Simula

17.4K 545 60
                                    

Aerys

Monday morning at nasa hallway ako ng administration building. Two weeks nalang at Midterms na for the first quarter kaya naman kukunin ko ang exam permit ko para makapag-exam ako. Maaga kasi nire-release ang exam permit ng mga scholars dahil free tuition kami. Malapit na mag-lunch break kaya naman wala na masyadong estudyante na nakapila sa cashier ng school.

"Good morning po," bati ko sa clerk. "Kukuha po sana ako ng exam permit."

"Scholar?"

"Opo."

"Pangalan?"

"Aerys Mendiola po."

"Here it is," ani ng clerk sabay abot sa akin. "Please sign here."

"Sige po," matapos kong pirmahan ay nagpasalamat na ako at lumabas.

Nagtext si Loisa na nasa classroom siya naghihintay dahil sabay kami magla-lunch.

Medyo maaliwalas ang panahon kaya good mood ako. Ayoko kasi ng sobrang init at ayokong nagpapawis; ayoko rin naman ng maulan kasi ayokong nababasa.

Nasa hallway na ako malapit sa classroom namin ng may marinig akong may kumalabog. Paglingon ko ay nakita kong nakakalat na sa sahig ang mga notebooks, pencil case na nasira at papel nung babaeng naka-pixie cut ang buhok. Agad niya naman itong pinulot. Napansin ko ring nakatingin lang sa kanya ang ibang estudyante at pinapanood lang siya. Ang iba naman ay nabubulongan lang. Unbelievable! Wala man lang ni isa na nagkusang tulungan siya.

"Oop! Sorry! 'Di ko napansin na nand'yan ka pala," pagtataray ng magandang babae. "Buti nga sa 'yo," dagdag pa nito nang pabulong sabay inapakan ang mga nakakalat na notebooks at mga libro sa sahig. "'Yan ang napapala ng mga malalanding katulad mo! " Evil smile was plastered on Vida's face. "Kaya naman itanim mo sa kokote mo na akin lang si Dos. Kung ako sa'yo, lalayuan ko na si Dos or else!" singhal nito habang hawak-hawak ang kanyang mamahaling signature bag.

Ang tinutukoy niyang lalaki ay si Logan Castrances II o mas kilala sa palayaw niyang Dos. 'Di mapagkakailang maraming nagkakagusto sa kanya and one of them is Vida. Ang ex-girlfriend niya na hindi matanggap na hiwalay na sila. She's a crazy obsessive bitch. Halatang 'di pa rin makamove on kasi inaaway ang kung sino mang nalilink kay Logan.

Sadyang maraming girls at pa-girls ang hayagang inaamin ang damdamin nila para kay Logan. Kung isasama pa ang mga lihim na nagkakagusto sa kanya, aabot siguro ng isang daan ang mga tagahanga niya. Kaya naman tini-take advantage din ng palikerong lalaking 'yon ang mga nagkakandarapa sa kanya. What an ass!

Naiinis na rin ako sa mga pinaggagawa nitong babaitang ito. As the infamous vice-president of the student organization, inawat ko na.

"Akin na nga 'yan!" sigaw ko kay Vida sabay agaw sa kanya ang bag ng babae.

She was dumbfounded of what I did. Napatingin naman lahat ng tao na nasa hallway. Halatang nagulat din sila sa ginawa ko. Akalain mong may naglakas ng loob na kalabanin ang demonyitang queen bee ng school. Somebody has to.

"Hindi mo ba talaga titigilan ang pambubully mo sa mga babaeng nalilink sa pinakamamahal mong si Logan?" usal ko.

Hindi siya nagsalita at pinagtaasan lang ako ng kilay. "Kung ganoon mo pala kagusto ang lalaking 'yon, bakit hindi mo sabihin sa kanya na nagseselos ka ng magkabalikan ulit kayo?" She frozed. "O baka naman sawa na siya sa'yo." nagkibit-balikat ako. "That explains why you're so insecure sa mga ka-fling nya. Sa tingin mo ba babalikan ka pa 'nya dahil sa mga pinaggagagawa mo? I think not," sabi ko na ikinanganga niya.

