CHAPTER 1"CLASH OF THE PRESIDENTS"

Start from the beginning
                                    

What could I say?

"Siraulo ka talaga! Bakit mo naman ako binitawan?" dahan-dahan akong tumayo at inalalayan naman nya ko.

"Sorry naman. Nagulat lang ako." Hinalikan nya ko sa ulo tsaka nya sinagot yung tawag. "I'm on my way. I'm sorry. My secretary will give you the details. I'll be there in a minute." Then ibinaba na nya yung phone tsaka sya tumingin sa'kin. Pinagpag nya yung blouse ko. "Next time na lang ulit, may meeting kasi ako ngayon. Masyadong maaga yung president ng UMO Company."

"So magiging katulad ka na rin ni mommy ngayon?" nakakalungkot lang kasi baka mawalan na sya ng time sa'kin.

"I will never be like her. Ikaw pa rin ang number one priority ko." Hinawakan nya ko sa cheek. "Para 'to sa future natin. Para kapag may little monsters na tayo hindi na natin kailangang magpakasubsob sa pagta-trabaho para sa kanila kasi nakaipon na tayo. Mabibigyan natin sila ng maraming time."

May point naman si goon at napangiti ako. "If you say so. Basta wag kang mambababae! Malaman ko lang na may babae ka sinasabi ko sa'yo goon!!!"

"Aye aye boss!" he kissed me one last time then umalis na sya.

Dinampot ko naman ang gamit ko na nasa ground na napalaki ng ngiti. Nakakamiss talaga na wala dito si goon, pakiramdam ko wala na kong bodyguard at – at kalambingan. That was an intense scene by the way, hindi ko ineexpect.

ZAK'S POV

Nagmadali akong makabalik ng company dahil nandito na daw ang president ng UMO. Mukha pa mandin syang nakakatakot. Feeling ko isa syang matandang babae na kulubot na ang mukha at mukhang witch. "Where is she?" tanong ko sa secretary ko.

"Nasa conference room na po Mr. President." Sagot ng secretary ko. Iniabot nya lang sa'kin ang ilang documents at dumiretso na ko sa conference room. Ang daming body guards sa labas ng conference room. Yung totoo? Presidente ba ng UMO ang nandito o presidente ng bansa? Binuksan ko agad ang door. "I'm sorry I'm late President – " nakita ko ang isang babaeng nakatalikod at nakatingin sa window. Tiningan ko sya mula paa papaitaas. Ang kinis ng legs at hindi nakastockings at ang skirt ohhh lala mini-skirt at wow ang hips ang laki tsaka ang liit ng hips. Sobrang sexy nya para sa isang matandang babae.

"Mr. Maliff." Bigla syang humarap at natanaw ko ang Mount Fuji. Grabe namang president 'to nagsusuot pa ng ganito, ano bang gusto nya sa buhay. "My face is right here."

Napatingin naman ako sa kanya at medyo napahiya. "I'm sorry – " natitigan ko sya at ang gandang babae. "Ikaw ang president ng UMO?"

"Bakit? Anong ineexpect mo? Isang matandang babae na kulubot ang balat at mukhang witch?" Mismo! Paano nya kaya nalaman yun? Umupo sya at tiningnan na ang mga documents.

"Gusto mo bang palakasan ang aircon kasi parang ang init dito." Tanong ko sa kanya. Tatawagin ko na sana yung secretary ko.

"Medyo mainit nga." Bigla nyang tinanggal ang coat nya at naka-tank top na lang sya ngayon. Parang ako ata ang naiinitan. Nabitin pa mandin ako sa'min ni aswang kanina. "Are you just going to stand there and check me out the whole day?"

"I'm sorry." Grabe, ilang beses ko na bang sinasabi ang 'I'm sorry' ngayong araw? Napangiti ako at umupo na rin ako sa tabi nya. "Hindi ko lang talaga inaasahan na bata pa pala ang president ng UMO."

"Bata ka pa rin naman ah." Ang flirt nung boses nya then tumingin sya sa'kin. "Hindi ko rin inaasahan na ganyan ka-hot ang president ng ZM." Tumingin sya sa chest ko down to my tummy. "I wonder ilang packs meron ka." Napangiti ako ng bigla kong maramdaman na may dumikit sa 'down there' ko. Pagsilip ko nakita ko yung paa nya na nakapatong sa legs ko.

Hindi ako makagalaw ng biglang nagpopped up sa utak ko ang galit na mukha ni aswang kaya naitulak ko ang paa nya at napatayo ako agad. "I have read your proposals and considered some but we have also some suggestions regarding this matter."

Umupo sya sa table at inistretch ang legs nya at teka – is that – "Color red, yes." Sabi nya. Nababasa nya ba ang isip ko? "Based from your reactions, mukhang you're already taken."

"Are we really talking about this now?" tumalikod ako sa kanya dahil natatanaw ko ang hindi dapat matanaw. Hindi ako magkakasala kay aswang. Kung may gusto akong matanaw yung sa kanya yun. Sh*t! Ano bang iniisip ko? Ang dumi ata ng utak ko ngayon.

"Why not?" nagulat ako ng bigla kong narinig na nagsalita sya sa tabihan ko. "Are you nervous?"

"Huh? – no! Why would I be?" lumayo ulit ako sa kanya at umupo ulit tsaka iniscan ang documents. "I just need you to sign these papers para masimulan na natin ang project."

"Don't you wanna have some fun?" umupo ulit sya pero hindi ko na sya tiningnan.

"I'm sorry Ms. President, this is business besides I am already engaged." Iniabot ko sa kanya yung papers.

"Fine! Hindi pa ko nabastos ng ganito sa buong buhay ko!!" isinuot nya ulit yung coat. "Pakilakasan nga yung aircon! Init-init naman dito!!" parang galit na sya. Tumayo naman ako at kinuha ko yung remote ng aircon tsaka ko itinodo.

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Slight turn of the head

"Hey honey my love so sweet monster. Missed me already?" medyo nilakasan ko yung boses ko.

[How did you know?]

"Kasi namiss din kita. Don't worry susunduin kita mamaya para makapagdinner tayo."

[I'd love that. I can't wait.]

"Be safe okay? I love you so much."

[I love you too. Wag mambabae ha?]

"I won't. Ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko."

[Good.] Then ibinaba na nya yung phone.

"I thought this is business pero tumatanggap ka ng personal call." Narinig kong sabi ng president ng UMO.

"I'm sorry for that. Yung fiancé ko kasi yun and she's my number one priority. Kahit anong ginagawa ko ititigil ko for her." Seryoso kong sabi tsaka ako bumalik sa upuan para pumirma ng ilang papers. "Here's your copy."

"Goodluck to our project." Sabi nya sa'kin at iniabot nya ang kamay nya kaya naman nakipagshake hands ako. "I like you. Hindi ka tulad ng ibang mga lalaki. Dapat mag-ingat yang fiancé mo – lalo na't hindi pa kayo kasal." She winked at lumabas na ng conference room.

Parang nanghina naman ako dun at napaupo bigla. She's sizzling hot. For sure kung si Tuck ang nandito baka mamaya pa sila magdidiscuss ng business. Hindi ko alam na ganito ka-hot ang babaeng yun. Matagal ko pa mandin syang makakasama at ayokong magkasala kay aswang. Mahal na mahal ko yun kaya dapat maging matatag ako para sa kanya. Hindi totoo ang kapag palay na ang lumapit sa manok tutukain na. Kakayanin ko 'to para sa babaeng mahal ko.

Perfect Haters Book 2: Almost Perfect (COMPLETED)Where stories live. Discover now