Chapter 2

312 19 1
                                    

"Nasaan na tayo?" Tanong ko kay Shintaro. Lakad pa rin kami ng lakad. Nagugutom na ako. Ilang araw na rin kaming naglalakbay.

"May naaninag akong siyudad sa 'di kalayuan. Halika na." Sabi niya at nagsimula ulit kaming maglakad.

Ang daming tao, siksikan. Ang init pati, isama mo pa na gutom na ako. Mas matindi pa ito sa pagsasanay ko sa pakikipaglaban.

"Ahhhhh! Tulong! Magnanakaw! Magnanakaw! 'Yung wallet ko! Ibalik mo sa akin 'yan!" Isang sigaw ng babae ang siyang lumutang sa aking pandinig sa kabila ng madaming tao sa aming paligid. Nahagip ng mata ko ang isang babaeng nasa 30+ ang edad. Nakikipag-agawan pa siya sa lalaking balot na balot ang katawan. Pero 'di kalaunan ay nahigit na ng lalaki ng tuluyan ang wallet at nagsimula nang tumakbo. Pero walang may balak tumulong do'n sa babae. Kawawa naman. Too bad for him kasi sa direksyon ko siya papunta.

So ang ginawa ko ay no'ng malapit na siya sa akin ay pinatid ko siya at nasalo ko naman ang wallet. Sinamaan niya ako ng tingin at manlalaban pa sana pero bumwelo ako at sinipa siya sa mukha. Nagsiatrasan naman ang mga nakapaligid sa amin.

"Akala mo maswerte ka na 'no? Malas ka nga lang dahil nandito ako. Heh." Sabi ko at naglakad papalapit do'n sa babaeng muntik ng manakawan.

“Maraming salamat, Ganda. Ay, bilang pasasalamat. Halika at kumain ka muna sa bahay namin. Base sa itsura mo ngayon ay hula ko hindi ka pa kumakain.” sabi niya at naglakad na. Pero napatigil din at napalingon sa akin ng maramdaman niyang hindi ako sumusunod sa kanya.

“Ah. May kasama po pala ako. Hehehehe.” nahihiyang sabi ko.

“Kung gano'n ay isama mo na rin siya. Mukhang galing kayo sa mahabang biyahe.” at nagsimula na siyang maglakad.

"Hmm. Ang sharap namwarn nwito. Huwaaah." Sabi ko habang may laman ang bibig. Tinampal naman ni Shintaro ang kanang kamay ko at pinandilatan ako ng mata.

"Huwag ka ngang magsalita ng may laman ang bibig! At magdahan-dahan ka nga sa pagkain mo! Parang hindi ka babae kung kumilos!" Panenermon niya sa akin. Ang ingay niya. Magsasalita pa sana siya ulit kaya ang ginawa ko ay sinubuan na lang siya.

"Ang saya niyo tignan na dalawa. Ilang taon na kayo?" Tanong no'ng babae.

"Ako po ay labindalawa samantalang siya ay sampung taong gulang na." Sagot ko sa tanong niya. Hehehehe.

"Ay naku! Ang babata niyo pa pala. Akala ko ay dalaga't binata na kayo. Ako nga pala si Dahlia, tawagin niyo na lang akong Tita Dahlia. At saka may kasama rin ako dito sa bahay, tawagin niyo na lang siyang Tito Mark, asawa ko. Siya nga pala, anong pangalan niyo? Hihihi." Magiliw niyang sinabi at tanong.

"Ah! Ako nga po pala si Sentaro..." Sabi ko at napatingin kay Shintaro. Bahala na. "Sentaro Kirstein at siya naman ang kapatid kong si Shintaro Kirstein." Pagpapatuloy ko kanina. Whoa! Ang hirap mag-isip ng gagawing apelyido ah!

"No'ng una, akala ko magkakambal kayo! Mas matanda ka pa pala sa kanya ng dalawang taon! Pero ang bata niyo pa pala." Sabi niya habang nagliligpit ng pinagkainan namin.

"Pwede po bang makitira sa inyo? Wala na po kasi kaming matitirahan. Ang inay namin ay pumanaw na dahil sa malubhang sakit samantalang ang itay naman ay napagkamalang isang kriminal at basta na lang pinatay. Wala na kaming mapuntahan. Ilang araw na kaming naglalakbay at hindi na namin alam kung nasaan na kami. Parang awa niyo na po, tutulong na lang po kami sa mga gawaing bahay. Ah, eh. Turuan niyo na lang po muna kami. Hehehehe." Madrama at nahihiya kong sinabi.

Tapos ay nagkunwari akong parang naiiyak na kaya naman ay niyakap ako ni Shintaro at bumulong.

