✖Chapter 29✖

Magsimula sa umpisa
                                    

'Tss...i need to cool my head. Grr'

Tumayo ako at nakapamulsang bumalik sa loob ng tent. Wala na sila Jake at Blake ng pumasok ako at tulog na din si Denice. Pero si Tiffany naman ay naglalaptop lang at mukhang seryoso siya. Nakakunot ang noo niya habang tutuk na tutok sa laptop niya.

'Mukhang hindi niya ako napansin. Psh.'

Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ko nalang ang earphone ko sa bag atsaka lumabas ulit ng tent. Bumalik ako sa pwesto ko kanina 'saka ko sinalpak sa tenga ko ang earphone ko. Music ang nagpapakalma saakin at nagpapalamig ng ulo ko palagi.

'At ngayon, kaylangan kong magpalamig ng ulo dahil sobrang hot ng mga problema at niluluto nun ang utak ko..tsk..'

(Now playing: hawak kamay by Yeng Canstantino.)

Pinagsalikop ko ang mga kamay ko saka ko ito ipinatong sa mga tuhod ko.

*minsan madarama mo kay bigat ng problema..
Minsan mahihirapan ka at masasabing 'di'ko makakaya'.*

Nirelax ko lang ang utak ko at sinubukang alisin lahat ng nasa isip ko.

*tumingin ka lang sa langit.
Baka sakaling may masumpungan.
O di kaya'y ako'y tawagin...*

"I have to go. By the way yout voice us good."

Sa hindi inaasahan ay bigla ko naman naalala yung unang beses na nakausap ko si Tristan. Parang lumitaw sa apoy ang mga imahe noong una kaming nag-kita, nagkausap at nung unang nagtama ang mga mata namin. Napakurap ako at hindi nakagalaw sa kinauupuan ko.

**flashback**

Paglabas ko ay nagulat ako ng makita ko si tristan sa gilid ng pinto. Nang makita niya ako ay bigla niya akong hinila at sinandal sa pader tapos ay kinorner sa mga braso niya. Nakatingin lang ako sakanya ng may pagtataka sa mukha.

"Sino ka ba talaga Yvonne??"seryosong tanong niya saakin. Napaiwas naman akong ng tingin dahil sa paraan ng pagtingin niya saakin.

Sasagot na sana ako ng boglang may humila saakin. buti nalang at naiwasan ko ang braso ni Tristan. Nung bigla namang nahawakan ni Tristan yung kaliwang kamay ko tapos sa kanan naman yung isang humihila saakin. Tinignan ko kung sinong may hawak sa kana kong kamay at nagulat ako ng makita si Alex na masamang naka-tingin kay Tristan.

Ganun din naman si Tristan kay Alex. Parang may kidlat sa gitna nila kung magtitigan sila. Mahigpit na din yung hawak nila sa magkabila kong kamay.

"T-teka, ano bang problema niyo?" Takang tanong ko sakanilang dalawa habang palipat lipat ang tingin ko.

"Manahimik ka dyan!" Sabay nilang sabi. Ay sabay talaga? Grabe ah! Nanahimik nalang ako. Sabi nila e. Yumuko ako dahil pagod na ang ulo kong palipat lipat ang tingin sakanila.

"Anong kaylangan mo sakanya?"cold na sabi ni Tristan kay Alex.

"Wala ka ng pake alam dun. So back off."cold at madiin na sabi naman ni Alex kay Tristan.

**End of flashback**

'Anak ng... Bakit nasali si Alex?'

[>>__<<]

Iniling ko ng paulit-ulit ang ulo ko habang nakapikit ang mga mata.  Napahilot pa ako sa sentido ko na pakiramdam ko ay sumasakit na.

'King ina! Ano bang nangyayare sa'ken?'

She's The Vampire Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon