Halos lahat din napatingin kay Kevin at Yana. Sa ginawa ni Kevin hindi ba nila alam na mag ex tong dalawang to?. So si Eren lang ang may alam.
" Your Kevin's ex right?. Yana Sebastian " Napatingin ako kay Zero dahil sa sinabi niya. Wait alam niya?.
" Siya yun? " Sabi ni Neo na parang nagulat.
" Restroom lang ako " Paalam ni Yana at lumabas na ng Cafeteria. Agad naman akong tumayo at sinundan siya.
Pumasok siya sa restroom kami lang ang tao dito kaya makakapag tanong ako sa kanya.
" Yana " Tawag ko sa pangalan niya.
" You knew? " Tanong niya sakin.
" Kaya ba bigla mo nalang inungkat yung nakaraan? " Hindi ko mabasa yung expression niya ngayon. I don't know if she's mad at me or not.
" Recently ko lang nalaman Yana "
" Alam mo na pala Brie bakit sinama mo pa ang Block Zero!. Hindi mo ba alam kung gaano ako kahirap na iwasan siya. Kung gaano kahirap sakin na magpanggap na wala na kong pakielam. Brie almost 2 years pinilit kong iwasan siya at huwag isipin dahil hindi ko alam kung anong magawa ko kapag nakita ko siya " Sabi niya sakin na umiiyak na. Ngayon kitang kita ko na yung sakit na nararamdaman niya.
" Akala ko okay na ko. Akala ko masaya na ko. Akala ko naka move on na ko. Pero nung makita ko siya nung ipakita niya sakin na may pakielam parin siya sakin. Hindi ko na alam Brie!. Parang napuno na ako nang pagsisisi " Niyakap ko na si Yana at hinayaan siyang umiyak.
" I'm sorry Yana it's my fault " Sabi ko sa kanya habang tinatapik ang likod niya.
Siguro we stayed like that for about 10 minutes bago tumahan si Yana.
Lalabas na sana kami ng restroom ng may pumasok na apat na babae na masama ang tingin samin. Teka kung hindi ako nagkakamali yung isa dito ay yung taga Block B na pinagsalitaan ako ng hindi maganda.
" Hindi na ko magugulat na magbestfriend kayo pareho kasi kayong tirador ng Block Zero " Sabi nung pinaka leader nila yung nagsalita din sakin ng hindi maganda.
" Ayaw namin ng gulo " Sabi ko sa kanila pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
" Wala akong pakielam kung ikaw ang student council president. Akala mo kung sinong role model pero nasa loob naman ang kulo at higad pa " Napayukom ako ng kamao dahil sa sinabi niya. Kapag hindi ako nakapagpigil papatulan ko talaga siya.
" What?. Totoo naman diba. Ikaw Yana diba siya ang dahilan kung bakit ka nakipag break kay Kevin? " Napatingin ako kay Yana dahil sa sinabi ng babaeng to. Paano naman niya nalaman yun.
" Hindi kasalanan ni Brie " Sabi ni Yana na ikinatawa lang nung bruha.
" Oh! Pero I would like to say thank you to Briena dahil sa ginawa niya napasakin si Kevin " Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
" Hindi mo naman sinabing masarap pala sa kama si Kevin. Oh ops! Hindi mo pa ba nararanasan? " What the hell!.
" Monique! " Galit na sabi ni Yana. Magkakilala pala sila?. So Monique ang pangalan ng bruhang to. Tiyaka anong sinabi niya tungkol kay Kevin.
" Bakit? Sa totoo nga lang okay na sana sakin si Kevin eh pero hindi ko alam na mas masarap pala sa kama si Zero " Nakangising sabi niya sakin.
" Ang wild niya eh hahaha " Hindi ko na napigilan yung kamao ko na dumapo sa nguso niya.
" What the hell!! Bitch why did you that! " galit na sabi sakin ni Monique.
" Ops nadulas kamay ko " Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Napahawak naman sa braso ko si Yana.
YOU ARE READING
Block Zero
ActionHR in Action:#46 (09/22/18) #1-goodgirl (02/07/19) ••• Block Zero Isang Block na binubuo ng mga puro lalaking estudyante na suki ng Detention, Suspension at Gulo. Sila yung block na kinakatukan pagdating sa mga underground battle. They labelled th...
Block 10
Start from the beginning
