Game 53

20K 444 18
                                    


Game 53

"Killing me softly with his song"

Sheliah Santibañez

Tulala kong tinanaw ang mga tao sa stage, final day na ng rehearsal namin and I feel so down, wala akong ganang mag-perform bukas. After that sh*t? Who would survive that?

"Sheliah are you listening?" napabalikwas ako nang lumapit sa akin ang CEO ng Harmony Recording Studio.

"Ahm, I'm sorry." yumuko na lang ako.

Tinapik nito ang aking balikat. "Any problems? Care to share?" I just gave him a sad smile.

"No, I can handle this on my own." He just shrugged at muli niyang ipinaliwanag ang mga dapat naming gawin at ang schedule.

Lucas was staring at me habang nakikinig siya sa sinasabi ni Boss. Tinignan ko din siya sa mata and few moments later, umupo na siya sa tabi ko.

Eksaktong pagkaupo niya sa tabi ko, natapos na ang pagpapaliwanag ni Boss.

"Congratulations for the hard work of team! This is it, good luck and I know you guys are doing so well." He thumbs up at nagpalakpakan ang lahat except me.

Biglang pumitik si Lucas sa tapat ng paningin ko at doon ko namalayan na kanina pa umalis si Boss at nakatulala lang ako.

"Liah, punta tayo ng mall." He gave me a bright smile and he held my hands.

"Lucas I'm not in the mood." binawi ko ang kamay ko but I didn't expect na bubuhatin nya ako! "Put me down! Lucas ano ba?!"

Hindi niya ako pinansin at nakangisi siyang naglakad patungong sasakyan "Don't worry about your car, ipapahatid ko na lang 'yan sa Kuya Jonathan mo." hinampas ko siya sa dibdib. "Aray!" pinasok niya ako sa loob ng sasakyan and when he entered the car, I immediately punched his face.

"Gag* ka ba?! Uuwi na ako sa bahay namin. " hindi niya ako pinansin and he just focus on the road while humming. What the hell?

Napagdesisyunan ko na ding manahimik. Screaming won't help me. Sometimes you have to stop whenever you're tired of doing the same thing all over again.

"So quite, Miss Liah." pagbasag niya sa kapayapaan.

Hindi ko siya inimik at tumingin na lang din sa sasakyan. I opened the window and I saw a group of teens yelling and jumping then they were screaming my name.

"Lucas stop the car."

Hininto niya ang kotse then bumaba ako sa sasakyan at agad akong sinalubong ng grupo.

"Oh my G!! Si Liah nga talaga 'to oh my goshhh! Naiiyak na ako." I smiled at her.

"Liah can we take a picture? Fan mo kasi kami eh. Look oh." He grabbed something on her bag and I saw a t-shirt with my face on it. "Kakagaling lang namin sa printing shop and we will wear this tomorrow on your concert!"

I badly wanted to cry dahil sa sobrang pagmamahal na natanggap ko ngayon. "Thank you guys, do you mind if I sign these t-shirts?" nagkatinginan silang lahat at maluha-luhang tumango at binigay nila ang t-shirts sa akin at isa-isa ko itong pinirmihan and after that,nag-picture taking kami isa-isa then a whole.

"Thank you Liah! Natupad na din pangarap ko na mangyari 'to. You're so kind and I promise na I'll be your loyal fan." I giggled.

"Buti ka pa loyal." Napa- "ohh" silang lahat sa sinabi ko.

Revenge On My Player Ex (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon