"Shh! Tumahimik ka nga diyan. Ang ingay mo, nakakaumay rin kayang pakinggan 'yang mga reklamo mo. Tsk, concerned lang ako sayo. Kaya sa ayaw o gusto mo, dito ka lang sa loob ng bahay muna" sabi niya sa akin at umupo sa couch katapat ng tv. Inagaw ko kaagad sa kaniya ang remote para ang gusto ko namang channel ang masusunod.

"Wahaha ako ang nauna!" asar ko naman sa kaniya at sumama ang tingin niya sa akin

"Akin na 'yan Tyler Blaze!" sigaw niya sa akin habang sinusubukang kunin ang remote na tinatago ko sa aking likuran

"Ayoko, paghirapan mo munang kunin 'to! Ako yung nauna eh" sabi ko sa kaniya at napa 'tsk' nalang siya.

"Hindi porket ikaw ang nauna, ikaw na ang pipiliin niya" napakunot naman ang aking noo sa sinabi niya.

Tss, ano bang pinagsasabi niya? Pag-ibig na naman! Humuhugot na naman 'tong kapatid kong baliw.

"Oy, remote 'tong pinag-aagawan natin. Hindi yung 'siya'. Hahaha ako na muna ang may control ng remote na ito" sabi ko at binigyan siya ng malokong ngiti. Wala siyang nagawa kundi ay umupo nalang ulit sa couch habang ako, nakaupo rin sa single couch katabi niya at masayahing hinahawakan ang remote. Bwahaha!

•••

Lumipas ang ilang oras, narinig kong may nag doorbell sa labas ng bahay. Tiningnan agad nito ng maid namin at pagkatapos ay pumunta sa amin

"Sir, may bisita po kayo sa gawas. Mike—Mac—Michael—Oo tama! Michael po daw iyang ngalan" sabi ng bisaya naming maid.

Michael? Sino naman ang mokong ito? Wala akong kaibigang Michael.

"Hihintayin niya po daw ikaw doon sa labas" dagdag pa niya at nag bow para umalis na. Napakamot naman ako sa batok ko, nagtataka pa rin kung sino sng taong iyon.

Paglabas ko ng main door namin, nakaupo na ang bisita ko sa may table sa labas.

Tsk, sabi na nga ba. Si Mckyle 'to.

"Mckyle" sabi ko at napatingin naman siya sa akin

Akala niya Michael si Mckyle, hay nako.

"Ay Blaze! Hello!" masiyahing bati niya sa akin at nakipag fist bump pa ito "I'm sorry kung nadisturbo man kita. Since I don't have your contact number, I just went here to see you personally" dagdag niya pa

"Bakit? Ano ba ang sasabihin mo?" curious kong tanong sa kaniya

"Pero before that, kumusta na mga pasa mo bro?" nag-alalang tanong niya habang nagmamasid sa mga pasa ko.

"Hindi pa rin ako kumportable gumalaw pero gwapo pa rin naman"

"Damn, mas gwapo pa rin ako. Hahaha anyway let me cut to the chase, Jurielle mentioned that you said hindi ka daw pupunta sa birthday ni Kaye ngayong Linggo. I am not forcing you to really attend the party but it would be better for you to attend. Gusto sana kitang isali sa 18 na lalaki na magsasayaw at magbibigay ng 18 roses sa kaniya. Isa nalang kasi ang kulang and I couldn't think of one anymore" pag explain niya sa akin at napatango nalang ako.

"Ahh sige. pag-iisipan ko, sasabihan nalang kita" sabi ko sa kaniya

"Yes! Thanks bro!" At nabigla naman ako ng i-bro hug niya ako "And— Oh, here's the invitation for the Funtello Family" abot niya sa akin ng royal blue na envelope na may laman na invitation. May tali rin ang envelope na kulay Gold.

Ang espesyal talaga ng babaeng 'yun! Tsk

"Salamat rin dito" sabi ko at ngumiti naman siya.

The Unexpected Where stories live. Discover now