" Tngna! Bitaw! " Sigaw ko kay Zero. Pero hindi niya parin ako binibitawan. Ilang sigundo pa ay nakarinig kami ng malakas ng preno ng sasakyan at malakas na salpok.

Agad kaming napatingin ni Zero sa labas ng hotel.

" Yung babae! Tumawag kayo ng ambulance " Rinig naming sigaw ng isang babae.

Halos magkandadapa na ko palabas ng hotel. Nanginginig ang laman ko. No! Huwag naman sana please. Huwag si Jamie.

Halos gumuho ang mundo ko ng makita ko si Jamie na nakahiga sa kalsada habang duguan.

" Jamie! Jamie wake up! " Napasabunot ako sa buhok ko. Tngna!.

" Tumawag kayo ng ambulance!! Huwag lang kayong tumayo diyan bwisit!!! " Halos mabaliw na ko. Wake up Jamie please.

" Iiyakan mo lang ba siya! " Tinulak ako ni Zero at binuhat si Jamie pasakay sa isang kotse.

Nakasunod lang ako sa kanya. Sumakay din ako sa kotse at agad naming sinugod si Jamie sa hospital.

End of flashback

Natigil ako sa pag-alala ng tumunog ang cellphone ko.

(Bryster) Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa swivel chair na nasa study table ko.

" May nangyari ba kay Jamie? " Tanong ko mula sa kabilang linya.

(Wala, she's still the same. I call you to say something about Brie)

" What about her? "

(I want to court her) Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

" Jacob, what the hell are you saying "

(I'm serious about her at ayokong tumunganga nalang habang inaantay na tuluyang maagaw siya sakin ni Zero) Napahawak ako sa sintido ko.

" Why now?! Bakit ngayon pang may namamagitan na sa kanila! " Biglang tumahimik sa kabilang linya dahil sa sinabi ko.

(What do you mean?)

" Brieana already fall for him and I can't do anything about it ayaw niyang makinig sakin " Napayukom ko ang kamao ko.

(I just need your blessing and leave it to me) 

" Sige " If this is the only way para malayo kita kay Zero at hindi ka matulad kay Jamie gagawin ko.

•••

[Brieana's Point of View]

Tahimik lang kaming kumakain nina Mama. Minsan nagkakatama ang tingin namin ni Bryster pero agad din kaming mag-iiwasan.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay Mama. Pagkalabas namin ng pintuan ay nakita ko si Jacob na nakangiti habang kumakaway sakin.

" Good morning Brie " Bati niya sakin. Anong ginagawa niya dito?.  Napatingin ako kay Bryster para tingnan yung reaksyon niya. Naalala ko kasi yung sinabi niya sakin nung time na nakita niya kong kausap ni Jacob. I'm assume na magtatanong siya sakin ngayon pero hindi niya ginawa. Derederetso lang siyang lumabas ng gate at hindi pinansin si Jacob.

" Anong ginagawa mo dito? " Tanong ko kay Jacob pagkalapit ko.

" Sinusundo ka " Hindi naman niya ko kailangang sunduin.

Block ZeroWhere stories live. Discover now