" You!!! " Napaurong ako ng sabunutan niya ko. Ang sakit letse siya. Sinabunutan ko rin siya at nagsabunutan na kami sa banyo. Lumaban din si Yana pero nakita kong kinulong siya sa isang cubicle ng dalawa. Pagkatapos ay pinagtulungan na nila akong apat.

" Palabasin niyo ko dito! " Sigaw ni Yana sa loob ng isang cubicle.

Nasipa ko yung isang humahawak sa kamay ko pero na palo naman ako ng isa ng mop sa sikmura dahilan para mapaluhod ako. Ang sakit peste!.

" Ang lakas ng loob mong kalabanin ako eh wala ka naman pala! " Inis na sabi ni Monique. Pinilit kong makatayo ulit at makalaban pero peste naman eh inihampas na naman sakin ung bakal na holder ng mop. Kaya namilipit ako sa sakit plus yung anit ko pa ang hapdi na. Feeling ko masusuka ko yung intestine ko sa sobrang sakit.

" Bitch know your place!. Yes your the student council president at yun lang ang pwesto mo you can't control Block Zero. You can't have Zero " Sabi niya sabay sipa pa sa sikmura ko bago ako iwanan na nakalupagi sa restroom.

" Brie? Brie are you alright? " Tanong ni Yana sakin. Pinilit kong makaupo para maabot yung pinang lock nila sa cubicle. Halos mamilipit na ko sa sakit bago ito matanggal. Agad namang lumapit sakin si Yana.

" Brie! Dadalhin kita sa clinic " Nag-aalalang sabi ni Yana. Hindi naman niya ko kaya eh. Buti nalang paglabas namin ng clinic may ibang estudyante na tumulong kay Yana.

" Matindi ba ang sakit kapag nagkakameron ka? " Tanong sakin ng nurse. Binabuti ko nang ang sabihin nalang ay masakit ang puson ko. Inayos din ni Yana yung buhok ko bago kami pumasok ng clinic para hindi na magtanong pa yung nurse.

" Ilagay mo nalang to sa sikmura mo tapos inumin mo to maiwan ko na muna kayo " Sabi ni Nurse Wendy.

" Salamat po Nurse Wendy " Sabi ko kay Nurse bago siya lumabas ng Clinic.

" Brie sigurado ka bang ayaw mong ipaalam sa Guidance yubg ginawa ni Monique sayo? " Sabi sakin ni Yana.

" Huwag na Yana lalaki pa ang gulo " Sagot ko nalang dito.

" Yana paano mo nakilala si Monique tiyaka ano yung sinasabi niya tungkol kay Kevin... at Zero " Minabuti ko ng hinaan yung pagbanggit ko sa pangalan ni Zero at hindi ito iparinig kay Yana.

" She's known for being a slut in the campus. Papalitpalit ng lalaki. Siya din ang dahilan kung bakit nakipag break ako kay Kevin " What?.

" I seen her and Kevin na naghahalikan sa may pool area " Kwento ni Yana.

" Kevin knew it? Na nakita mo sila? " Tanong ko kay Yana.

" No he never knew " Gusto kong mapamura. Gusto kong murahin si Kevin. Eh gago pala siya eh. Sinisisi ko yung sarili ko at sinisisi niya ko pero siya pala ang may kasalanan.

" Bakit hindi mo kinompronta si Kevin? " Tanong ko kay Yana.

" Ayokong mas lalong masaktan sa magiging sagot niya " So totoo yung sinabi ni Monique kanina tungkol sa kanilang dalawa ni Kevin. Kaya may possibility rin na totoo yung sinabi niya tungkol sa kanila ni Zero.

" Bakit? Sa totoo nga lang okay na sana sakin si Kevin eh pero hindi ko alam na mas masarap pala sa kama si Zero "

" Ang wild niya eh hahaha "

Napapisil ako sa bridge ng ilong ko at napapikit.

" May gusto ka ba kay Zero? " Tanong ni Yana na nagpamulat sakin.

" Ha? " Hindi ako handa sa tanong niyang yun.

" Nakita ko kung pano mo tingnan si Zero at nakita ko rin kung pano ka tingnan ni Zero " Sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

" Brie... " Tawag ni Yana sa pangalan ko at sabay hawak sa kamay ko.

