Kabanata 3

10.3K 428 27
                                    

Partners

Aerys

"Aray!" Sigaw ko dahil nadaganan niya ako. Naiinis na ako kasi pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko at ng mga taga section 3 pero ang mokong na 'to ay parang tangang nakatitig lang sa akin.

Near sighted ako kaya naman klarong klaro sa mga mata kong tinititigan niya ako kahit natanggal sa pagkakasoot ang aking glasses. Hindi ko alam kung anong naisip ko kung bakit nagduling-dulingan ako. Siguro para inisin sya. Natawa ako sa ginawa ko dahil mukha akong tanga. Akala ko naman tatayo na ang mokong sa pagkakadagan sa akin, pero wala. Wa epek. Epic fail. Tumitig lang siya. Pa-moment naman ata masyado ang mokong na 'to. Akala niya siguro ang gaan niya. "Hoy!" Sigaw ko at nagulat siya.

"Takte, Ang bigat mo!"

"Sorry!" Sabi niya habang nagmamadaling tumayo. Aba't marunong palang mag-sorry 'to? Tinulungan niya akong tumayo at pagkaharap namin ay sinalubong agad kami ng masamang tiningin ni Ms. Terror este ni Ms. Bulalacao.

"What do you think you're doing?" Tanong niya habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "You two are both five minutes late. Where were you?"

"Kasi po..." magre-reason out na sana ako pero pinutol ni Ms. Bulalacao.

"I don't need to hear you're excuses," striktang sabi nito. "Both of you. Occupy the vacant seat at the back. Now."

"Yes, Ms. Bulalacao."

"Yes, Ms. Bulalacao."

Takte! Napagalitan na tuloy kami. Tinungo naming dalawa ang bakanteng upuan sa likod. At sa sinuswerte ka nga naman. Magkatabi kami ni Mokong. Nauna na akong umupo; sumunod naman si mokong na tila bang ayaw niya akong makatabi.

"As I was saying earlier. Your previous teacher Mrs. Lozada is on maternity leave. She will be out for three months. Kaya naman ako ang magte-take over ng Physics 1 ng section 3. I was given this task since magkapareho kayo ng subject time at may conflict of schedule sa ibang teachers.  Kaya naman ime-merge ko na lang ang sections ninyo kasi maco-conflict din sa ibang subject ko kapag ihihiwalay ko kayo," paliwanag niya. "In order for me to manage this big class, I prepared a seat plan."

"Kaya ko kayo pinaghiwahiwalay kanina para naman makilala niyo rin ang taga ibang section since this will be our set up for the rest of the semester." Dagdag ni Ms. Bulalacao. "Comprende?"

"Yes, Ms. Bulalacao," the class replied in chorus.

Ang iba ay nasiyahan, at ang iba naman ay patuloy na nagprotesta kasama na itong katabi ko.

"Kung ayaw mo akong makatabi, magreklamo ka kay Ms. Bulalacao," pagsusungit ko sa kanya.

"Para saan pa? Alam ko rin namang hindi siya papayag," sagot niya.

"Maybe she will..." sabi ko. "Ayoko rin naman sa 'yo e. Kung papayag si Ms. Bulalacao e di masaya!"

"And by the way, those two who were late. You both will be partners in all our Physics related activities this semester," pahayag ni Ms. Terror. Ugh!

Napailing si Logan.

"Sa laboratory, reporting, at sa iba pang activities natin. This will be a good way to get to know each other. Para matuto rin kayo to collaborate with your assigned partners," paliwanag ng teacher namin.

"Ikaw na lang kaya ang magprotesta sa kanya?" bulong ni Logan sa 'kin. "Inuutusan mo pa ako, e pwede namang ikaw ang gumawa."

"Mag-aaksaya lang ako ng laway," sabi ko. "Ikaw 'tong ayaw tumabi sa 'kin, tapos ako papoprotestahin mo?"

Rewrite the StarsWhere stories live. Discover now