Hope13

172 18 2
                                    

Kian's POV

"H-Huwag kang lalapit!" Binilisan ko ang pagtakbo ng kotse ni Hope pabalik sa store nang marinig ko yung tunog na yan mula sa radyo.

Wrong timing pa 'tong bulto ng mga zombie dahil nakaharang sila sa daan tapos ang dami pa nila.

Tsk. Mukhang may napagpiyestahan na naman 'tong mga halimaw na 'to.

Iniwasan ko nalang sila para hindi na ako mapasabak kasi nga nagmamadali ako diba?

"Gruuugh"

Puta. Ang bagal parin ng takbo nito.

"Hello?! Hope?! Ayos ka lang jan?! Papunta nako, don't worry!"

Isang kilometro nalang, Hope. Malapit na ako.

Sana naman okay lang sya dun. Ang tanga tanga rin naman nung hopeyang yun e. Bakit naman naisipan nyang magpapasok ng zombie?! Ano? Papakamatay nalang sya?

Pumreno ako ng malakas at wala sa oras dahil biglang may tumawid na kung ano sa kalsada. Makakapatay pa ako neto e.

Bumaba ako ng kotse tapos sinilip ko yung gustong magpasagasa. Tutuluyan ko talaga 'to pag dagang malaki lang  'to.

Kaso iba ang bumungad sakin. Aso sya na japanese pitch. Ang laki na nya. Abot hanggang tuhod ko na.

"Kawawa ka naman. Nasan amo mo?"

"Arf Arf"

"Gusto mong sumama sakin?"

"Arf"

Bumalik ako sa kotse habang sinusundan nya ako kaya pinaupo ko sya sa may likod.

Habang umaandar ang kotse, may nadaanan kaming gasoline station. Pinuno ko na yung tangke para hindi na dumagdag sa poproblemahin ni Hope 'to.

Walang anu-ano'y may narinig akong mga ungol mula sa loob ng cashier. Lumakas na ng lumakas ang mga ungol dahil parami na din sila ng parami.

Shit shit shit

Hinayaan ko lang na kumalat yung gasolina sa dadaanan ng mga zombie bago ako bumalik sa driver's seat. Kamalas malasan nga lang, may umabot pa na zombie sa labas ng kotse.

Umaalulol yung aso dun sa zombie hanggang sa maging malungkot na ang tono nito. Hinabol pa nga ng tingin yung zombie nung naiwan sa likod e.

"Yun siguro yung amo mo no?"

Humiga sya sa tabi ng unan bago ako kinahulan.

"Arf!"

Naging zombie na pala yung amo nya. Kawawang tunay talaga 'tong asong 'to.

"Hmm wag kang mag alala. Simula ngayon ako na ang amo mo. Okay?" Mukha nakong tanga dito na kinakausap yung ako. E ano naman? Sumasagot naman sya ah?

...

Nakarating din kami sa store bandang hatinggabi na. Medyo maraming mga zombie ang nakapalibot sa labas ng store kaya pahirapan ang pagpasok namin.

Kumuha ako nung malakas na siren na mukhang laruan saka pinaingay yun. Tinapon ko sa malayo tapos nagtago para hindi kami mahalata. Pati na rin yung aso, nagtago sa sahig ng kotse.

Sinenyasan ko yung aso na wag maingay kahit hindi nya ako maintindihan bago ko pinaandar ulit yung sasakyan.

Pagbaba ko, dinala ko na agad lahat ng mga kinuha ko sa sm tapos kumatok sa pinto.

Buti nalang narinig agad ni Hope yung katok kaya agad kaming nakapasok.

"Oh my god! Bakit may dala kang aso?!" Niyakap nya yung pusa nyang mataba tapos nagwalkout. Problema nun?

HOPEWhere stories live. Discover now