Chapter 3

247 19 0
                                    

"Akala mo kung sino ka, ah? Hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman ang susunod na Hari ng kaharian ng Lansea dito sa Kanluran." Sabi niya habang nakatingin ng masama sa akin. Anong akala niya? Matatakot ako sa tinginan niya? Mangarap siya.

"Wala akong paki kung susunod ka man na Hari ng kung anong kaharian. Inapi mo ang taong 'yan kaya dapat lang 'yan sa inyo." Sabi ko at tuluyan nang tumalikod sa kanya. Hmph. Antipatiko!

"Malelate na tayo lahat lahat, nakatulala ka pa rin diyan. Huwag mo na ngang isipin 'yung sinabi niya, Sentaro." Inis na sabi ng kapatid ko kaya naman nabalik ako sa realidad at nagsimula ng maglakad kasabay siya. Hehehehehehe.

"Ihatid na kita sa room niyo. Baka mamaya ay masangkot ka na naman sa gulo." Sabi ko habang ang tingin lang ay nasa daanan.

"Huwag na, Sentaro. Dumiretso ka na sa room niyo. Malelate ka ng tuluyan kapag ginawa mo 'yun." Sabi niya habang nakatingin sa akin ng diretso.

"Shintaro, alam mo, kapatid kita kaya natural lang na siguraduhin ko ang kaligtasan mo. Okay?" Sabi ko sa kanya at inakbayan siya. 'Yun nga lang, mas matangkad siya sa akin kaya niyakap ko na lang siya sa baywang.

"Dapat nga eh ikaw ang pinoprotektahan ko dahil babae ka. Pero ako pa itong pinoprotektahan mo." Malungkot niyang sinabi.

"Ate mo ako." 'Yun lang ang nasabi ko. Katamad magsalita. Paulit-ulit lang naman.

Walang nagawa si Shintaro kaya sa huli ay hinatid ko siya sa room niya. Akala niya huh! Pagkatapos no'n ay pumunta na ako sa room ko pero nasa kabilang ibayo pa 'yon. At ang masaklap pa, pagkarating ko ro'n ay may apat na malalaking kuto ang nakaharang sa pintuan.

"Kyaaaaaaaah! Ang apat na nagugwapuhang mga lalaki ang nasa pintuan!"
"Prince Kyle!"
"Waaaaah. Fafa Mika!"
"Ako na lang, Fafa Nash!"
"Nooo, ako na lang Papi Theo!"

Ang haharot. Ang papangit naman ng sinasabi nilang gwapo. Tsk. Pero teka lang. Kung ang Prinsipeng Kyle ay magiging susunod na hari dito sa Kanluran, ibig sabihin ay...nasa Kanluran kami napadpad!? Ang layo ng nilakbay namin! Nasa Silangan pa ang Reimei!

"Ang lalaking kuto." Sabi ko habang nakatayo lang sa labas. Napalingon sila sa akin.

"Ohh. Tama pala tayo ng napagtanungan." Sabi no'ng tinatawag nilang Mika?

"Kilalang kilala ka pala dito." Sabi naman no'ng Theo? Hmph. Ang daldal nila.

"Ang daldal niyo." Walang gana kong sabi.

Nagulat naman ang lahat pati na ang Prinsipe. Hmph.

"Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo. Nasa harap mo lang ang Prinsipe ng Lansea." Sabi no'ng Nash.

'Nasa harap niyo lang din ang Prinsesa ng Reimei!' 'Yan sana ang gusto kong sabihin sa kanila kaso kapag nalaman nilang isa akong Meian ay ipapahuli nila ako at papatayin. Paano na lang si Shintaro. Huhuhuhu.

"Pakialam ko? Tabi nga diyan. Isa kayong malaking harang sa daanan." Matapang na sabi ko dahil totoo naman. Hmph.

"Wala kang galang!" Galit na sabi no'ng Nash at sasampalin sana ako kasa biglang natawa si Kyle.

"Nakakatuwa ka." Sabi niya at lumapit sa akin ng bahagya at hinawakan ang pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa niya! Ahhhhhhh! Sinampal ko siya. Walang hiya! Ang lakas ng loob hawakan ang mukha ko!

"Huwag mo ako sabing hahawakan." Sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya. Pero napangisi lang siya. Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Matapang na babae. 'Yan ang gusto ko. Simula ngayon, akin ka na." Bulong niya sa akin. Ano raw?

