" Yes your older than me but please act like my older sister " Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
" Ano bang gusto mong gawin ko?. How can I act like your older sister when your the one who is acting like the older one " sagot ko sa kanya.
" Ang isip bata mo kasi! " Inis na sabi niya sakin.
" Ano?! " Ako isip bata?. Baliw ba siya! Kailan ako naging isip bata.
" Akala mo kaya mong gawin ang lahat!. Na kapag hindi mo nakuha ang gusto mo magwawala ka. Napaka uto-uto mo!. Sinubuan ka lang ng scholarship sasabak kana sa gera! " Napayukom ang kamao ko sa sinabi niya.
" I'm not doing this for myself!. Pumayag ako para makatulong kayna Mama at Papa! "
" Kasama ba dun ang pagkahulog mo kay Zero! " Natigilan ako sa sinabi niya.
" Ano?. Hindi ka makapagsalita? " Inis niyang sabi sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at tinalikuran.
" Lumabas ka na " Seryoso kong sabi sa kanya.
" Hindi mo siya kilala Brie. Kung akala mo kilala mo na siya nagkakamali ka. Don't be swayed by his sweet gestures and sweet words. Ginawa niya na yun kay Jamie " Sabi ni Bryster bago lumabas ng kwarto ko.
Napaupo nalang ako sa kama ko at napahilamos sa mukha ko. Jamie? Si Jamie na naman. Sino ba talaga siya. Ano bang meron sa kanila ni Bryster. Ano bang ginawa ni Zero kay Jamie. Bakit napasama si Jacob at galit din siya kay Zero. Sino ba talaga si Jamie sa buhay nila.
•••
[Brsyter's Point of View]
I saw it nakita ko kung paano halikan ni Zero si Brie. I know Brie hate me for acting like an older brother kahit na siya ang mas matanda at dapat kong tawaging ate. Nasanay na kasi akong tawagin lang siya sa pangalan niya. Nasanay na ko na sa tuwing iiyak siya at nakikipag-away siya nung mga bata kami. Ako lagi ang nagtatanggol sa kanya at nagpapatahan. Mas matanda nga siya sakin pero isip bata naman siya.
Kaya siguro ako ganito ka protective sa kanya. Na isinasantabi ko na ako ang mas bata samin. Na dapat ako ang pangaralan. Ayoko lang naman siyang masaktan. Ayokong mapunta siya sa maling tao. Ayokong magaya siya kay Jamie.
" Bryster tawagin mo na ang ate mo kakain na tayo " Sabi ni Mama sakin. Napabuntong hininga naman ako at tumayo sa inuupuan ko.
" May problema ba anak? " Tanong ni Mama. Napansin siguro niya ang pagbuntong hininga ko.
" Wala Ma, pagod lang po sa practice " Tumango naman si Mama at ngumiti. Lumabas na ko ng kusina at tinahak ang hagdanan.
Nang makarating na ko sa tapat ng kwarto ni Brie, kumatok ako ng dalawang beses sa pintuan niya.
" Brie kakain na daw " Sabi ko mula sa labas ng pintuan. Naghintay ako ng sagot pero wala kaya napagpasyahan ko na umalis na pero pagtalikod ko ay siya namang pagbukas ng pintuan.
" I don't know why you hate him. I will not gonna ignore him because you said it. I'm sorry, alam kong nag-aalala ka sakin pero Bryster may sarili akong desisyon and will you please let me decide on my own " Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Okay fine bahala na siya sa buhay niya.
" Huwag ka lang lalapit sakin kapag sinaktan ka niya " Sabi ko bago tuluyang maglakad.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama ko. Nakakainis! Nakakainis na hindi agad ako kumilos. Dapat nung una palang pinigilan ko na si Brie na lumipat sa Block Zero. Ayoko lang maranasan niya yung naranasan ni Jamie.
Flashback
Kasalukuyan akong nagpapahinga pagkatapos kung maglaro ng basketball. Biglang tumunog ang cellphone ko, agad ko namang sinagot ang tawag ng makita ko kung sino ito.
YOU ARE READING
Block Zero
ActionHR in Action:#46 (09/22/18) #1-goodgirl (02/07/19) ••• Block Zero Isang Block na binubuo ng mga puro lalaking estudyante na suki ng Detention, Suspension at Gulo. Sila yung block na kinakatukan pagdating sa mga underground battle. They labelled th...
Block 9
Start from the beginning
