CHAPTER 55

29.1K 738 111
                                    




CHAPTER 55


"Sigurado ka naba na babalik kana roon, Merlat?" It was Martha. She was helping her packing her things.

"Why not? Kung ito ang makakatulong sa akin gagawin ko."

"Greg is you know, uhm, very unpredictable."

"So am I," sagot niya at tuluyan nilagay ang mga gamit niya sa loob ng maleta.


December 24... It was Christmas Eve everyone was busy. Walang tao sa bahay niya kundi si Martha lang at ang Tiya Judith niya. Of course, ayaw niyang magcelebrate ng pasko rito. Nakasanayan na niya ata 'yon, palagi siyang may ginagawa kapag bisperas ng pasko. Either bumabyahe siya o lumalayo siya sa tao.

Dahil simula pagkabata palang palaging may nangyayaring masama kapag pasko sa buhay niya. Simula noon, hindi na siya umaasa na maging masaya tuwing pasko.

Naiiyak si Martha habang hinahatid siya nito palabas ng pinto.

"Gusto ko sana sumama sayo, Merlat, pero mukhang hindi mo ako kailangan this time..."

"I'll be damn fine don't worry." Ericka hugged her.

Martha was like a sister to her. Lahat ata ng gusto niya at kailangan sa buhay palagi nito sinusunod. She never ask her anything in return. She just obliged to do whatever she told her to do.

Nagpaalam na siya at sumakay sa sasakyan. Hindi niya talaga alam kung saan siya papunta. Dahil mamaya pa ang flight niya.

This day was like a deja vu to her... It was happening all over again with the same feeling but different situation. It was painfully sad because she had to leave once again, not for someone but for herself.

She's been finding herself for the past years of her life. But still, her right soul couldn't make it to her body.

Hindi niya napagtanto na nakahinto na pala siya sa tapat ng bahay ni Rake. She wanted to leave without saying her goodbye but it just felt wrong. After what she did to him and his family. Rake, somehow, deserved the peace from her even if it means them, not being together anymore.

Bumaba siya ng sasakyan. His house was full of Christmas lights. Ibang iba ito kahapon, there were life by just looking at it. Naglakad siya patungo sa gate. She was about to click the door bell when she saw Sonya walked out from the door.

Napaatras si Ericka. Parang sobrang tagal niya bago nakita si Sonya... Their deal. Alam niyang alam na nito ang lahat.

"The wicked lady is here," she heard her say. Lumapit si Sonya sa kinatatayuan niya para pagbuksan ng gate. "Akala ko aalis ka ng hindi nagpapaalam."

"That would be absolutely rude." Ericka said. Showing her wicked smile. "I guess it's not right to walk away without seeing you and your son."

"Ericka," ngumiti si Sonya sa kanya at itinaas ang kamay. It was as if she could feel the pain she was hiding.

Napalunok si Ericka. Si Sonya, kahit taliwas madalas ang paniniwala nilang dalawa. She was like a mother to her.

"Give me a hug. You, grown-ass brat."

Ericka lowered down to hug her. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya. She was now an officially human. Nakakaramdam na siya at marunong na siya umiyak.

"I don't usually say this. It's way far from my image. I don't know if we'll get to see each other someday kasi baka mauna kang kunin ni Santanas kaysa sa'kin, I just want to say thank you for everything."

Hinampas siya ng malakas ni Sonya sa likod. "Mamatay muna ang lahat ng mababait sa mundo. Until then, we'll still rule this world. So don't change, young lady."

My Favorite GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon