"Malaki na ang anak mo Alonso kaya hayaan mo siya. Mas mahirap kung ito ay magrebelde." Lumapit sa akin si mama at hinaplos ang aking mukha. "May tiwala ako sa anak natin." Sabi nito at pumasok na ng kwarto.

I am really thankful for my mother. She maybe tough sometimes but I know she just want to protect me. Ganoon naman talaga ang ina hindi ba? They're like lioness willing to trade anything to protect their cub. Kaya nga ako ay hanga sa akin ina. She isn't vocal compare to my papa but when she speak, then we're done.

Hindi kailanman sila naging marahas at pabaya sa akin. Kahit alam kong nagagalit paminsan-minsan si papa sa akin ay naiintindihan ko kung saan nagmumula 'yon.

Tumitig si papa sa akin habang lumalapit. Sinuklian ko 'yon ng ngiti. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ang kamay niya ay dumausdos sa aking likuran hanggang sa umatras ako.

"Papa..."

"Matulog na tayo." Aniya at nauna ng pumasok sa kwarto. Nanatili ng ilang sandali ang tingin ko sa pintong kanyang pinasukan bago pinatay ang ilaw ng gasera at sumunod na sa kanya sa kwarto.

"Sasama ka sa akin mamaya sa bayan dahil mag eenroll ka na." Si mama habang namimitas ng gulay sa likod bahay namin. Tumulong na din ako sa kanya para maaga kaming makaalis. Si papa ay nasa kwarto at tulog dahil ayaw parin siyang pagtrabahuin ni mama.

Sa Dumarao Central School kung saan ako nag aral magmula elementary hanggang ngayong magse-senior high ako ay ang nag iisang public school sa buong bayan. Marami akong naging kaibigan sa kanila ngunit ng lumipat kami ng bahay ay naging madalang. Sa tuwing pasukan ko na lang sila nakikita. Hindi rin naman nila ako binibisita dahil alam ko namang may pinag kakaabalahan sila.

"May allowance na ako?" Nagtatakang tanong ko. Minsan ay nagugulat na lang ako sa kanila. Hindi naman ako nag eexpect ng makakapag aral akong muli dahil sa hirap ng aming buhay. Maituturing na bonus ko lang 'to at pagpapasalamat.

"Gagawan ko ng paraan. Hindi ka pwedeng tumigil dahil lang mahirap tayo."

"Pero pwede naman akong magtrabaho mama."

"Tumigil ka na sa mga ilusyon mo! Hindi ka magtatrabaho!"

Tumahimik na lamang ako at hindi na nagsalita. Sa tuwing inuumpisahan ko na sabihin ang mga bagay na 'yon ay tila galit na galit sila sa akin.

Wala akong nakikitang mali sa pagtatrabaho kung ito man ay legal. Gusto ko lang makatulong dahil sobra sobra na ang ginagawa nila para sa akin. Ngayon palang ay kaya ko ng masuklian 'yon. Wala naman sa edad 'yon hindi ba? Anong pagkakaiba kung magtatrabaho ako ngayon at pagkatapos kong mag aral? Pilit kong tinatago na tatanggapin ko ang kagustuhan nila pero paano naman ang kagustuhan kong makatulong? Wala ba akong karapatan para doon?

Sa parteng ito ay nanghinayang ako kay mama. Sa lahat ay suportado niya ako. Dito lang hindi. Kung sabagay hinding-hindi ko siguro sila maiintindihan.

Umalis si mama sandali para magbayad ng utang kaya ako ang nagbabantay sa mga gulay. Wala kaming sariling pwesto sa palengke dahil unang una ay wala kaming pangbayad. Pangalawa ay mas gugustuhin naman dito na lang dahil maraming chismosa doon at kung ano-ano ang binabato sa amin. Isang oras ang layo ng bayan mula sa amin. Madalas ay magpapara kami ng jeep na galing Iloilo o kaya bus pero mas mahal 'yon kaya minsanan lang.

"Uy chacha ang laki mo na, noon ganito ka pa, oh." Sabi ng isang babae di ko kilala. Mukhang ka edad niya rin si mama. Hindi ko siya pinansin at patuloy na lang sa paglalako ng gulay.

Unwavering Love (Major Revision)Where stories live. Discover now