" Dadaan ka pre dun sa likod mo ang daan palabas " Sabi ni Cald. Napatingin ako kay Jacob ng iyukom niya yung kamao niya. Alam kong nagpipigil nalang siya. Ayokong pagsimulan ng away to.

" Jacob ano tara na " Yakag ko kay Jacob na ikinangiti niya.

" Brie! " maktol ni Neo.

" Brie " Tiningnan naman ako ng seryoso ni Cald at nilipat niya ang tingin niya sa pwesto ni Zero. Sinundan ko naman to at nagtama ang tingin namin ni Zero. I know his mad kitang kita ko sa tingin niya. How can I fix this thing up.

" Brie let's go " Napabuntong hininga ako kay Jacob. Hindi ko alam kung tama tong desisyon na gagawin ko pero alam kong ito lang yung way.

" Okay let's eat together " Sabi ko sa kanila.

" Ha? " Tanong ni Neo.

" Sa Cafeteria ulit kayo kumain sumama na kayo samin " Sabi ko sa kanila.

" That's good to me. I want a break to be their chef " Pag sang-ayon ni Gary.

" Sawa na din ako sa pagkain ni Gary sige! " Sabi naman ni Harvy.

" Libre naman ata ni Zero ulit okay ako " Sabi naman ni Luxe.

" Jacob? " Syempre kailangang pumayag din siya.

" Okay lang sakin Brie " Sagot niya na ikinangiti ko.

Tumingin naman ako kay Zero. Pumayag kana!.

" Do as you wish " Isang ngiti ang sumilay sa labi ko sa sinabi ni Zero.

Pagpasok namin sa cafeteria ay halos lahat ng tao nakatingin samin.

" Andito na naman sila? "

" Gosh! I really think sumusunod na sila kay Brie "

" Pero bakit kasama nila si Jacob? "

" I can see a love triangle here "

Hindi ko na pinansin pa yung sinasabi nila. Agad kong hinanap si Yana at nakita ko naman siya pero may iba siyang tinitingnan. Napalingon ako sa tinitingnan niya and confirm it was Kevin na kausap si Eren. Hindi na ko ngayon kumbinsido na wala na talaga siyang nararamdaman kay Kevin.

Lumapit na ko kay Yana at umupo sa tapat niya. Sumunod naman sakin si Jacob at umupo sa kanan ko. Uupo naman sana si Neo sa kaliwa ko pero may humigit sa kwelyo niya at pinaisod siya. In the end si Zero ang umupo sa kaliwa ko. Sa opposite naman namin ay si Neo, Yana at Cald. Si Third naman ang nakaupo sa gitna nina Zero at Neo.

Mukhang hindi komportable si Yana sa dalawa at hindi rin ako komportable sa upuan ko kaya tumayo ako at pinaalis si Cald tapos sumiksik ako sa gitna ni Neo at Yana. Pag-upo ko sa tabi ni Yana at sinamaan naman ako ng tingin ni Zero.

" Yana sorry ha " Sabi ko sa kanya na ikinatingin niya.

" Saan? " Gusto ko sanang sabihin na dahil kasama ko yung ex mo. Pero ano ako haler.

" Mukhang hindi ka komportable sa kanila " Bulong ko sa kanya.

" Hindi okay lang ako Brie " Sabi niya sabay ngiti. Hinanap ko naman si Kevin at ng makita ko siya ay nakatingin siya kay Yana. Nagsalubong ang tingin namin pero agad siyang umiwas.

" Brie yung usuall ba na kinakain mo ang oorderin ko? " Tanong ni Jacob. Isang tango naman ang binigay ko sa kanya.

" Ikaw Yana? " Tanong nito kay Yana na nakatungo lang at tahimik.

" Ha? "

" Anong gusto mo?. Ako na oorder? " Tanong ni Jacob.

" Yung... " Pero bago pa makapagsalita si Yana ay may kamay na naglapag ng tray sa harap ni Yana. Mukhang nagulat pa si Yana ng makita niya kung sino to.

Block ZeroWhere stories live. Discover now