chapterTEN~ Look What You've Done..

4.6K 77 8
                                    

                "Bakit niyo kinalaban ang black gang!?!?!?!"

                "D-danielle?? A-ano ang sina-"

                "BA-KIT-NYO-KI-NA-LA-BAN-ANG-BLACK-GANG."

                "A-anak, a-anung gang ang pi-"

                "Pwede ba Wild Lion wag mo akong lokohin!"

Nanlaki naman ang mata nilang lahat sa sinabi ko. Alam ni Brandon na alam kong gangsters ang parents ko pero hindi niya alam na alam ko na isa sila sa pinakamalakas na gang dito sa Pilipinas.

                "A-alam mo??"

                "Matagal ko nang alam, Wild Rose.."

Lalong nanlaki ang mga mata nila nung tawagin ko si Mom sa codename niya. Silang apat lang ang nakakaalam kung sino si Wild Rose dahil isa siya sa pinaka-controversial na lady gangsters, kaso nga lang, sumusunod lang siya sa akin. Di hamak naman na mas controversial si Island Rose dahil walang nakakaalam sa true identity ko. Yung gangmates ko sa Amerika, kilala ako bilang 'Queen Bee'. Yun ang codename ko kasi. Ang bantot nga eh.

                "Hindi parin ba kayo magsasalita? Wild Tiger (sabay tingin kay Tito)? Wild Butterfly (tingin kay Tita)?"

                "P-pano mo nalaman..." Wild Rose/Mom

                "Malakas lang ang instincts ko kaya nung medyo nagdududa ako sa inyong apat ay inimbestigahan ko kayo.."

                "Hindi ka basta makakapasok sa gangster world kung hindi ka gangster. huwag mong sabihing.." Wild Butterfly/Tita

Tapos naglakihan ulit yung mga mata nila. Ano ba yan? Nagpapalakihan sila ng mata?

                "Bakit mo nilihim sa amin na gangster ka?!?!" Wild Lion/Dad

                "Like father, like daughter." Madiin kong sagot.

                "Alam mo ba na delikado ang pinasok mo?"

                "Huwag kayong mag-alala dahil kaya ko ang sarili ko."

                "Kaya?!? Paano mo makakaya ang mga kalabang-"

Tumalikod ako kaya hindi natuloy ni Dad ang sermon niya. Ayaw niya sa lahat ay yung tinatalikuran siya.

Binaba ko yung sleeves ng left shoulder ko kaya nareveal ang peklat ko. Color brown siya na dark. Parang Rose na tattoo sa katawan ko. Ang galing nga eh, rose na rose talaga. Nakuha ko yun nung hindi pa ako sikat na gangster. May nakalaban ako tapos ay nasaksak yung left shoulder ko. Dinala ako sa ospital tapos ay pinatahi ng co-gangsters ko yung saksak. Nung gumaling ay nging ganon na..

                "IKAW?!?!"

                "Yup. Ako nga."

                "Pano nangyari..."

Hindi na nila alam ang sasabihin nila. Halatang naguguluhan sila. Sa itsura ko ba naman kasing ito, sino ang mag-aakala na gangster ako?

                "Mahabang kwento.. at hindi niyo parin sinasagot ang tanong ko."

                "*Sigh* Nakalaban namin dahil mapilit sila."

                "Yun lang?!"

                "Araw-araw nila kaming hinahamon."

                "Dahil dun kaya niyo sila kinalaban?"

                "Saka sinabihan nila kaming duwag at mahihina dahil sa ayaw na-"

                "Naisip niyo ba ang pwedeng mangyari?

                Naisip niyo ba yung mga gangmates niyo?

                Naisip niyo ba yung pamilya nila?

                Naisip niyo ba ang mga pamilya niyo?

                Naisip niyo ba ang mga consequences na pwedeng mangyari?"

Natahimik nalang sila.

                "Alam niyo naman na tuso ang Black Gang diba?

                Nakita niyo na yung Dark Gang?!?

                Nabuwag sila dahil sa kadayaan ng Black Gang.

                Tama ba ako... Dark Panther? (tingin kay Brandon)"

Nanlaki naman yung mata ni Brandon. Alam niya kasing walang nakakaalam kung sino si Dark Panther. Walang nakakaalam sa kung sino siya. Kung sinabi ko rin naman sa kanila na ako siIsland Rose, dapat alam din nila kung sino si Brandon para fair. Ano yun? Alam nila na ako siIsland Rose pero si Brandon hindi nila alam bilang Dark Panther?

                "Ikaw si Dark Panther?!?!" Wild Tiger

HIndi naman nakapagsalita si Brandon.

                "So ano na ang balak niyo?"

                "Kakausapin namin ang mga gangmates namin bukas at ipapaalam ang tungkol sa Black Gang." Wild Rose

                "At kakausapin din namin si Black.." Wild Lion

                "Buti naman.

                pati kasi yung date namin ni Brandon nabubulahaw.."

                "Ano yung sinabi mo?" Wild Butterfly

                "Sabi ko kumilos kayo agad. Baka maunahan kayo ni Black."

                "Hon, kontakin mo yung leaders ng Trinity Gang, Iron Fist Gang, Medussa Gang at Akshin Gang" Wild Tiger

Tapos nun ay nagdiscuss na sila sa kung paano gagawin yung briefing sa gangmates nila at yung meeting sa mga leaders ng ibang gang.

Yung mga gang kasi dito, parang organization. Ang pinakaleader ng lahat ng gangs ay ang Wild Gang, yung kela Mom, Dad, Tito at Tita.

Meron ding events yung bawat gang. Parang 5 on 5 battle, 1 on 1, last man/woman standing at iba pa. Nangyayari lang yun once a year. Kapag nasa kalsada ka naman, okay lang na makipaglaban ka basta walang patayan. Pwede yung balian ng buto, saksakan at kung anu-ano pa basta walang patayan. Oras na may mamatay ay malaking parusa ang kapalit.

Nakapanood na ako dati ng mga tournaments nila. Maayos at oraganozed naman... kaso lang weak yung mga naglalaro. Pshh. Hindi naman ako sumasali dahil ako nga si Island Rose.

I work alone. I fight alone. Kaya nga 'Island' ang ginamit kong codename. Yung kasabihan namang 'no man is an island' na sinasabi nila sa akin, isa lang ang sinasagot ko.. "I am not a man, I'm a rose...". Oh diba bongga?! Hahaha.

Haaay. Masyadong magulo ang araw na to. Kailangan ko nang magpahinga, bukas ko nalang poproblemahin ang gulo nila Mom at Dad kung hindi nila ito malulutas..

[ Pasensiya na po kung maiksi ang chappy na to. Ganun talaga ang buhay. Joke lang. Antay lang kayo at magugulat kayo sa maglilitawan sa next chappies O.O" .. Naeexcite na ba? Tama lang yan :) LolJk. Basta antay lang. Patience is a virtue. GB Everyone :) ]

PS: Vote ♥ Comment ♥ be a Fan

She was a GangsterWhere stories live. Discover now