Chapter 7

217 18 3
                                    

"Psychology comes from the greek word Psyche which means breathe, spirit and soul and logos which means study of...." Pagpapaliwanag ng teacher namin. Inaantok ako. Huhuhuhuhu. Ang tagal naman magbreak.

Halos 1/4 lang ng klase ang nakikinig sa guro namin including Maye. The rest, plakda...knock out.

"Okay, class dismissed." Anunsyo ng guro at lumabas na ng room.

"Sorry, Sen. Hindi ako makakasabay sa'yo kumain. Sumabay ka na lang muna sa kapatid mo. Babawi na lang po ako sa inyo sa susunod. Pasensya na po." Sabi niya at yumuko pa.

"Ay naku! Okay lang. Sige! Una na ako." Pagpapaalam ko sabay labas ng room at nagtungo sa classroom nila Shintaro.

"KIRSTEIN! Si Miss Beautiful, nandito." Sigaw ng isang kaklase niya.

"Oh, Sentaro. Naparito ka?" Obvious na tanong nitong kapatid ko. Aish.

Walang sali-salitang hinila ko siya.

"S-Sentaro!" Daing ni Shintaro.

"Samahan mo ako kumain!" Sigaw ko sa kanya. Ang daming satsat!

Mapayapa kaming kumakain ni Shintaro ng may biglang tumabi sa akin at inakbayan ako.

"Hello, beautiful Sentaro." Bati ng walang hiyang makapal ang mukha na Prinsipe ng Hilaga. Marahas kong tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin. Pero natawa lang siya.

"Cruel as always." Natatawang sabi niya at napatingin sa gawi ni Shintaro.

"Oh, you must be the Third Prince of Reimei. Well, hello. I'm Shaoran Franmalth, First Prince and the next in throne of Nalquiyah Kingdom from the North. It's nice to meet you." Aish! Tissue! Nagdudugo ang nose ko! Huhuhuhu. Nagdilim ang mukha ni Shintaro. Syempre, alam niya na alam ng prinsipeng ito ang identity namin.

"Kamukhang kamukha mo talaga ang Hari ng Reimei." Nakangiting saad ni Shaoran.

"Stay away from her." Seryosong sabi ni Shintaro. Natawa ulit ang prinsipe.

"No. She's mine." Seryosong sabi rin nitong katabi ko. Marunong pala siyang magseryoso?

"Hindi mo siya pag-aari."

"Pag-aari ko na siya ngayon."

"Hindi ako papayag."

"Wala ka ng magagawa ro'n. Akin siya at siya ang gagawin kong reyna ko."

"Maraming tututol sa pagmamahalan niyo. Hindi kayo pwede sa isa't isa."

Excuse me, walang pagmamahalan ang naganap.

"Wala silang magagawa. At lalo ka na. She's mine and only mine."

"Hindi ako papayag. Ang tatay mo ang nanguna sa pagpapabagsak sa kaharian namin. Hindi ka nababagay sa kanya."

Tumaas ang tensyon sa pagitan ni Shintaro at Shaoran. Kung magpalitan naman 'to ng salita akala mo, wala rito ang pinag-uusapan nila.

"Wala akong pakialam. Walang makakapigil sa akin, kahit ikaw pa na kapatid niya o ang aking ama. Sa akin lang siya. Kung kinakailangang kalabanin ko ang mundo para lang mapasaakin siya, gagawin ko." Seryosong wika ni Shaoran kay Shintaro. Namula naman ang mukha ko. Kaasar siya. Pinagtitripan niya lang naman ako eh. Bakit kailangan pang umabot sa ganyang salitaan? Pinagtitripan niya lang naman ako 'di ba?

"Tsk. Kalaban ka pa rin namin. Kalaban pa rin namin kayo." Malamig na sabi ni Shintaro.

Natawa naman si Shaoran at lumakad na palabas ng canteen.

Sabay exit ng gano'n?

"Stay away from him, Sentaro. Pati na rin sa ibang prinsipe. Okay?" Sabi po ni Kuya Shintaro. Kung magsalita naman ito, akala mo mas matanda sa akin. Hmph.

Reimei Kingdom (Kingdom Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now