“Ang galing mong magdrama. Tsk." Sabi niya at humiwalay na sa yakap.

"O sige. Pumapayag ako. Gusto ko rin maranasan ang magkaroon ng anak. Hindi na kasi kami mabibiyayaan ng anak eh. Hahahaha. Mukhang magiging masaya ang susunod na mga araw." Magiliw na sabi ni Tita Dahlia. Napangiti na lang din kami ni Shintaro.

"Yeeeeeey!" Sigaw ko at napatalon pa sa tuwa at napayakap kay Shintaro. Hahahahaha.

***

Nakabalik ako sa realidad ng may kumalabit sa akin at nakatayo sa harapan ko.

"Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka lang. May sasabihin lang ako. Kapatid mo ba si Shintaro Kirstein? Magkapareho kasi kayo ng apelyido kaya napaisip ako kung anong relasyon mo sa kanya." Sabi ng kaklase ko. Well, hindi kami close.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"May nakaaway siya. Sa tingin ko ay mga Senior. Narinig ko sa mga babaeng nag-uusap sa labas. Nasa garden. Puntahan mo na." Pagkasabing pagkasabi niya no'n ay lumabas na kaagad ako ng room at pumunta sa garden na sinasabi niya.

Limang taon na ang nakalipas. Masakit pa rin isipin na kailangan naming magkahiwa-hiwalay at iwan ang aming tahanan.

Malayo pa man ako ay nakita ko na agad ang kumpulan ng mga estudyante. Wala bang sasaway diyan?

"Hindi ka magsosorry?" Sabi ng hindi pamilyar na boses. Aish. Boses pa lang ay maangas na.

"At bakit naman ako magsosorry? Ikaw ang nakabunggo sa akin, dapat lang na ikaw ang magsabi no'n at hindi ako." Aba aba aba aba! Boses ni Shintaro iyon!

"Sasagot ka pa eh!" Sabi pa ng isa.

"Lalaki ka ba talaga? Hahaha. Ang hina mo kasing tignan eh." Pang-asar na sabi no'ng lalaking naabutan kong unang nagsalita.

"Bakit 'di natin tignan, Kyle? Let us make him pay." Sabi no'ng isa pa. Bale apat silang lalaking senior.

Bigla namang nagulat si Shintaro at napaatras. Oo nga pala, hindi siya marunong makipag-away at sumabak sa bakbakan.

Paamba na ng suntok 'yung Kyle. Kaya naman bumwelo ako at tumalon at humawak sa balikat ng isang lalaki para maging suporta at naglanding sa harapan ni Shintaro. Napasinghap naman ang mga nakapaligid dahil sa gulat. Hindi naman naituloy no'ng 'Kyle' ang pagsuntok niya.

Bumwelo ako.

"Lumayo ka ng kaunti, Shintaro." Sabi ko sapat na para marinig ni Shintaro at sinunod ako.

Bumwelo ako at sinipa sa bewang 'yung 'Kyle'. Napadaing naman siya. Sunod ko namang sinuntok sa mukha 'yung pangalawa.

"Ohhh. Lalaki ba kayo? Ang hihina naman pala." Pang-asar na sabi ko at sinikmuraan 'yung pangatlo. Sinipa ko naman sa likod 'yung pang-apat. Hays. Mga mahihina.

Nagpagpag ako ng kamay ko at kunwaring may alikabok iyon. Hahahahaha.

"Whoa! Sisiw!" Sabi ko at humarap kay Shintaro. Hinawakan ko siya sa mukha.

"Ayos ka lang? Sinaktan ka ba nila? May ginawa pa ba sila sa'yo? Ano? Sabihin mo lang." Sabi ko kay Shintaro habang chinecheck siya.

"At sino ka namang pakialamerang babae ka?" Tanong no'ng pang-apat na lalaki. Nilingon ko sila ng nakapamaywang. Ka-year ko lang pala sila. Parehas kasi kami ng kulay ng ID lace.

Tinignan ko lang sila at agad na binalik ang atensyon kay Shintaro.

"Halika na. Paniguradong gutom ka na!" Sabi ko kay Shintaro at hinawakan ang kamay niya at maglalakad na sana kaso may humawak sa braso ko kaya napalingon ako kaagad sa may gawa no'n. Pero maling ideya ang paglingon ko dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Waaaaaah. Pahinging kahoy nang mahambalos ang pagmumukha nito!

At dahil do'n ay awtomatikong na-upper cut ko siya! Buwahahaha.

"Huwag mo akong hahawakan." Sabi ko at umalis na kami doon.

•••

Reimei Kingdom (Kingdom Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon