Hope32

120 14 0
                                    

Kian's POV

"Hindi pa nakakalayo yun! Isa pa, mahabang kalsada ang lalakarin nya lalo na't wala syang sasakyan." Sabi ni Xyna. Nagaalala na kaming lahat para kay Hope. Kailangan agad namin kumilos dahil dalawang araw nalang, mabobomba na ang Luzon.

Hope, nasaan ka na ba?

Hope's POV

Nagising ako dahil sa malamig na hanging sumalubong sa katawan ko.

Nasa ospital ba ako?

Nilingon ko ang magkabilang gilid ko at nakita ko sina mommy.

Anong nangyari?

"Mommy..." Tawag ko. Nanghihina ang buong katawan ko na para bang binugbog ako ng tatlong bouncer. Ugh!

Unti-unting iminulat ni mommy ang kanyang mga mata. Parang hindi sya makapaniwala sa nakikita nya kaya ginising nya si daddy.

"Horren, wake up."

"Hmm-"

"Our daughter. She's awake." Napabalikwas si daddy sa narinig nya kaya agad syang tumayo at pumunra sa tabi ko.

"Mommy, daddy, anong nangyari?" Nagkatinginan silang dalawa bago mag salita.

"Anak, you've been in a coma for three years." Wait what? Three years? Paano nangyari yun?

Pinilit kong alalahanin yung huli kong naaalala bago ako mapunta sa ospital pero wala akong matandaan.

"Hope, hindi namin alam kung anong exact na nangyari noong araw na yun pro we're told na nagkaroon ka ng internal bleeding sa ulo mo." Pagpapaliwanag ni mommy.

"And anak, we are so blessed dahil ikaw ang unang nagising sa inyong lahat." What does he mean? By that?

Argh! Ang sakit na naman ng ulo ko!

"18 students kayo na pare-parehas na na-coma. Iba't ibang drugs ang itinurok sa inyo para magkaroon ng reaction ang brain activity nyo. Luckily, yung drug na tinurok sayo yung compatible na drug para sa sakit nyo." Dugtong ni mommy. Hindi parin makain ng utak ko lahat ng sinasabi ni mommy.

"Mommy, pwede ba natin sila puntahan?" Tanong ko. She looked surprised sa sinabi ko pero pumayag na rin naman sya.

HOPEWhere stories live. Discover now