung bag ko!!

" Please! Nagmamakaawa ako sayo! " sambit ko sakanya pero hindi nya ako pinansin at binuksan ang bag ko gamit ang isa nyang kamay. Habang ang isa ay nasa buhok ko parin nakahila.

" Im So Sorry Skhy, But a B*tch like you, deserves this! " at inihulog nya ang lahat ng laman ng bag ko. Itinapon nya ito at umupo para tignan ako. " Look at those stuff, Kadiri ka! You don't deserve to be here! " ani nya at tinapakan ang mga gamit ko. Binitawan nya naman ang buhok ko.

That Cassanova Mafia Guy (On-Going)Where stories live. Discover now