" Ayaw kitang masaktan dahil kaibigan mo ko. Pero hanggat kaya mo pang pigilan, pigilan mo na yung nararamdaman mo kay Zero " Sabi niya sakin na nakatingin sa mata ko.

" Yana "

" I know Jacob is courting you now. Sa kanya mo nalang idivert yung atensyon mo bumalik kana sa Block A " Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Yana. Bakit ba lahat sila pinapalayo ako kay Zero.

" Narinig mo naman ang sinabi ni Monique kanina diba at alam kong naintindihan mo yun " Sabi niya sakin.

" Pero Yana naguguluhan na ko eh. Bakit lahat nalang kayo gusto akong palayuin kay Zero "

" Ayaw lang naming matulad ka kay Jamie " Jamie! Si Jamie na naman. So siya ang ugat ng lahat kung bakit nila ako pinapalayo kay Zero.

" Sino ba talaga si Jamie?. Anong kinalaman niya sa lahat ng to?. " Tanong ko kay Yana pero iniwas niya lang ang tingin sakin.

" Lahat nalang kayo si Jamie ang dahilan dahil ayaw niyo kong matulad kay Jamie pero bakit ayaw niyong sabihin sakin kung ano ba talagang nangyari sa kanilang dalawa ni Zero? " Inis kong sabi kay Yana.

" I'm sorry Brie pero hindi ako ang dapat magsabi sayo " Napayukom nalang ako sa kamao ko at tumayo na.

" Then I'm sorry too kung hindi ko susundin ang gusto niyo " Sabi ko at lumabas na ng clinic. Kahit masakit parin yung sikmura ko pinilit maglakad.

" Brie san ka pupunta? " Habol sakin ni Yana.

" Uuwi nalang muna ako " Sabi ko at derederetso ng umalis.

Yung bag ko at cellphone ko naiwan ko sa room pati wallet ko. Ayoko na namang balikan yun kaya maglalakad nalang ako.

Patigil tigil ako sa paglalakad dahil kumikirot yung sikmura ko. At maglalakad na sana ako ulit ng may humintong van sa tapat ko. Teka manunupot ba to ng mga bata!. Letse paano ako tatakbo nito.

Napaatras ako ng bumukas ang pinto at may lumabas na dalawang lalaki.

" Kilala mo ba si Zero? " Tanong ng isa kanila. Dapat ba kong sumagot ng Oo?.

" Ah... "

" Siya yun hindi ako pwedeng magkamali sakay niyo na! " Sabi nung isang nasa loob ng van.

Agad naman akong hinawakan sa magkabilang kamay nung dalawa.

" Teka! Sino ba kayo! Peste! " Kahit masakit ang sikmura ko ay pinilipit kong lumaban. Sinipa ko sa ano niya yung isang lalaking may hawak sakin. Dahilan para mabitawan niya ko.

" Tngna! " Mura nito habang namimilipit na nakahiga sa kalsada.

Pinilipit ko naman yung kamay nung isa pang nakahawak sakin. Bago tinuhod sa sikmura.

Kinuha ko yung chance na yun para tumakbo kahit na halos masuka na ko.

*Klick*

Pero hindi pa ko nakakatkabo nakarinig ako ng kalabit ng baril.

" Sige tumakbo ka at deretsong tatama sa ulo mo ang bala ng baril na hawak ko " Lumingon ako sa kanya at peste hindi nga siya nagbibiro nakatutok sa ulo ko ang baril na hawak niya. Hindi naman siya mukhang goons pero anong kailangan niya sakin. Tiyaka may kamukha siya.

Lumapit siya sakin at ngayon nakadikit na yung dulo ng baril niya sa ulo ko at konting kibot ko lang ay sigurado akong ipuputok niya yung baril niya.

Napaluhod ako ng sikmuraan niya ko. Peste! Pangatlong beses na to. Napasuka ako ng dugo dahil sa ginawa niya.

" Sino ka...*cough* ba?!. Ano bang kailangan mo sakin! " Galit kong tanong sa kanya.

" Me? Ah you will you found out later. I just want to confirm something " Sabi niya sabay ngisi at bago pa ko makapagsalita ulit ay may tumakip na ng panyo sa ilong ko at nakaamoy ako ng kung ano bago ako nahilo at nagdilim ang paningin ko.

To be continued...

Block ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon