Chapter 23

174 51 1
                                    

Chapter 23: The Invitation & Surprise Visit




Tyler's Point of View



Ang boring naman dito sa bahay! Buti nalang at wala pa sina Mommy kasi kung andito pa yun dito, siguradong mag ra-rap na naman yun dahil sa mga pasa sa mukha ko. Eh puta naman kasi 'tong si Zachary, bigla ba naman akong bubugbugin kasama ang apat niyang sidekicks na mukha namang mga paa. Hindi sila makakatapat sa mukha kong gwapo kahit puno pa ito ng mga pasa.

Buti nalang rin at Friday na ngayon, hindi masyadong mahaba ang pagiging absent ko sa school. Yung goal ko na perfect attendance, Wala na! Tch! Si kuya kasi, gusto niyang dumito na muna ako sa bahay. Napaka protective niya naman, pero sabagay baka pagkakaguluhan na naman ako doon ng mga admirers ko.

Ang hirap talagang maging gwapo

Hindi ko pa rin maiwasang mag-isip kung bakit yung Mckayla na 'yon pa ang nagdala sa akin sa hospital, pwede namang si Seb nalang ah?

Galit pa naman din ako sa babaeng 'yun! Kung hindi lang dahil nagalit sa akin si kuya, hindi ako magsosorry dun! Bakit pa kasi sa lahat ng babaeng pwedeng magustuhan ng kuya ko, siya pa? Nakakainis talaga ughh

May narinig akong kumatok sa pinto "Sir Tyler, kakain na po ng Lunch" narinig kong sabi ni Manang

"Lalabas na ako" sigaw ko naman at nag dahan dahan na akong bumaba sa bed ko. Ano ba yan?! Ang hirap ng may pasa sa mukha! Ang hahapdi ng mga pasa ko, punyeta talaga.

Paglabas ko ng kwarto ay agad akong dumiretso sa Dining Area, andoon na si Kuya, kumakain. "Di mo ako hinintay" sabi ko sa kaniya

"Kasi di naman talaga ikaw ang hinihintay ko" at binigyan niya ako ng malapad na ngiti "Haha biro lang, kumain ka na dito" alok niya sa akin at umupo naman ako sa upuang katapat ng upuan niya

"Tch! Kayla na naman 'yang nasa isipan mo"

"Pero iba naman yung nasa isipan niya" biglang nalungkot ang kaniyang mukha pero sumubo na siya ng pagkain

"Bakit ba sa lahat ng babae sa school, siya yung nagustuhan mo? Pwede naman yung kapatid ni Reigh ah" tanong ko sa kaniya

"Wala eh, siya ang pinili ng puso ko"

"Tch, ang corny mo!" tiningnan ko siya ng parang nandidiri

"Ganiyan talaga ang sinasabi ng mga taong hindi pa nararanasanag umibig" sabi niya at ngumiti pa siya sa akin ng nakakaloko. para bang, ako na naman ang tinutukso niya

"Ewan ko sayo. Kumain nalang nga tayo" pag-iba ko ng usapan dahil baka saan na naman 'to aabot

Tungkol nga pala sa training ko, yung sa Royalty, one week muna ang binigay na break sa akin at bukas naman ang last day. Pagkalipas ng Sunday ay back to training na naman ako, hays nakakapagod naman! Pero kung hindi pa masyadong magaling ang mga pasa sa mukha ko, baka may another one week na naman ako!

Nagtataka ba kayo kung bakit may one week break ako? Kasi sinabihan ko lang naman si Dad na kailangan ko muna ng break dahil busy na busy ako sa school works at sumasakit rin ang kagwapuhan este buong katawan ko kaya ayun pumayag din naman si Mom hehe. Galing ko noh?

Ay syempre, ganiyan talaga ang mga gwapo.

"Kuya, ang boring naman dito sa bahay! Gusto ko munang pumasyal sa labas o sa park man lang. Sayang din naman kung itatago ko itong gwapo kong mukha. Kahit naman ay may mga pasa ito, gwapo pa rin kaya ako. Nakakaumay kayang makita 'yang pagmumukha mo dahil araw-a—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng unahan niya ako

The Unexpected Where stories live. Discover now