CHAPTER 31

30.4K 765 34
                                    






She was staring at herself again in Rake's mirror. Hindi maitatago ang ngiti sa labi ni Ericka ngayon araw. She wanted to do something to that mirror pero ayaw n'ya muna sirain ang araw ni Rake. Maybe later, she thought.

Now, instead of doing her plan, sinagot n'ya na lang ang cellphone nito na kanina pa nagriring.

"Rake? Rake? Tita Lina ito." napataas ang kilay ni Ericka. "Pupunta kami d'yan ni Tito Fred mo, may ibibigay sana kami sa iyo. Yung invitation n'yo na layout na kasi gusto ko ipakita sa'yo kung magugustuahan mo ba."

Inilayo ni Ericka ang cellphone sa tenga n'ya at tinitigan ang caller name na nasa screen.

Laura's Mom.

"Hello," aniya at may naglalarong ngiti sa labi n'ya.

"S-sino ito? Bakit babae ang sumagot sa cellphone ni Rake?" nagtatakang tanong ng matanda sa kanya.

Tumawa ng marahan si Ericka. "I'm his new maid."

"New maid? Walang nababanggit sa amin si Rake." sabi nito.

"Mahal, sino 'yan bakit ang aga-aga naman nakakunot ng noo mo?" sabi pa ng isang tao sa kabilang linya.

"Maid daw. Babae." rinig n'yang bulong ng ina ni Laura.

Suddenly there was a silence on the other line. "S-sino pala ito?" tanong ng matanda sa kanya.

Inaayos ni Ericka ang sarili sa salamin nang bigla s'ya mapangiti sa tanong nito. "No name." she said.

"No name? Marunong ka ba sumagot ng tama sa mga kakilala ng amo mo? At hindi ko talaga nabalitaan na kumuha na pala ng katulong si Rake ha?"

"Now you know." she answered playfully. "He's in the bathroom for a moment. Gusto mo ba katukin ko?"

"It's Ms. Janine, iha. Matuto kang gumalang sa akin. Mapapangasawa ng anak ko iyan amo mo."

"Two things, dear." dinig n'ya ang matalas na paghinga nito. "First, I don't care. Second, I don't fucking care.  Goodbye. See you here when I see you."

"Bastos!" sigaw ng matanda.

Ericka hang up the phone at hinagis sa higaan ni Rake.

Pinasadahan n'ya ulit ang sarili sa salamin. She's wearing her usual black outfit again. Buti na lamang may mga nakareserbang damit si Rake sa bahay nito na hula n'ya ay mula pa kay Laura. Speaking of Laura, mukhang pupunta ang magulang nito upang makita si Rake. Now was the time to introduce herself to them.

What a good timing, isn't it?

Bumaba s'ya at umupo sa sala dito s'ya maghihintay ng magiging bisita ni Rake. She was reading the newspaper but her thoughts was out of nowhere. Pakiramdam n'ya kasi sineswerte na naman s'ya ngayon.

She wondered kung mapapatawad pa ba s'ya ulit ni Rake sa gagawin n'yang plano rito. She knew he's tired of playing her game. Pero hindi mapigilan ni Ericka na ipagpatuloy ito, hindi s'ya tititgil hanggang hindi nagmamakaawa sa kanya si Laura.

Nang maramdaman ang presensya ni Rake ibinaba ni Ericka ang binabasa. She sweetly smiled at him. Nakasuot lang ito ng polo at jeans, medyo napakunot ang noo ni Ericka.

"Hindi ka papasok ngayon?" she asked.

Umiling si Rake sa kanya. "Pinapapunta ako ni Laura sa kanila. Rebekah's asking for me."

Ericka ignored the name Rebekah. Ayaw n'ya magpaapekto rito.

"Well, sabay ba tayo lalabas? Ihahatid mo ako?" itinaas ni Ericka ang paa at isinampa sa mesa.

"No, tatawag ako ng taxi para sa'yo." Rake crossed his arms.

"Okay," she said while trumping her fingers in the sofa.

Rake was confused. Pinag-aaralan na ngayon ang kilos n'ya. "Bakit ayaw mo pa tumayo?"

Ericka crinkled her nose. "Because I have something in mind. Ayoko parin umuwi. I told you last night. I'm comfy."

"Your comfortableness has an expiration, Quinn. Not a chance. Get up." hinawakan ni Rake ang braso n'ya ngunit hinila lamang ito ni Ericka upang mapaupo sa sofa.

For a nanosecond she straddled him like that. "What's your game again?" Rake sighed.

"Play my game today then I'll let you go." ngisi n'ya rito. "Kiss." aniya at hinawakan ang batok ni Rake. "Just kiss. Nothing else." pababa na ang mukha ni Ericka nang umiwas si Rake.

"Then?"

"I'll let you go." she playfully answered.

Rake was still torn if he's going to play her game or not. He knew Ericka was up to something. In the end, nanaig na naman ang nararamdaman n'ya na pilit n'yang tinatago rito. He's trying to make himself believe that it was all hatred. But no, there's more to her than his hatred feeling.

Kinabig ni Rake ang labi ni Ericka, which made her smile a little. She won again. Ericka tilted her head and deepen their kiss making Rake forget about his meeting with Laura. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi n'ya upang hindi s'ya makagalaw. Ericka bit Rake's lips then pulled him more to her.

Ngunit hindi pa tumatagal ang halik nila nang may marinig s'yang pagkabasag mula sa entrance ng pinto. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ericka at dahan-dahan lumayo kay Rake.

Marahan s'yang lumingon sa pinagmulan ng ingay.

Tumingin din ito sa magulang ni Laura na namumutla na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Oh, fuck." mura ni Rake nang matauhan kung sino ang mga taon nakatayo sa entrance. Mabilis s'ya nito inalis sa pagkakapatong.

"Surprise." she said, glancing at them all at once.

My Favorite GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon