Piptint Tyant: An Apprentice Baptismal

91 10 1
                                    

A/N:

Hey Pritis and Hansams, how's the story so far? Are you enjoying it?

Well, yung totoong reason naman talaga kung bakit ako nag note ngayon e dahil gusto ko lang naman talagang mag ma-gwapo.

Sigi na magbasa na nga kayo!

~~~

Piptint Tyant: An Apprentice Baptismal

Earlier at D'luxe Cousine Restourant

(Weldeisther's POV)

"Sir, Madame, please follow me." Wika ng waiter na inutusan ni Otrebor, habang sumunod naman ang mga bata sakaniya.

"Kung hindi ako nagkakamali, hindi ba't siya ang magnux?" May pagtaas ng kilay na tanong saakin ni Otrebor.

Napahinga ako nang malalim, at napapailing nalang sa aking isip. Di parin nagbabago ang lalaking to mula nga magkalayo kami, madaldal parin.

"Siya nga." Tango ko saka ko hinaplos ang mahabang balbas ko na pumuti na dahil sa katandaan.

"Nakakadiri naman yan Weldeisther Quinn. Wala ka na bang balak paputulan, o pakulayan manlang yan? Muntik na kitang hindi makilala dahil diyan sa makapal na puting balbas mo eh. Nakakatanda masiyado." Tukoy niya sa balbas ko na nagkukunawaring nandidiri.

"Hindi dapat ito kinahihiya," Tumingan ako sa malago ko nang balbas. "... ito ay palatandahan ng mga pinagdaanan at mga natutunan ng isang tao."

Hindi nakakagulat na naging ganiyan ang reaksiyon niya. Paano ba naman ay ngayon niya lang ako muling nakita mula nang ipatapon ako sa Faber.

Nagkibit balikat lamang siya.

"Ang thirteenth princess at ang mugnux. Delikadong galaw." Sabi niya habang simpleng tumingin sa gawi ng mga bata.

Tama nga naman siya napakadelikado ng estado ko ngayon, gayung walang seguridad ang aking grupo, at marami ang maaring magtangkang kuhanin sina Hannah, at Samara.

Kahit kailan naman ay hindi ko binalak humawak ng kahit sinong may mabibigat na pangalan kung babalik man akong muli sa pagiging guro o advisor.

Ni hindi ko manlang nga inisip na muli pa akong babalik sa WU, upang magpapasok ng mga batang mahikero.

Ayokong gumawa nang pang-ulong balita sa buong echt lalo na sa pagbabalik ko sa pagtuturo.

Ngunit talagang hindi yata iyon ang ninanais ng tadhana.

"Ang tadhana ang naglapit ng mga bata saakin, Trevor." Sabi ko habang nangiti nalang ako, dahil sa ibinigay na resposibilidad saakin ng langit.

Nagkibit balikat lang siya sa tinuran ko.

"Siya nga pala. Umasenso na ang karinderya mo ah. Dati nagdadala ka lang ng mga lutong ulam ng nanay mo sa University." Bati ko sa kaniya na may kasamang pang-aasar, saka ako tumawa.

"Ganun talaga kapag may talento." Pagmamayabang niya. "Nakakaawa naman ang mga appretice mo siguradong ngayon lang sila makakakain ng totoong pagkain dahil siguradong puro sunog ang lagi nilang natitikman sayo." Patawa niyang winika.

Wiz'nth University (Enchanted Series #1) Where stories live. Discover now