chapterTWENTYSIX~ Day One..

2.9K 51 15
                                    

                "Welcome to the 63rd Foundation Day *blahblahblah*"

Nagsisimula na yung speech nang President ng Board of Directors. At nakakatamad ang speech niya -_-" Nakakaantok pa. Sana ay simulan na ang games diba?

                "Dani!!"

Napatinign naman ako kay Ayumi na nakasigaw. Malayo-layo pala siya kaya sumisigaw. Nilapitan ko na siya kasi baka mag-eskandalo pa ang babaeng ito.

                "Makasigaw ka te ha."

                "Sorry naman. Nagulat lang kasi ako sa nakita ko!"

                "Ano naman ang nakita mo?"

                "Nakita mo yung pangalan mo!"

-_-"

                "Ano naman ang nakakagulat sa pangalan ko?"

                "Nakita ko kasi siya na nakasulat sa listahan ng sasali sa 1000-meter dash, lawn tennis, at swimming!!"

                "Ano namang nakakagulat doon?"

                "Anong anong nakakagulat!?!?! Like hello!! May naglista sayo sa mga listahan ng sasali!!"

                "Paano mo naman nasabi na hindi ako yung naglista?"

                "Eh kasi po, hindi mo yun sulat no! Lagi kaya ako sayong nanghihiram ng notes."

                "Pinasulat ko yun kay Brandon nung Friday. Pupunta daw kasi siya dito eh tinatamad akong pumunta kaya sinabi ko sakanya na i-sign-up niya ako sa tatlong sports."

                "Marunong ka nang lahat?"

Tumango naman ako at biglang nagbago ang mukha ni Ayumi. Parang walang nangyari yung ekspresyon niya. Kakaiba talaga magpaklit ng mood tong babae na to.

                "Danielle koooo~"

Napatingin naman ako dun sa nagsalita..

-_-"

Si Timothy pala.. Akala ko si Bran-- Nevermind.

Sinamaan ko nang tingin si Timothy tapos ay nginitian niya ako.

                "Anong Danielle ko?"

                "Danielle ko. Aking Danielle. My one and only Danie-"

                "Kelan naman ako naging sayo?"

                "Masama ba ang mangarap?"

                "Timothy.."

                "Danielle kasi.. Hindi ba pwede bang ako nalang?"

                "Diba napag-usapan na natin to?"

                "Oo nga.. Pero hindi yun ganun kadali. Tignan mo ngayon! Nasan siya! Wala! Pero ako? Nandito sa tabi mo.."

                "Pinabili ko siya nang gatorade. Baka kasi maubusan ako mamaya."

Nagbago naman yung ekspresyon ng mukha niya. Pahiya kasi. Parehas sila ni Ayumi na mabilis magbago nang mood. Bagay talaga sila.

                "Kalimutan mo nalang yung sinabi ko ^__^v"

                "Bakit ngiting-ngiti ka diyan?"

She was a GangsterWhere stories live. Discover now