" Bakit? "

" Naalala mo ba nung last time na sinundo kita. May sasabihin sana ako sayo that time " Meron nga pero hindi naman niya sinabi. Yun din ba ang dahilan kung bakit niya ko sinundo ngayon.

" Naalala ko, ano ba yun? " Tanong ko sa kanya. Pinagbuksan niya na ko ng pintuan kaya wala na din akong nagawa kundi ang pumasok sa passenger seat. Ilang sigundo naman ay nakasakay nadin si Jacob.

" I like you " Gulat akong napatingin kay Jacob.

" Ha? " Nabingi ata ako.

" Brie I like you, can I court you? " Nakatitig lang siya sakin ng sabihin niya yun. Para akong naubusan ng hangin dahil sa sinabi niya.

" Ano...Jacob " Para akong nakuryente ng hawakan niya yung kamay ko. Yung puso ko ang abnormal ng tibok. Naguguluhan na ko kung kanino ba talaga ito tumitibok.

" Brie let me court you. Give me a chance " How did I end in this situation. Nahihirapan akong sumagot. Halos dalawang taon ko naring kaibigan si Jacob at hindi sumagi sa isip ko na mag kakagusto siya sakin. Sino ba naman ako. I'm just a simple girl who came from an average family while Jacob came from a rich family. Masasabi mo siyang prinsipe sa isang fairytale story.

" Maghihintay ako sa sagot mo " Sabi niya bago binitawan na yung kamay ko at nagsimula ng paandarin ang sasakyan.






Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa classroom. Sa sobrang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Para akong sabog na hindi makausap ng dalawa kong katabi na kanina pa dumadaldal.

" Brie! Oy nakikinig ka ba? " Tanong ni Cald.

" Wala ata sa sarili " Sabi ni Neo habang umiiling-iling pa.

Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa ko. Siguro wala pang 10 minutes akong nakaubob may kumulbit na sakin.

Tinunghay ko yung mukha ko sumalubong sakin yung mukha ni Cald na may tinuro sa may pintuan.

" Jacob? " Anong ginagawa niya dito.

" You left this in my car " Yung wallet ko. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ito.

" Thank you " Sinundan ko yung tingin niya napansin ko kasing hindi siya nakatingin sakin at may tinitingnan sa may likuran.

Sumalubong sakin ang mukha ni Zero na seryosong nakatingin samin ni Jacob. Sht! Bakit bigla akong nakaramdam ng kaba na parang may ginawa akong hindi maganda.

" Your welcome, I pick you up here mamayang lunch sabay sabay na tayong mag lunch ni Yana " Sabi ni Jacob sakin.

" Ah...sige " He smiled at me before he leaves.

*BLAG* Muntik na kong mapasigaw ng may kumalabog. Agad kong nilingon kung san nagmula ang ingay.Kung nakakamatay lang ang tingin baka patay na ko ngayon.

" BRIEANA GUILLERMO COLLINS! " sigaw ni Zero dahilan para mapatingin samin ang lahat ng Block Zero at manglambot ang tuhod ko. Palipat lipat ang tingin nila saming dalawa ni Zero.  Makikita ko na naman ba ngayon ang anak ni Satanas. Ganun kasi si Zero kapag nagagalit. Buong pangalan ko pa ang sinigaw niya uwian na.

" Ano na naman bang ginawa mo Brie? " Tanong sakin ni Neo na nagtatago sa likod ko. Natakot ata kay Zero.

" Sinasapian na naman siya fvck " Bulong na sabi ni Cald.

Napatingin ako kay Third para humingi ng tulong pero napataas lang siya ng kamay na parang sumusuko siya. Peste asan na yung deal namin walangya.

" Explain " Hindi na pasigaw na sabi ni Zero pero ramdam mo parin yung autoridad at yung takot na kapag hindi ako nagsalita katapusan ko na.

Magsasalita na sana ako ng may nauna ng magsalita mula sa likod ko.

" I think we are the one who needs an explanation " Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko dun si Kevin.

" Kevin diba dapat nasa hospital ka pa? " Tanong ni Eren.

" I'm fine now napilit ko na sina Mom na palabasin ako ng hospital " Sagot nito sa tanong ni Eren. Bago binalik ang tingin saming dalawa ni Zero.

" Ano bang meron sa inyong dalawa? " Tanong ni Kevin. Napatingin ako kay Zero pero seryoso lang siyang nakatingin kay Kevin.

" What do you mean? " Tanong ni Third.

" Kayo na ba? " Dagdag na tanong ni Kevin na hindi pinansin ang tanong ni Third. Nakatingin lang ako kay Zero at inaantay ang sagot niya. Nanatili siyang nakatingin kay Kevin.

" No " Sagot ni Zero. Parang may kung anong tumarak sa puso ko sa sagot niya. Tama naman eh wala kaming relasyon hindi naman niya sinabi sakin na gusto niya ko. Hindi naman niya sinabi na girlfriend niya ko at boyfriend ko siya. He just said that I'm him. He just claim me like I'm a thing.

Tumingin sakin si Kevin na parang sinisipat ang reaksyon ko.

" I need to go to the restroom " Paalam ko at lumabas na ng pintuan at dun na tuluyang bumagsak yung luha ko.

Habang naglalakad ako ay patuloy lang ako sa pagpunas ng luha ko. Peste naman Brie bakit ka ba umiiyak. Nakakainis! dapat na ba kong maniwala kay Bryster.

Pagkarating ko sa restroom ay agad akong naghilamos ng mukha. Malayo naman tong restroom na to sa building ng Block A. Parang para lang to sa buildings ng Block Zero kaya ako lang ang tao. Kaya pwede akong maglabas ng sama ng loob ng walang nakakarinig sakin.

" Gago ka Zero! "

" Tngana mo! "

" Fvck sht! ka! "

" Anak ka talaga ni Satanas! "

" That's a lot of profanity for me " Halos mapalundag ako sa gulat ng biglang may nagsalita.

It was Zero leaning on the restroom door. Kailan pa siya napunta diyan. Inirapan ko siya at akmang lalabas na ng restroom ng bigla niya kong hawakan sa wrist.

" Quits na tayo " Nagsalubong ang kilay ko at halos malukot na ang noo ko sa sinabi niya. Anong quits ang sinasabi niya.

" Same feelings of betrayal " Sabi niya bago ako iwanan na tulala sa sinabi niya. Ilang minuto pa ang lumipas bago nag process sakin yung sinabi niya.

What the! He said that to get back dahil sa pagsundo sakin ni Jacob.

To be continued...

Block ZeroOù les histoires vivent. Découvrez maintenant