BB 1

118 6 0
                                        

FELIX

Ilang sandali matapos kong makita ang bulletin board kung saan nakasulat ang pangalan ng lahat ng estudyante this year at kung anong sections nila ay umalis na ako sa lugar na iyon para simulang hanapin ang classroom ko.

"FELIX!!" sobrang nagulat ang katawang lupa ko sa narinig kong sumigaw ng pangalan ko

Nang lilingunin ko na ang boses ng babaeng tumawag sa akin ay bigla naman ako nitong dinamba para akbayan. Medyo harsh yung pa-akbay ha! Wag ganorn.

"Pinaglihi ka talaga sa eskandalong babae ka.. Anong section mo sis?" pagkausap ko kay Karina, yung friend ko, sa pagkaka-alala ko

Tuwang-tuwa naman nitong binalita na magka-kaklase kami. "Ay ganon? Ano ba naman yan! Kapag minamalas talaga si ako!!" kunware ay asar kong sabi

Pikon-talo naman kahit kailan sa Karina kaya wala kaming ibang ginawa sa daan habang hinahanap ang room namin kung hindi magraskalan. Ang hyper nya mga bes, baka na-overdose nanaman sa Enervon. Gets ko namang idol nya si Anne Curtis pero hindi nya naman kailangang lumaklak ng isang buong bote ng Enervon na ini-endorse ni Anne.

"Building 3, Room 14" pagbabasa ni Karina sa sign na nasa taas ng room namin, ba't kailangang basahin? Char.

Sa apat na taong pag-aaral ko dito sa Kingston Academy mga besh, hindi nila ako dini-disappoint sa quality rooms, aba'y dapat lang no, hindi barya barya ang binabayaran ko dito, i mean ni Mama. Bumungad sa amin ang isang average-looking room na walang pinagkaiba sa classroom ko last year. Air-conditioned rooms, tapos unlike sa public schools na kung ano-anong kaje-jejemonan ang naka-vandal sa desk ng mga upuan ay malinis at bakal ang mga desk namin at hindi rin papakabog ang whiteboard namin na may stock na kaagad ng markers.

Pumasok kami ni Karina sa classroom at agad na naghanap ng mga mauupuan. Medyo nagulat pa ako ng makita si Andrea Valdez kasama ang kanyang mga barkada sa dulong parte ng room sa kanan. Mayroon lang kaming hindi magandang nakaraan ng babaeng yan kasi sya ang major bully ko nung sophomore ako. Kasalanan ko bang naakit sa kagandahan ko ang ex-boyfriend nya? Atleast binasted ko yung jows nya para naman hindi madurog ng tuluyan ang pagkababae nya.

Isang tipid na ngiti ang binigay ko sa kanya para naman hindi ako masabihang hindi pa nakaka-move on. Atleast natuto akong lumaban dahil sa kanya.

Nakita kong doon umupo si Karina, hindi ko sya masisi kasi magkaklase sila ni Andrea sa ikatlong section last year. Naging close ata sila dun. At nagsi-angatan sila this year kaya magka-klase kami sa ikalawang section. Hindi naman kasi ako masyadong smart, purely ganda lang talaga. Kaya maintained ko ang second section, hindi na masama no.

Binibigyan ako ni Karina ng mga tinging parang hinihintay nyang umupo ako sa tabi nya. But hell NO. Tipid akong ngumiti sa kanya at umiling. Nilapitan naman ako nito siguro para kausapin.

"Ayaw mo dun mamshie? Akala ko okay na kayo?" usisa naman nito

In-explain ko na lang sa kanya na even though okay na kami, ata, still awkward pa rin para sa akin na lumapit sa kanila matapos ang lahat ng pangbu-bully na naranasan ko. Hindi naman kasi ako dakilang martir ano. Kaya naman matapos ang ilang sandali ng pagkausap kay Karina at pagpapa-intindi dito na keri lang kung hindi sya tumabi sa akin, naayos din naman, guilty na guilty kasi ang lola nyo. Naglibot na lang ako ng sightchi sa buong room para maghanap ng trono. Trono daw?!

Ang ideal kong upuan out of these 45 seats ay yung malapit sa bintana, yung malayo sa mga kaklase kong nagiging giraffe kapag may exam at hindi rin pansinin ng teacher kasi may habit akong gumamit ng phone kapag bored ako sa klase. Kaya let's start na tumingin sa tabi ng bintana.

BULAKBOLStories to obsess over. Discover now