Chapter 20

86 4 0
                                    

Hindi ako nakapag-enjoy sa party na pinuntahan namin ni detective dahil bukod sa hindi kami nagtagal ay mukhang beast mode pa sya.

Hindi ko nalang sya kinulit at ako na rin ang nayayang umuwi. Pumayag sya agad kaya nakauwi rin kami ng maaga that night.

At ngayong araw, any katuparan ng usapan namin ni Romano na magkikita at pipirma na ako sa kasulatan na binibigay na sa kanya ang lahat ng ari-arian namin. At syempre, sasabihin na nya kung nasaan si Daddy.

Sa conference room ng Double H incorporation ang sinabi nyang meeting place namin. Huminga pa muna ako ng malalim bago ayusin ang suot kong salamin.

Kusang bumukas ang conference room kahit na nasa labas palang ako at hindi kaaya-ayang mukha ni Alanna ang bumungad sa akin, nasa tabi nya si Romano na nakatingin lang sa akin.

"Maupo ka." Alanna smiled and I did. I sat accross them with my head held up high.

"Kailan pa nagkaroon ng sira yang mga mata mo?" Kuya Romano asked sabay turo sa suot kong salamin.

At taliwas sa kaalaman nilang lahat, ang suot kong salamin ay isang camera na kasalukuyang pinapanood ngayon sa opisina nila detective Park.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." I ignored what he asked. "Nasaan si Daddy?" Tanong ko kay kuya.

"Well—"

"I'm talking to my brother." Before Alana could even say a thing ay pinigil ko na sya.

"Pumirma ka muna, Hennerietta." He said sabay abot sa akin ng ballpen at ang mga iba't ibang dokumento.

Kinuha ko naman yun pero bago tuluyang pirmahan, muli ko syang tinignan.

"Nagtataka lang ako kuya." I started. "Kukunin mo na ang lahat ng ari-arian at yaman na meron ako. Bakit kailangan mo pa akong idiin sa kaso mo?" Tanong ko at ngumisi pa sya.

"Dahil kapag inamin mo na ang kasalanan ko, hindi na sila mag-uusisa at mag-iimbestiga pa sa kasong yun." Sagot nya.

"Pero ikaw ba o si ang babaeng ito ang pumatay sa kanila?" Muli kong tanong.

"Why suddenly asking it?" Tanong ni Alanna. "Pero dahil nagtanong ka na rin, ako ang pumatay kay Rita. Ako ang naglagay ng lason sa inumin nya at ako rin ang sumaksak sa kanya." Nagmamalaking sabi nya at muntikan ko na syang pagtawanan sa katangahan nya.

"At ako ang pumatay sa manloloko at mukhang pera mong boyfriend mo na pinapaikot ka lang." Sabi ni kuya Romano. "Alam mo yung regalo mo sa kanyang worth a half million na tie? Yun rin ang ginamit kong pansakal sa kanya bago sya paulanan ng saksak." Nakangising sabi pa nya.

"Nakakatawa pa kung paano namin itago ang murder weapons but at the end, I can say that we did a good job." Sabi pa ni Alanna.

"Pirmahan mo na." Muling sabi ni Romano sabay turo sa dokumento sa harapan ko.

I signed it all but before I hand it to them ay tinignan ko pa muna sila. "So where's daddy?" Tanong ko at nagkatinginan sila bago sabay na tumawa.

"Ang tanga mo lang Hennerietta na hindi nadiskubre na nasa basement lang sya sa mansyon nyo." Sabi ni Alanna.

"Nasa basement?" Ulit ko na hindi makapaniwala at tumawa sila.

"Yes, dear."

"Madali ka lang palang kausap, Hennerietta." Nakangising sabi ni kuya at ngumiti ako.

"Oo naman, kuya." Sagot ko at mabilis syang nagtaka sa ngiting pinakita ko. Tumayo ako habang hawak parin ng mahigpit ang mga dokumento.

"What are you doing?" Nagtatakang tanong ni Alanna.

The Murder Suspect (COMPLETED)Where stories live. Discover now