Dahan-dahang lumapit si Vida sa kinatatayuan ko. "'Wag ka ngang makialam! How dare you say that to me?" aniya. "Akala mo kung sino ka kung magsalita. You're just a lowly scholarship grant nobody. My, my, isa ka rin siguro kanila. Mga cheap trash na head-over-heals kay Logan. Sino ba naman kasi ang makakaresist sa hotness niya."

Natawa ako sa sinabi niya. I'll pray for her. Kinain na siya ng sistema.

"Anong nakakatawa?" Iritadong tanong ni Vida. Pilit niya ulit inagaw ang bag nung babae na hawak ko, pero mabilis akong nakaiwas.

"Naiinis na ako sa paulit-ulit mong pang-aapi ng mga students dito dahil lang sa pagka-possessive mo. You're so immature. Para kang batang ayaw maagawan ng laruan. Let me correct that, you're the toy here. Ang dating laruan ni Logan na pinagsawaan kaya pinalitan. That's sad." I said making her gasp.

Ibinigay ko ang bag sa babaeng b-in-ully at tinulungang tumayo.

"And by the way, sa susunod na gawin mo pa ulit ito. I'll make sure to report you to the guidance counselor," sabi ko with a smirk plastered on my face.

"Are threatening me?"

"Are you threatened?"

"Nope."

"Okay, then. Tara na Loisa." Anyaya ko kay Loisa sabay walkout. I heard her groaned.

Nang makalayo na kami ay di na napigilan ni Loisa na paghanga niya sa ginawa ko kanina. "Ikaw ba 'yong kanina, Tots? Wow. Ginulat mo ako dun a. Akalain mo, may natutulog palang tigre sa ilalim ng maamo mong mukha."

Napatawa ako ng marahan. "I just did my job as an officer. At naiinis na talaga ako sa pagkabaliw ng babaeng 'yon."

Tinungo namin ang usual spot namin sa cafeteria pagkatapos naming umorder ng pagkain. May mga froglets na nagtitilian. Sinundan ko ang tinitignan nila. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang paninitig ko sa mga ito.

"Hoy, Tots! Matunaw 'yan. Lagot ka sa mga fans niyan," bulong ng best friend kong si Loisa.

I ignored her. I continued to stare at the group of basketball guys na nakaupo sa isang corner near the cafeteria's counter. Partikular sa lalaking nakaupo sa mesa at nakahawak ng bola - si Logan Castrances II. Ang team captain ng basketball team at ang MVP ng interhigh last season.

Sikat sila not just because they play well pero dahil narin siguro sa angking kakisigan at kagwapuhan ng mga ito. Iyon nga lang, most of them ay palikero. Hindi lang bola ang pinaglalaruan nila pati narin ang feelings ng mga nagkakagusto sa kanila.

Pero kahit ganoon, girls and pa-girls flock over them like crazy. Hindi ko alam kung bakit karamihan ay gustong gusto iyong badboys. Bakit hindi na lang kaya sila magpaligaw sa mga boys sa Bilibid dahil bad talaga ang mga iyon, literally. Di ba? Well, we all have differences when it comes to choosing someone we like.

I kept staring at Logan na kasalukuyang tumatawa marahil sa biro ng teammate nito. I can't blame those who are crazy about him. Napakasarap naman palang pagmasdan ang mukha nitong nagliliwanag sa sobrang tuwa.

Bigla nalang itong pumihit paharap sa direksyon ko. Bago pa ako nakaiwas ng tingin ay napatingin na ito sa akin.

Shit.

His dark and mysterious eyes were locked on me. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Parang biglang nagkabuhol-buhol ang tiyan ko. I could feel my cheeks flushed. It lasted for a few seconds bago tumikhim si Loisa kaya napabaling ako sa kanya. What was that feeling?

Rewrite the StarsWhere stories live. Discover now