"Asa ka." Sabi ko at inirapan siya. Natawa siya ulit at tinitigan ako. Napakunot ang noo niya at umiling-uling.

"Imposible naman 'yun." Mahinang sabi niya.

Mga baliw. Nakakainis. Gilitan ko leeg niya eh! Huhuhuhuhu.

Recess na at napagdesisyunan kong puntahan si Shintaro.

"Bilib talaga ako sayo Kirstein. Nagawa mong kalabanin ang Prinsipe." Sabi ni Demaye, 'yung babaeng nagsabi sa akin na napaaway si Shintaro.

"Wala 'yun. Ang yabang eh. At saka, Sen na lang. Huwag na Kirstein. Hahahahaha." Sabi ko.

"Sige, Sen. Maye na lang." Sabi niya.

Nagpunta na ako sa room ni Shintaro pero bago pa man 'yung mangyari ay may umakbay sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Napasinghap ang mga tao sa paligid at natigilan ako. Agad na nag-init ang ulo ko at sinipa ang paa niya. Ayun, umiiyak sa sakit ang baklang Kyle.

"Bastos." Bulyaw ko at nagtungo na sa room ni Shintaro.

"Nakita ko 'yun, Sentaro." Seryosong sabi niya.

"Nang-aasar lang 'yun dahil ilang beses ko na siyang ipinapahiya sa harap ng maraming tao. At saka isa pa, kalaban natin siya. Kaya kailangan na nating mahanap sina Kuya sa lalong madaling panahon." Seryosong sabi ko rin.

"Gusto ko na silang makita." Sabi ni Shintaro.

"Mangyayari din 'yun. Hahahahaha." Sabi ko at kumain na kami.

Natapos na kaming kumain at bumalik na sa room namin.

"Sinaktan mo ako sa harap ng maraming tao para lang makasama ang lalaking iyon? Sino siya? Huh? Nakakalimutan mo na bang akin ka lang?" Galit na sabi ng antipatikong hambog na Prinsipe ng Kanluran.

"Huh? Ano? Anong sabi mo? Sa'yo lang ako? Walang nagmamay-ari sa akin kundi ako lang. Okay? Okay. Kapal ng mukha." Sabi ko. Ano ako? Bagay lang? Duh.

Uwian na. Hindi kami sabay umuwi ni Shintaro dahil may gagawin pa raw siya kaya pinauna niya na ako.

"Uy! Balita ko pupunta rito ang prinsipe ng Hilaga at Timog."
"Kailan? Bukas? Kung bukas, kailangan kong magpaganda ng bongga!"
"Oo yata eh. Ako nga rin magpapaganda!"

Naglakad lang ako pauwi. Feel ko maglakad eh. Hahahahaha. Pero napahinto rin ako kaagad. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o hindi. Kasi parang nakita ko sina Kuya Kentaro at Kuya Rentaro. Guni-guni ko lang siguro 'yun. Dala lang siguro ng sobrang pagkamiss sa kanila. Hays.

Namimiss ko na sila. Gusto ko na silang makita.

"Oh, Sentaro. Nandito ka na pala. Sandali lang at ihahanda ko lang ang pagkain mo." Sabi ni Nay Dehlia at nagtungo na sa kusina.

Lumipas ang ilang oras ay nakauwi na si Shintaro pero nagulat ako sa tumambad sa amin na itsura niya.

"Ay jusmiyo! Anong nangyari sa'yong bata ka?" Sabi ni Nay Dehlia at lumapit kay Shintaro.

"Wala po 'to Nay. Akyat na po ako." Sabi niya at umakyat na.

Inabutan naman ako ni Nay Dehlia ng first aid kit at sinenyasan na umakyat na.

"Shintaro? Papasok ako ah?" Sabi ko at binuksan ang pinto. Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya. Lumapit ako at umupo sa dulo ng kama.

"Sino ang may gawa sa'yo niyan?" Tanong ko sa kanya habang ginagamot ang mga sugat niya.

"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay ang mga alagad ng Prinsipe. Habang binubugbog nila ako ay nabanggit nila ang salitang prinsipe. Naalala ko pa ang pagmumukha nila. Magkakasama lang sila." Paliwanag niya.

Ngayon, humanda kayo.

•••

Reimei Kingdom (Kingdom Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now