Chapter Thirty-One - Wedding

Start from the beginning
                                    

Kung sa bagay mas okay nga na huwag dumalo. Ang mahal kaya ng minimum na cash gift. Tatlong lapad ang binigay ko sa kanila. Minimum amount. Odd number. Si Brian naman ay nagbigay ng two hundred ten thousand yen o dalawampu't isang lapad. Odd number din. Ayon kasi sa pamahiin nila kapag divisible by two, mauuwi sa rikon o diborsyo ang marriage. Kaya bawal ang even number.

Nang matapos ang photoshoot sa chapel ng hotel, pumunta na kami sa reception hall. Dahil wala pa naman ang couple, niyaya ako ni Rhea na pumunta sa ladies' room para makapagtsika.

"How was the ceremony?" tanong agad niya.

"A little weird," sagot ko naman at kinuwento ko kung paano ang ginawang seremonya. Natawa siya. Ganun daw talaga dito sa Japan. Masanay na raw ako.

"Who would believe it? My God! I never thought Gary and Maiko would end up together. I wouldn't be surprised if it was Liam."

"Yeah. When Brian told me the baby's not his, I thought it was Liam's, too. But he just laughed when I told him that," sabi ko naman.

"But there was a time when I found Maiko leaned on Gary. I mean, literally. Remember, the welcoming party we had for you, guys?"

Pano ko makalimutan yon? First time kong nakahalubilo si Maiko nun. At nakita ko pa kung paano nagpakalasing.

"What about it?" tanong ko.

"When Gary sat beside her, automatically she put her head on his shoulder. That was when Brian was busy moving around talking to the new IETs."

Oo nga! Naalala ko na. Pero nung mga panahong yon, naisip ko lang na close silang dalawa dahil best friend nga ni Gary si Brian.

"Well, sometimes you can't trust your best friend," sagot ko.

Napatawa si Rhea. "Speaking from experience?" Naikuwento ko rin kasi sa kanya ang nangyari sa akin noon.

"Well, at least you don't have any problem now, right? That's the most important thing," at napahagikhik ito.

Nang bumalik na kami sa reception hall, tamang-tama lang dahil makalipas ang tatlong minuto ay pumasok na ang couple. Talagang sobrang saya ni Maiko. Nag-uumapaw. Ngingiti-ngiti lang si Gary. Medyo asiwa pa rin siguro. Dedma lang naman kaming mga kasamahan niya. Kahit nga si Brian.

Si James, isa sa mga close friends ni Gary ang emcee sa reception. Una niyang tinawag si Brian para magkuwento ng love story ng couple. May kasama pa itong slide show ng important moments ng newlyweds. Talagang bilib ang karamihan kay Brian dahil he's a good sport daw. Wala kasing bitterness sa boses habang nagsasalita.

"To be honest, I don't feel any resentment towards my buddy, here," ang sabi habang tinuturo si Gary. "He's like a brother to me. And --- if ever there's someone I would give Maiko to, that would be him. I know my ex-fiancee would be a lot happier with him than any other guy in this room."

Nagpalakpakan ang mga guests. Touched sila sa speech ni Brian. Bihira lang daw ang ganyang lalaki na taas-noo pang humarap sa mga bisita gayong parang naisahan siya ng isang kaibigan. Ako lang ang nakakaalam ng totoo. Actually, kaming dalawa ni Brian. Bukod siyempre sa dalawang ikinasal.

Natanong ko nga, pano siya nagpropose kung ganung parang hindi naman siya in love kay Maiko in the first place? Dumating lang daw sa puntong nagsawa siya sa kapapalit ng girlfriend kaya he made a pact with fate na kung sino mang girlfriend niya ang kanyang makakasama sa pag-akyat sa Mt. Fuji ay siya niyang pakakasalan. Two weeks before New Year's Eve, inakyat nila Maiko ang nasabing bundok. Unlike his other girlfriends, si Maiko lang ang successful na nakaakyat hanggang sa tuktok. Ang iba kasi'y sumuko sa kalagitnaan ng pag-akyat. Kaya right there and then, nagpropose na siya sa babae.

"Do you think Gary is really in love with her?" anas ni Rhea sa akin.

"I think so," bulong ko naman. "Actually, Gary was in love with her long before Brian and Maiko started dating.

"Really?" Di makapaniwala si Rhea. Ako nga rin nung una kong marinig ang kuwento kay Brian ganun din ang reaksyon ko.

"Don't you know that it was Gary who introduced Maiko to Brian?"

"For real?" namilog na ang mga mata ni Rhea. "Wow! I have known Gary for a long time but I didn't know that."

"I think you wouldn't care about that little info, anyway. If it didn't end up this way, I think I wouldn't care much, too," sabi ko naman.

Tumangu-tango si Rhea.

Mayamaya pa, humudyat na ang emcee na magbibihis na raw ang bride and groom into a traditional Japanese wedding attire. Nagulat ako dun. May ganun? Pinaliwanag sa akin ni Rhea na ganun daw talaga. Kapag Western-style ang kasal, papasok sa reception hall ng nakaputing wedding gown ang bride. Pagkatapos daw ng ilang sandal magpapalit na ito into their traditional wedding dress – iyong kimono.

Lumapit na sa table namin si Brian. Tapos na ang kanyang role. Kinamayan ito ni Rhea. Biniro pa.

"How are you holding up, buddy?"

"Never been better," makahulugang sagot nito.

"I know!" at humagalpak ito ng tawa bago niya ako sinulyapan nang makahulugan. Medyo nakaramdam ako ng pagkaasiwa. Hindi ko pa nasasabi kay Rhea na may nangyari na sa amin ni Brian. Sana hindi niya nahalata.

"So when are you guys, getting --- you know?" nakangiting biro sa amin ni Rhea.

Nagtinginan muna kami bago sumagot si Brian ng, "When the right time comes."

"Am I invited?" hirit uli ni Rhea.

"We'll think about it," ganting biro naman ni Brian.

Sinimangutan kunwari ito ni Rhea bago hinampas nang pabiro sa balikat.

Kinikilig naman ako nang maisip na ikinakasal kami ni Brian. Sana mangyari rin yon in the near future.

Napa-'ah' and 'oh' ang mga tao nang pumasok na uli ang bride and groom sa reception hall. Ang ganda ng kimono ni Maiko. Si Gary ay nakasuot din ng traditional Japanese wedding attire. Ang weird nga tingnan dahil puti siya. Pero ang importante naman, happy sila.

Napalingon ako sa bag ko nang marinig ko itong nag-vibrate. Hindi ko natiis. Binuksan ko at kinuha ang cell phone. Umilaw ang gmail icon ko. Si Benz. May email sa akin. Tiningnan ko ang mensahe. Maikli lang ito pero kumunot ang noo ko.

"Anton came to my boutique today. He asked me if it's true that you're getting married. Is there something that you're not telling me about, Alexandra Marquez?" May himig pagtatampo sa mensahe ng bakla. Ganun siya kapag may sama ng loob sa akin. Binabanggit niya ang buo kong pangalan.

Pano naman nakarating ang ganung balita kay Anton? Susko. Pinapangunahan ako. At ano naman ang pakialam niya?

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Where stories live. Discover now