Nawala ako sa tamang pag-iisip ng biglang may humalik sa pisngi ko. Automatic na napasampal ang kanang kamay ko sa pisngi niya!

"Aray ko naman!"

"Lance?!" At si Lance pala yon! Lalong nanlaki ang mga mata ko.

Hinihimas niya ang pisngi niya habang nakakunot ang noo. Pulang-pula, as in. Ang lakas kaya ng pagkakasampal ko. "Ang sakit ha."

"Of all the things na pwede mong ipanggulat sakin, talagang halik pa kasi naisip mo! Kasalanan mo yan!" Inalis ko na ang kamay niya na nakadampi sa pisngi niya at dinampi ko ang kamay ko. Seryoso ang pula talaga, at medyo mainit. "Tara umuwi na tayo kailangan nating lagyan ng ice yan." Ibinaba ko na ang kamay ko.

"Sus, wag na. Mawawala din to mamaya." Iniwas na niya ang tingin niya sakin pero nakakunot pa rin ang noo niya.

"Hindi na masakit?"

"Nawawala na."

"Talaga?"

"Oo nga. Kulit."

"Paano mo nalamang nandito ako?"

"GPS."

"Okay." Iniwas ko na din ang tingin ko sa kanya at pinagmasdan na lang ulit ang mga batang naglalaro sa playground. Kahit papaano napapangiti na ulit ako. Ang cute naman kasi talaga nilang tingnan.

Pero ilang minuto na ang nakalipas nang napansin kong ang tahimik pala namin pareho ni Lance. Hindi kami nag-uusap. Hindi na rin ako nagsalita dahil wala akong masabi. Baka gusto lang talaga niyang wag magsalita. Pero hindi nagtagal...

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Lance.

Nakatingin pa rin ako sa mga batang naglalaro. "Namamasyal. Wala akong magawa sa bahay eh."

"Bakit di mo ko hinintay? Ade sabay sana tayong namasyal."

"Kung hinintay kita, gabi na dito sa park mamaya. Wala nang magandang tanawin."

"Ako? Di pa ba ko magandang tanawin?"

Napatawa ako bigla. "@sshole." Ngayon na lang ulit ako natawa ngayong buong araw.

Nagulat na lang ako ng dumikit siya sakin habang nakasandal siya sa bench, and he put his arm around my waist. "Ngumingiti ka na."

Napatingin ako sa kanya. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko at nakatitig siya sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit ang tagal na ng relasyon namin ni Lance, feeling ko natutunaw pa rin ako sa mga tingin niya. Tumango ako.

"Sabi ni Sue hinahanap mo daw ako kanina."

"O-Oo."

"Sorry if di na ko nakapagpaalam. Nagising ako sa tawag ng groupmates ko, kailangan na naming magpasa kanina ng project."

Tumango ulit ako. "Okay lang."

"And sorry if di na ko nakapagtext. Gusto ko lang magpamiss."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ah ganon?"

Natawa siya. Hinalikan niya ang dulo ng ilong ko. "Basta sorry."

I nodded. "Okay lang."

"Thank you. At ngayon namang nakapagsorry na ko, it's your turn."

Kumunot ang noo ko. "Anong 'it's my turn' ka dyan?"

"Sabi mo ipagluluto mo ko. Paggising ko wala naman eh."

"Ahh!" Napangiti na lang ako. "Okay. Sorry. Napasarap kasi tulog ko tapos hindi ako nakapag-alarm. Pero don't worry, bukas mag-aalarm ako ng maagang-maaga para sure na mapagluto kita. Promise yan."

With Or Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon