A Little Spark.

78 3 1
                                    

"Ganyan ba talaga ginagawa ng may sakit?" taas kilay si Anne habang papalapit kay Cody.

Hindi sya tinignan ni Cody, nakatutok ito sa t.v habang kumakain ng junk food.

"Ano ka ba? ang boring kaya dito!"

sagot ni Cody habang puno ng junk food ang bunganga nya.

Anne rolled her eyes at inagaw ang hawak ni Cody na junk food.

Nagulat si Cody.

"Ano ba? ibalik mo nga sakin yan!" pilit inaagaw ni Cody ang junk food kay Anne.

"Wag kang makulit baka maupakan kita ulit." masungit na sabi ni Anne kay Cody habang binabasura nya mga junk foods ni Cody na nakakalat sa lamesa.

Tinignan ni Anne ng masama si Cody at hindi naman nakapagsalita si Cody at kinuha na lang ang remote habang nanunood ito.

Lumapit si Anne sa pintuan at nilock ito. Nagulat naman si Cody at nagsmirk kay Anne....

"Why lock the door?" tanong ni Cody at nag-grin..

"For you to be safe.." cold na sagot ni Anne.

"May pagnanasa ka sakin? I only kissed you once and you fell for it. I knew it!" confident na sabi ni Cody kay Anne habang si Anne naman ay namula...

"Gusto mo bang makabalik sa bahay mong buhay o gusto mong mapunta sa morge mamaya?" nang-gagalaiting sabi ni Anne kay Cody..

"Wag ka na mahiya... pero virgin pa ko ha?" banat ulit ni Cody sa umaapoy na Anne.

Lumapit si Anne at kwenelyohan si Cody..

"Anong sabi mo? wala kong intensyon na galawin yang nakakasuka mong katawan. Ha? naiintindihan mo?? nagkakaintindihan ba tayo maniac?" taas kilay na sabi ni Anne kay Cody na halatang sobrang galit.

Nanginig naman si Cody at sumagot nang "Yes mam!" binitawan ni Anne ang damit ni Cody..

"Bakit ka ba nandito? Miss mo ko?" biglang tumingin si Cody kay Anne iniwasan naman ni Anne ang mga mata ni Cody..

"Hihirit ka pa eh..." inis na sabi ni Anne.

"Sorry.. but seriously? why are you here inutusan ka ba ni Dad?" biglang naging seryoso si Cody..

"Oo bantayan daw kita at tignan kung totoo bang nasaktan ka" pagrarason ni Anne.

"Tsk. that old man. May oras pa pala para ipamonitor ako" sabi Cody habang random na nililipat ang channels sa t.v

Nang biglang may kumatok nang malakas sa pintuan.. Nagulat si Anne at napahawak sa kanyang bulsa kung nasaan andoon ang kanyang baril.

"Ano ba! hindi ako tumatanggap ng bisita! get lost!" sigaw ni Cody..

Sumenyas naman si Anne ng "shhh" kay Cody..

Papalapit si Anne sa pinto at dahan-dahang hinawakan ang door-knob...

"Sino ka? nurse ka ba?" tanong ni Anne.

Nang may sumagot na lalake..

"No. andito kame para dalawin si Sir Reyes" sagot ng malalim ang boses na lalake ...

Nagsuspetsya si Anne.. "Teka bubuksan ko na ang pinto..." nakahanda ang kamay ni Anne na hugutin ang kanyang baril.. binuksan nya dahan-dahan ang pinto..

May kutob syang mga sindikatong puntirya si Cody ang mga ito.. Bigla nyang binuksan ang pinto, ilalabas na sana nya ang kanyang baril nang makita nya ang napakagandang babae katabi ang formal ang suot na lalake, gwapo at nakasalamin..

Protecting Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now