Chapter 8

206 12 1
                                    

HAHAHAHA. Mga mahihina. Ito na ba ang magagaling na kawal na ipinagmamalaki ng Lansea? Mga walang binatbat. Mga mahihina.

"Ito na ba 'yun? Ito na ba ang pinagmamalaki ng Lansea? Nakakaawa." Pang-asar na sabi ko. Nakakatuwa. Gusto ko ang ganitong feeling. Too bad, I'm not that really happy. Because I can't kill them. Shintaro don't want me to kill them.

"Tama na, Sen!" Sigaw ni Shintaro habang nakapiring. Napahinto naman ako.

"Tumakas na tayo, halika na." Sabi ni Kuya Kentaro at binuhat si Maye. Sumunod naman sa kanya si Kuya Rentaro at Shintaro.

"Huwag niyo silang hahayaang makatakas!" Utos ni Kyle. May mga pasugod naman pero agad akong humarang.

"Gusto mo talagang maubos ang mga kawal mo, ano? Hahahahaha." Sabi ko habang nakangisi.

Napatigil naman ang mga kawal at napaatras.

"Yo, kailangan niyo munang dumaan sa akin." Sabi ko pero tuluyan din silang umaatras at ako ay nagsimula ng tumakbo.

"Niloko mo ako, Sentaro. Sa susunod nating pagkikita, kalaban na ang ituturing ko sa'yo." Matamang sabi ni Kyle.

Medyo nasaktan ako ro'n ah? Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Naabutan ko sina Kuya at gulat sila dahil nagawa ko silang abutan. Heh.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"Babalik tayo sa Reimei." Sabi ni Kuya Rentaro.

"Talaga?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Oo, oras na." Sabi ni Kuya Kentaro.

***

Inabutan kami ng gabi sa kagubatan. Nakalagpas na kami sa hangganan ng Lansea.

Matapos naming kumain ay napagpasyahan na nilang matulog. Habang ako naman ay naglakad-lakad muna at nagpahangin.

"Oras na. Babangon kaming muli at pagbabayarin ang dapat na magbayad." Sabi ko habang nakaupo at nakatingala at pinagmamasdan ang maliwanag na buwan.

Nagulat na lang ako nang may kung anong bumagsak sa harapan ko. Muntikan na akong mapasigaw sa gulat.

"S-Shaoran!?" Gulat kong sabi habang nakatingin sa kanya. Anong ginagawa niya dito!?

"Sinundan mo ba kami para patayin kami? Hindi ko hahayaang magtagumpay ka!" Nanginginig kong sabi pero hinawakan niya lang ang mukha ko.

"A-Anong---------" at bigla niya akong hinalikan...hanggang sa napansin ko na lang na tumutugon na ako sa halik niya. Err.

No'ng una ay nagulat siya sa ginawa ko pero 'di kalaunan ay pinagpatuloy niya lang.

"Bakit ko naman papatayin ang magiging reyna ko?" Halos pabulong niyang sinabi.

"Kalaban ka namin...mali ito." Sabi ko at umiwas ng tingin.

"Really?...Sentaro." pang-asar na sabi niya at muli akong hinalikan.

"Sa akin ka lang...matulog ka na. Babantayan kita."

***

Pagsapit ng umaga ay nagsimula ulit kaming maglakbay.

Hanggang sa nakarating kami sa sentro ng apat na direksyon. Ang pinakadelikado sa lahat.

"Ang council." Saad ni Maye.

"Kapag may ginawa silang kakaiba, hindi ako magdadalawang isip na paslangin sila." Walang pag-alinlangan kong sinabi.

"Shh. Lalagpasan natin ang council ng hindi nila tayo napapansin nang sa gano'n ay maiwasan ang pagdanak ng dugo. Maliwanag?" Sabi ni Kuya Kentaro.

Reimei Kingdom (Kingdom Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now