Chapter 24: Kasi wala lang

2M 55.8K 15.4K
                                    

Ken's Point of View


"I-Ice?" Nagtatakang tawag ni Sab kay Ice.

Napahinto naman sa pagtatawanan ang dalawa at napatingin sa direksyon namin. Mukhang nagulat si Ice na makita kami samantalang si Zoe ay lumaki ang ngiti.

"Oh, hi! Nandyan na pala kayo. Ang aga niyo naman. And you even brought the boys here. Naglunch na ba kayo? We cooked food. Maramirami rin 'to," sabi niya at tumayo sa kinauupuan niya para ayusin ang lamesa para sa amin.

Nang hindi kami sumagot ay natigilan siya at lumingon ulit sa amin. "What's wrong with you? Mukha kayong mga ewan dyan. Nakatayo lang kayo. Umupo na kaya kayo dito. Ayos lang ba kayo?"

Nagkatinginan naman kaming anim. Kaming tatlong lalaki ay pareparehas nagtatakang umupo samantalang 'yung tatlong babae ay nag-offer ng tulong kay Zoe.

Pagkatapos nilang maghain ay umupo na rin sila at nagsimula nang kumain except kay Zoe at Ice na tapos na.

"What did I missed guys?" tanong ulit ni Zoe at pambabasag na rin ng katahimikan.

"Si Ayu and Ken isinali sa quiz bee para sa buong region," sagot ni Yannie.

"Talaga? Wow! Congrats! And goodluck na rin. Alam ko namang kaya niyo yan."

"Thanks,"sabay na sagot namin ni Ayu.

Nagulat na lang kami ng biglang tumayo si Sab at pumadyak padyak, "Ayoko na! Ayoko na talaga!"

"Ganu'n na ba kasama lasa ng niluto namin ni Ice?" tanong ni Zoe saka kinuha ang malinis na kutsyarang katabi niya at saka 'yun pinangtikim. "Ayos naman ha."

"Hindi naman 'yung pagkain ang sinasabi ko, Zoe. Masarap ang luto niyo."

"Eh ano? Bakit ka sumisigaw d'yan na ayaw mo na?"

"Kasi naman parang walang nangyari," gulo pa ni Sab ng buhok niya. "Naku-curious na ako. Ikaw!" sabay turo niya kay Ice. "Bakit ka ba nandito?"

Nagtaka naman si Ice sa tanong ni Sab at kumunot ang noo, "Bakit? Anong masama? Hindi ba ako pwede dito?"

"Hindi 'yun! Bakit ka nandito?!"

"Inulit mo lang 'yung sinabi mo."

Magsasalita pa sana ulit si Sab kaya lang ay siningitan na siya ni Ayu, "Wait lang Sab." Itinapat niya ang kamay niya sa mukha ni Sab at lumingon kay Ice, "Actually kanina pa kami nangangati magtanong kung bakit ka nandito Ice. Umalis ka kanina sa school ng walang sinasabi tapos dadatnan ka na lang namin dito sa bahay na nakikipagtawanan kay Zoe."

"Ah. Ayun ba? Wala lang."

Nagkamot naman ako ng ulo at sumabat, "Hindi ka pumasok kasi wala lang? Iniwan mo kami kasi wala lang?"

"Kung batukan kaya kita dyan Ice." Singit naman ni Xander.

"At bakit mo naman ako babatukan?!" pasigaw na tanong niya.

Nagkibit balikat si Xander, "Kasi wala lang."

Ano ba 'yan? Word of the day na 'yang 'Wala lang' na 'yan.

Tumayo naman ulit si Sab at nang-agaw na naman ng eksena kaya napatingin ulit kami sa kanya, "Hoy Ice! Paano ka nga pala nakapunta dito?!"

"Nagdrive?"

"Hindi 'yan! Huwag mo kong pilosopohin. Paano mo nalaman kung saan kami nakatira? Never ka pa naman napunta dito ha! At hindi namin binigay ang address namin sa inyo."

Oo nga, ano?! Paano nga pala napunta dito si Ice? Paano niya nalaman ang address nila Zoe? Hindi kaya stalker 'tong si Ice?!

"Pare, stalk – "

Pinutol naman niya ang sasabihin ko at sumagot na hindi pa man din tapos ang tanong. "Hindi ako stalker. Nagkataon lang na nalaman ko ang bahay nila kasi hinatid ko siya dito kagabi."

Sa sagot niya ay bigla namang nasamid si Yannie, "Wait, what? Hinatid mo siya kagabi?!"

"Ano ba 'to? Hot seat? Napadpad lang ako sa bahay niyo kung anu-ano na tinatanong niyo. Kung ayaw niyong nandito ako sabihin niyo na lang. Hindi 'yung tinatadtad niyo ako ng mga tanong niyong hindi ko naman maintindihan."

Akmang tatayo na si Ice sa upuan niya para siguro lumabas pero hindi siya natuloy kasi binatukan siya ni Zoe.

"Huwag kang maarte dyan. Upo," sabay irap niya kay Ice. "Kayo naman," turo niya sa amin. "Ang dami niyo ngang tanong. Paano niya nalaman ang bahay namin? Kasi hinatid niya ako kagabi. Bakit niya ako hinatid? Kasi napakalakas ng ulan kahapon at hindi ako makauwi. Bakit hindi ako tumawag sa mga kaibigan ko para magpasundo? Kasi wala sa akin ang phone ko. Bakit sa kanya pa ako sumabay? Kasi wala ng tao sa school that time. Bakit late din siya umuwi? Kasi dumaan siya sa mommy niya na principal ng school." Pumikit siya sandali at huminga ng malalim saka nagsalita ulit, "May tanong pa kayo?" sarkastiko niyang tanong.

Nagtaas naman ng kamay si Sab, "Seriously, Sab?"

"What? Eh sa may tanong pa naman talaga ako." Napailing na lang kami sa kanya. sa hinaba haba ng sinasabi ng Zoe, wala na akong maisip na pwede pang itanong tapos itong si Sab... hay.

Tumingin siya kay Ice, "Bakit ka andito?"

"Pangtlong beses mo ng tinatanong 'yan."

"Try mo kasing sagutin. Wala lang is not considered as an answer. So bakit nga?"

Napalingon naman kaming lahat kay Ice nu'n. Oo nga naman. Ayun pala talaga dapat ang itanong namin. Buti likas na chismosa si Sab at hindi pinalagpas ang tanong na 'yun.

Napabuntong hininga naman si Ice, "Kasi..."

"Kasi?" tanong pa ni Ayu.

"Kasi nakokonsensya ako. Alam ko na ngang nilalamig at naulanan siya kahapon tapos tinodo ko pa rin 'yung aircon ng sasakyan. Nalaman ko pa na nagkasakit siya at wala siyang kasama sa bahay. Baka kako isang reason 'yung ginawa ko kung bakit siya nagkasakit. Kahit sino naman siguro makokonsensya 'di ba?"

Sabagay, may punta siya. Tama nga naman. Kahit ako man 'yun makokonsensya. Pasaway din naman kasi 'tong si Ice. Bakit tinodo pa ang aircon eh naulanan na nga 'yung tao. Tsk tsk.

Bigla namang umubo ng malakas si Josh. Nasamid ata. Paano naman kasi kain pa rin ng kain habang nakikinig. Kasibaan naman kasi.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka umuubo?" tanong ni Ayu sa kanya.

Uminom siya sandali ng tubig at nginitian kami. "Kasi wala lang."

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon