" We thought your not at home " Rinig kong sabi ni Third.

" I just sleep the whole day " Sagot ni Zero. Napapaypay ako sa sarili ko. Why his voice suddenly sounds so manly. Argh! Ano ba Brie umayos ka nga.

" Brie okay ka lang bakit ka nakatalikod samin? " Tanong ni Neo sakin. Peste naman tong si Neo pinansin pa ko. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.

" Ah...ano kasi "

" Dude just get dress already Brie can't look at you " Sabi ni Third na ikinagulat ko at dahilan para mapatingin ako sa kanilang dalawa ni Zero. Nginitian lang ako ni Third and Zero smirked at me.

Agad ko namang inalis yung tingin ko kay Zero at dahil dun nagsalubong naman yung tingin namin ni Kevin. Mababaliw ata ako sa kwartong to.

" I need to go to the restroom " Sabi ko agad na tinungo ang restroom.

" The restroom in the kitchen is out of order you can use the restroom at my room " Sabi ni Zero.

Nanadya ba siya. Napahinga ako ng malalim at agad na nilampasan si Zero at pumasok sa kwarto niya deretso sa restroom.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Buti nalang hindi nagpeklat yung gasgas sa mukha na natamo ko. Nagpaikot ikot pa ko sa restroom bago ko naisipang lumabas.

Naabutan ko si Zero na nakasandal sa pintuan ng kwarto niya. Pero this time naka sando na siya na white tapos shorts. Napaatras ako ng bigla siyang naglakad papunta sakin pero napahinto ng yakapin niya ko.

" I miss you " Bulong niya sa tenga ko habang nakahawak siya sa buhok ko. Deym you Zero Perens hindi na naman magkamayaw yung mga paruparo sa tiyan ko at yung puso ko ang bilis na naman ng tibok.

Ganun lang kami for about 5 minutes bago siya kumalas. Tinitigan niya ko saglit at pagkatapos ay naglapat ang labi namin saglit.

" Let's go " Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ko palabas ng kwarto. Pilit kong inaagaw yung kamay ko dahil makikita nila Third. Pero mas lalo niyang hinigpitan ito.

" Baka makita nila " Bulong kong sabi kay Zero.

" They already know that there's something going on at us " Napailing ako sa kanya.

" Hindi alam ni Neo " Totoo naman sina Third at Kevin palang ang nakakaalam.

" Let us him know " Muli na naman akong umiling kay Zero pero huli na ang lahat.

" What's the meaning of this?! " Tanong ni Neo saming dalawa ni Zero. His eyes is full of betrayal.

" This? She's mine " Sabi ni Zero at itinaas pa yung kamay naming dalawa para mapakita kay Neo. Tiningnan ako ni Neo at nagsimula na siyang umiyak. Hala siya sinasabi ko na nga ba eh.

" Akala ko ako lang *hik*hik* Paano mo nagawa to sakin *hik*hik " Sapilitan kong kinuha yung kamay ko mula kay Zero at agad na lumapit kay Neo.

" Neo tumahan ka na " Jusko tong batang to.

" Mang-aagaw ka Zero!!! " Sigaw niya kay Zero pero itong si Zero dedma lang.

Humarap ako kay Third para humingi ng tulong pero umiling lang siya sakin at tinawanan ako. Ang galing! Asan na yung kasunduan namin. Badtrip siya!.

Napatingin naman ako kay Kevin. Okay kalimutan ko muna yung kasalanan niya sakin. I need help right now kapag hindi pa tumahan tong si Neo hindi kami makakagawa.

" Enough Neo as if you can change anything when you cry " Sabi ni Kevin. Bigla namang tumigil si Neo sa pag-iyak.

" You should tell me first " Sabi ni Neo habang nagpupunas ng luha.

Block ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon