" Anong gusto mo Brie? " Tanong ni Jacob.

" Yung lagi kong binibili " Tumango si Jacob at pumunta na sa counter.

Napatingin naman ako kay Yana. Bigla ata siyang tumahimik at nawalan ng gana.

" Yana " Tawag ko sa kanya. Para naman siyang nagulat sa pagtawag ko sa kanya.

" Okay ka lang? " Tumango naman siya sakin at ngumiti. Pero feeling ko may iniisip siya. Ako rin meron pero hindi ako sure sa naiisip ko.

" Nga pala Yana ano na palang nangyari sa inyo nung ex mo? " Tanong kay Yana. Napatingin naman siya sakin.

" Ah...Wala na kong balita sa kanya eh " Sagot ni Yana.

" Yana what if makipagbalikan siya sayo tatanggapin mo ba siya ulit? " Tanong ko sa kanya. Napakunot naman yung noo ko nung tumawa siya.

" Hahaha Anong nakain mo Brie. Seryoso Brie bakit bigla mong natanong yan almost 2 years na kaya " Sagot niya sakin.

" I just thinking what if I'm wrong " Sabi ko kay Yana na dahilan para mapatigil siya sa pagtawa.

" What do you mean Brie? " Tanong niya sakin.

" Paano kung mali pala yung pinayo ko sayo. What if you don't listen to me and until now your still happily in a relationship with him. Na naayos niyo yung hindi niyo pagkakaunawaan " Umiling siya sakin at ngumiti.

" Brie hindi ako nakipag break sa kanya dahil lang sa sinabi mo. Kung alam mo lang ilang beses kong tinanong ang sarili ko. At ilang beses akong umatras abante sa desisyon na gagawin ko. I choose to break up with him because I think it is the best for the both of us " Sagot niya sakin. Nagkamali ako. Akala ko pwede pa. Akala ko may something parin siya kay Kevin. I'm sorry Kevin.




Napabuntong hininga ako. Hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi ni Yana. Hindi ko maiwasang hiindi ma-guilty kahit na sinabi ni Yana na hindi siya nakipagbreak dahil lang sa sinabi ko. Hindi ko alam pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

" Class dismiss " Napatingin ako kay Mrs. Trono na lumabas na ng classroom.

Hindi ko manlang namalayan  na awasan na pala. Napatingin ako sa dalawang katabi ko na inaayos na yung mga gamit nila.

" Pupuntahan natin si Kevin " Sabi ko kayna Clad at Neo na akmang tatayo na.

" Diba gagawa tayo ng project natin ngayon Brie? " Sabi ni Neo.

" May gagawin pa ko Brie! Bukas ko nalang bibisitahin si Kevin " Sagot naman ni Cald at nagtatakbo na palabas ng classroom at sumabay kay Rocky.

" Tayo nalang Neo " Sabi ko kay Neo. Bigla namang ngumiti siya ng malapad labas pa ngipin. Lakas ikaw na endorser ng Colgate.

" Sinasagot mo na ba ko?. Teka hindi ka pa nga nanliligaw sakin eh. Pero madali naman akong kausap sige tayo na! Kiss mo ko dali " Halos malukot ang mukha ko sa itsura ngayon ni Neo. Mukha siyang bebe!. Pipitikin ko na sana yung nguso niya na may kamay na dumampot sa kwelyo niya dahilan para mabuhat siya palayo sakin. It was Zero.

" When are you going to grow up " Sabi nito pagkababa kay Neo. Napa pout naman si Neo.

" And you " Napaturo ako sa sarili ko sa sinabi ni Zero. Ano na namang ginawa ko. Lumapit siya sakin at pinantayan ako sa gilid ko.

" I'm fvcking jealous " Bulong niya sakin bago ako lagpasan. Tenge na yung puso ko. Anong ginagawa mo sakin Zero.

" Were going to see Kevin let's go " Rinig kong sabi ni Zero.

" Brie! Tara na ayaw pa naman ni Zero na pinag-aantay siya " Sabi sakin ni Neo bago ako hinila palabas ng room.

Nang makarating kami sa parking lot ay naiwan akong nakatayong mag-isa. Kanya kanya kasi sila ng kotse. Nahiya naman ako kung basta nalang akong susunod sa kanila. Okay lang naman akong sumabay sa kanila kung yayayain nila ako pero syempre maliban kay Zero.

Block ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon