Naynt Tyant: Bonroi and Zhamira

104 6 2
                                    

~~~

Naynt Tyant: Bonroi and Zhamira

(POV ng Gwapong Author)

"Sigurado ka bang tama tung naging desisyon natin, Zhamira?" Nag-aalalang tanong ni Bonroi, habang iniaayos ni Zhamira ang pagkakahiga ng batang babae sa kanilang kama.

"Isa siyang witch, Bonroi." Sagot nito saka kinumutan ang batang babae, at ang kasama nitong daga. "Sino pa bang magmamabuting loob sa isang witch, kundi ang kapwa niya mahikero niya rin."

"Eh paano kung may maghanap sa batang yan? At masisi pa tayo at makasuhan ng kidnapping." Pag-aalala parin nito.

"Bon, mahal ko, wag ka masiyadong negative okay. Saka hinaan mo ang boses mo natutulog siya." Bakas ang pananabik sa pagiging ina sa mukha ni Zhamira. Isang haplos ang ibinigay nito sa bata bago ito tumayo at napagdesiyunang lumabas na sa kwartong iyon.

Marahang isinarado ni Zhamira ang pintuan.

"Zhamira, hindi maganda ang pakiramdam ko dito." Patuloy na pag-aalala ni Bonroi.

"Edi uminom ka ng gamot." Pilosopong suhestiyon ni Zhamira.

"Zhamira, naman." Ika ni Bonroi habang hinawakan nito ang kamay ng mahal niya.

"Anubang kinakatakot mo. Bakla ka ba?"

"Osige, kailan mo ko balak kausapin ng matino?" Sandaling huminto si Bonroi. "Tapos na ang misyon natin dito sa lupa. Sa makalawa maari na tayong bumalik sa Echt."

Huminga ng malalim si Zhamira. "Hindi ba sabi ni Master Olaf, Everything happens for a reason? Saka gugustuhin mo pa bang bumalik ulit doon, sa magulong mundong yun, kung pwede naman tayong mamuhay dito ng normal. Malay mo kaya hindi tayo mabigyan bigyan ng anak, eh dahil siya na yun."

"E bakit di natin subukan ulit?" Pilyong ngumiti si Bonroi.

Mahinang sinampal ni Zhamira si Bonroi na noon ay tanan siya sa kaniyangbeywang. "Lalaki ka nga."

Nangiti tuloy ang asawa niya at binigyan siya ng marahang halik sa kaniyang noo.
"Sige na, pumapayag na ako." Mahinang sinabi ni Bonroi na nakapagbigay ng ningning sa mga mata ni Zhamira. "Mamumuhay tayo dito bilang normal na tao at ituturing natin siya na anak natin."

Malaki ang ngiting nakaguhit sa labi ng kaniya Zhamira, dahil sa pagpayag ng kaniyang asawa.

"Pero, yun ay kung walang maghahanap sa kaniya."

Mariing tumango si Zhamira saka nito hinalikan ang labi ni Bonroi. "Ituturing natin siya bilang anak natin. Eh paano kung malaman niya na witch siya."

"Tsaka na natin isipin yan. Sa ngayon..." Binuhat ni Bonroi si Zhamira na para silang bagong kasal. "...ikaw muna ang iisipin ko."

Pinisil naman ni Zhamira ang pisngi ni Bonroi. "Bukas isa na tayong ganap na pamilya."

Makaraan ang mga araw kinilala na nga nila ang batang witch na muntikan nilang masagasaan bilang kanilang anak, habang ganon rin ang ipinamalas ng batang babae na pinangalanan nilang Samara.

Namuhay sila bilang mga normal na tao na hindi alitana ang hindi na muling paggamit ng mahika.

Lahat nang bagay ay naging matiwasay.

Nakakuha ng trabaho si Bonroi sa isang kompaniya bilang office worker, habang si Zhamira naman ang nag-aasikaso sa kanilang bahay at naghahatid-sundo kay Samara ng magsimula na itong pumasok sa eskwelahan.Nagkaroon din sila ng maliit na bakery, dahil sa hobby na ng mag-asawa ang pagbeba. Naging masaya ang kanilang buhay, dahil sinigurado nina Bonroi at Zhamira na hindi makadarama ng kahit anong kalungkutan si Samara, maging pa tatlo lamang sila sa pamilya.

Wiz'nth University (Enchanted Series #1) Where stories live. Discover now