"GIRLFRIEND"

159 5 0
                                    

Anne's POV

Alas 6 ng umaga, kahit ayoko pa, pinilit kong bumangon.Dumiretsyo ako sa banyo kahit nakapikit pa ko. Halos mauntog na ko sa pintuan sa sobrang antok ko pa, pinipilit ko ang sarili ko na maging alerto.

Kinuha ko ang toothbrush at toothpaste .Binuksan ang faucet. Tinatamad talaga ako, minulat ko ang kaliwang mata ko at napatingin sa salamin.
Haissst may muta pa ko, agad-agad ko tong inalis. :D Tinitigan ko lang ang muka ko sa salamin

sabi nila muka daw akong tomboy, paano ba naman ang ikli ng buhok ko, laging nakasando o t-shirt at idagdag pa ang jeans, eh sa ayoko ng kaartehan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

sabi nila muka daw akong tomboy, paano ba naman ang ikli ng buhok ko, laging nakasando o t-shirt at idagdag pa ang jeans, eh sa ayoko ng kaartehan. Simula noong bata pa ako ganito na buhok ko. Naalala ko pa si uncle basta humahaba buhok ko pumupunta kaming salon, lagi nya sinasabi "Bagay mo ang ganitong buhok, iha. muka kang matapang," sabay hahawakan ang mga pisngi ko at ngingiti. Hanggang sa nasanay na ko, ginusto ko na din ang buhok ko, ang suot ko, wala kong paki kahit anong sabihin nila, kahit pa tawagin akong tomboy... subukan lang nila, uupakan ko sila. HAIIISSSHT!!!!!

Naghilamos na ko at diretsyo sa shower.... Pagkatapos ko maglinis ng katawan, bumalik ako sa kwarto ko. Pinupunasan ko buhok ko nang may nakita akong nakaplastick na damit sa sofa, plantsado at maayos. Sa sobrang alerto ko kinuha ko ang baril sa drawer ko. Nilapitan ko ang damt at dinouble check, nakita ko ang isang note. "Eto ang isusuot mo sa mission mo, wag kang magpapalate. Goodluck--- UNCLE". Huminga ako ng malalim ng nalaman kong galing lang pala kay uncle. Kinuha ko ang damit at umupo ako sa sofa. Nang ilabas ko iyon sa plastick na kinalalagyan nya, lumantad sa harap ko ang isang uniporme. Dalawang blouse, isang ID,dalawang blazer at dalawang skirt. Ahhh. eto lang pala..

0_0 tekkka..

SKIRTTTTT? magsu--susuot ako ng skirt? napalo ko noo ko ng napaisip ako dun, ano ba to!!! napasubo ako, ayaw na ayaw ko magsuot nito! NEVER AKO NAGSUOT NITO!!!! Pero mission ito, para sakin first priority : "FINISH YOUR MISSION"

Nagmadali akong isuot ang damit. Saktong-sakto sa katawan ko, pero ewan ko lang muka pa din ata akong lalaki na nakasuot ng pambabae??? Oh this is really ridiculous!!!!! Inayos ko ang buhok ko at dirediretsyo sa dining room, pagdating ko doon may nakita nanaman akong DALAWANG NOTE.

"Nagdinner na kami, just eat and goodluck :) ---UNCLE" napangiti ako at dinampot ang loaf bread sa plato.. binasa ko ang isang note..

"Oy, tomboy! nakikain na ko dito, late ka na pwede bilisan mo??? -- Jake" Wow kahit kelan ang yabang...

Binilisan ko na lang lamunin yung loaf bread at inumin yung juice, kinuha yung nakita kong bag-pack sa sala at lumabas ng bahay,

Nakashades ako ngayon, tirik ang araw eh. Sumakay ako sa motor ko at dumiretsyo sa address na binigay sakin..

7:30 am Ipinark ko yung sasakyan sa parking lot ng University, habang tinatanggal ko helmet ko napatingin ako sa paligid ko, sa kaliwa may magsyotang naghahalikan sa labas ng kotse. Yung malanding babae nakalean sa gilid ng kotse habang 'tong ugok na lalaking to, minamanyak yung girlfriend .. Napatingin sakin yung babae at inirapan ako. Naglakad ako papasok ng University, maganda naman, kaso parang madaming malalandi dito -_-. Sa kanan ay mga babaeng kasali sa cheersquad nagtatawanan, halatang nagbubulungan at pinagtitinginan ako. Diretsyo lang ako sa paglalakad ng may humarang sa akin.

Protecting Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now